Chapter 2

42.8K 1K 12
                                    

Nakangiti lang ako habang pinapanood ang kambal na nakasakay sa carousel, dito kasi nila kami hinila ni Amira pagkatapos naming sumakay sa ferris wheel. Their smiles are enough for me to be stronger and happier. Hindi ko man maibigay ang wish nila na makita o makilala ang ama nila I will still do everything para punan ang pagiging ama at ina sa kanila.

I'm sorry if mama is selfish, kung hindi lang sana naging mahirap ang lahat, kung hindi lang sana naging magulo, I will give you the complete family you're looking for. Sorry mga anak.

"Oy! You're spacing out " tinabig ako ni Amira sa balikat.

"Ah what? Are you saying something?" tanong ko. She pouted.

"I guess you're thinking about him again, aren't you?" Ngumiti ako ng tipid.

Wala namang bago doon kahit limang taon na ang nakakalipas. How would I forget that man anyway, siya lang naman ang taong nagparamdam sa akin ng lahat ng mga bagay na hindi ko naramdaman before. At paano ko siya makakalimutan kung sa tuwing titingin ako sa mga anak ko ay kitang kita ko ang mga abo niyang mata sa kanila? All the beautiful features na meron sa lalaking iyon ay meron din sa mga anak ko.

"Nakakalungkot lang, paano ko matutupad ang kahilingan ng mga anak ko?" Dahil kung iisipin, malabo nang mangyaring magkrus pa ang landas namin. At ayoko na ring mangyari iyon.

Inakbayan ako ni Amira. "You know what Mommy, why don't you go and date someone hmm? Like Beyb, he's been courting you na rin for years."

Maka-mommy naman 'to. At ano raw date someone? Tsk, ni hindi ko na nga mabigyan ng oras ang mga anak ko makikipagdate pa 'ko. Si Beyb? He's a friend at hanggang doon lang ang tingin ko sa kanya.

"What if ikaw nalang kaya ano? How old are you again? 25?" Kumindat ako.

"Bakit napunta naman sa akin ang usapan?" Irap niya.

I laughed. "Eh kasi, malabo nang mangyari yung makikipagdate pa ako. Sinong gugustuhin na makasama ako, ako na may anak na. Tsaka mas gusto ko pang ilaan ang oras ko sa mga anak ko kaysa sa mga lalaking 'yan. Tsaka ikaw tumatanda ka na Ma'am baka naman ikaw na dapat ang makipagdate. Don't mind me okay?"

"Wala naman akong nagugustuhan sa mga manliligaw ko." She crossed her arms.

"Eh paano naman kasi, bago pa naman sila makapagsalita nagtataray ka na diyan." Ewan ko ba sa babaeng 'to, in born na ata ang pagka-masungit but only to those people na hindi naman niya kilala or should I say hindi niya gustong kilalanin? Well, ako ata ang maswerteng tao na hindi ko man lang naranasan yung pagtataray niya kahit noong unang kita namin.

Naalala ko naman na parang nahawa si Akira sa Chef niya dahil minsan ay nagtataray at nagsusungit din ang batang 'yon. But of course, namana ng kambal ang pagsusungit sa ama na naman nila. Tsk. Lahat nalang sa kanya, nakakainis.

"Ayoko lang nang maiwan ulit, lokohin at ipagpalit sa iba. I don't know, maybe I'm just scared to be cheated on, to be left by the person again na akala ko ay mag-estay sa buhay ko no matter what. Ilang beses nang nangyari sa akin 'yon at yung experience mo pa, kaya hirap na akong magtiwala. That's why I'm pushing them away." Naiintindihan ko naman siya sa part na 'yon, si Amira para ko na ring kapatid alam ko na kung ano ang kwento ng buhay niya and she knows mine too.

Bakit pa kasi kailangan pa namin 'tong maranasan? 'Yung lokohin at saktan ng taong minahal namin?

Kaya siguro kami pinagtagpo ng babaeng ito kasi we know that we can relate and understand each other.

"Naiintindihan kita but hey always remember that I'm not gonna leave you. You're like a sister to me. Pero i-pupush ko pa rin yung makipagdate ka na hahah!" Nahampas tuloy ako.

Mafia Boss 2: Owned By Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon