*beeeeeeeeeeep*
Dali-dali kong iniwas ang kotseng minamaneho ko nang mapagtanto kong nasa kabilang lane na pala ako. I didn't even notice that! Masyado na ata akong clouded ng eksena kanina.
Damn it Kyana, kailan ka pa naging careless sa pagmamaneho?!
Tinabi ko muna ang sasakyan sa gilid ng highway. Tinignan ko naman yung dalawang natutulog sa backseat, mabuti naman at may seatbelt sila at hindi nagising. Shit.
Sumubsob muna ako sa manibela to calm myself.
"Come on Kyana! Get your shits together! Wake up!" I yelled at myself. Tatanga-tanga kasi.
Ilang beses akong huminga ng malalim when someone was knocking on my car's window. Napapikit nalang ako sa pag-aakalang baka pulis o yung muntik ko nang makabanggaan kanina.
But when I looked at the one who kept on knocking ay may halong gulat at pagtataka ang gumuhit sa mukha ko.
I opened the car's door and went out.
"Kharlo?"
"Are you out of your mind?!" Pagalit na sigaw niya. "Muntik ka nang bumangga Kyana, binubusinahan kita ng ilang beses dahil nasa maling lane ka na but it seemed like you're not on your self" He ran his fingers through his hair. I bit my lip. Kinabahan din ako doon. I almost got ourselves killed. Stupid Kyana.
"Are you okay?" Tumango ako. Tumingin siya sa bandang backseat ng sasakyan. "How about them?"
"Ahh... They're fine. I'm sorry, I was carelessly driving. Damn it." Binulong ko 'yung huling linya. Nahiya din ako sa kanya.
"Were you drunk?" Umiling ako. "Pero daig mo pa ang nakainom kung magdrive."
"Get in. I'll drive you home." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Oh no... No... It's okay hindi na mauulit." Umiling siya.
"I won't let you drive right now, after what I saw. Come on. Get in." Sumakay na siya sa driver's seat ng sasakyan ko habang nakatingin pa rin siya sa akin at hinihintay akong sumakay.
"Paano ang sasakyan mo? Kharlo okay lang ako," umiling ulit siya.
"You're not. Masamang magmaneho kapag wala sa sarili. Don't mind about the car I let someone get it." Bakit ba napakakulit niya?
"Fine," sabi ko. Wala na rin akong magagawa atsaka tama siya, ewan ko ba pero hindi ako makapag-isip ng maayos after that talk. Shit.
"Huwag mo munang isipin ang nangyari kanina. Tsk." Tumingin ako sa kanya.
"I wasn't!"
"As if I'll believe you." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Paano mo---"
"Same way lang tayo I guess? After mong umalis, umalis na rin ako." Tumango nalang ako. Hindi pa kami ganon ka-close pero kung makagawa siya ng ganitong bagay sa akin parang close friends na kami. And the last time I checked he was also a little bit mad at me dahil sa ginawa ko sa kaibigan niya. So what happened now? Pero mas mabuti na rin sigurong nandito siya dahil nanginginig pa rin ako ngayon dahil sa katangahan ko.
Hindi ko kayang mamatay at maiwan ang mga anak ko, hindi ko rin matatanggap kapag may napatay akong isang anak ng Senator at isa pang kaibigan.
Umiling-iling ako. My thoughts went too far. Buhay pa naman kami. Thanks God.
"So saang daan?" Tanong niya after niyang tinawagan ang driver at sunduin siya. Tinuro ko naman kung saan siya liliko. I decided na sa bahay nalang muna sila mag-stay, dahil ayaw ni Amira na umuuwi siya ng lasing sa bahay nila dahil mag-aaalala na naman ang Daddy niya. At kilala ko na ang babaeng 'to, bago pa man siya magpunta ng bar, uminom at magpakalasing nagpaalam na siyang sa restaurant nalang matutulog. Yes she sleeps in her own office sa main restaurant niya mismo, kompleto rin ang gamit niya doon, though kaunti lang.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss 2: Owned By Him
Action|COMPLETED| Not all mafias are heartless, they also deserve to love and to be loved. MAFIA BOSS SERIES 2: OWNED BY HIM --- Past that makes them meet again Past that kept them hurting Ang nakaraan din ba ang babago sa kanilang kasalukuyan? After all...