Chapter 32

29.8K 827 71
                                    

Naiwan akong umiiyak sa loob ng opisina ni Zyrone. Wala akong napala sa pagpunta dito dahil hindi naman siya ang may gawa.

Pumasok si Ivy at lumapit sa akin. Nag-aaalala siyang nakatingin sa akin. Doon na rin ako napatayo. Kailangan ko nang umalis. Dahil kung hindi si Zyrone, hindi ko alam kung sino ang kumuha sa anak ko. At the end aasa kami sa imbestigasyon at maghihintay. I can't wait. Paano ang anak ko? Nakakain na ba siya? Nakatulog na ba 'yon? Nakapaglinis na ba ng katawan? May malambot na kama ba siyang hinihigaan? Wala bang lamok na kakagat sa kanya? Paano kung hindi siya makatulog? Paano kung ayaw niyang tumigil sa pag-iyak hanggat nandon siya sa lugar na iyon? Paano kung madehydrate ang anak ko kakaiyak? Oh god.

Kinabahan na naman ako ng sobra. Paano kung may ginawa na silang masama sa anak ko?

"Mrs. Olivier." Ngumiti ako ng pilit.

"Kyana. Just Kyana, Ivy." Hanggang ngayon kasi ay napaka-formal pa nito sa akin kahit ilang beses kong sabihin na sa pangalan ko nalang niya ako tawagin.

She was about to say something or ask something pero hindi niya iyon ginawa. But that's okay ayoko rin namang magtanong muna siya dahil I'm afraid she won't get answers from me now. Kailangan ko nang umalis.

Hinawakan ko ang braso niya. "It was nice seeing you again Ivy, I'm sorry but I need to leave now," niyakap ko siya saglit at tuluyan na ako akong lumabas sa opisina ni Zyrone.

Tatawagan ko na sana ang number ni Papa para tanungin kung ano ng balita. Kung may lead na ba? Kung nahanap na ba nila ang anak ko o kung ano ang kailangan ng mga kidnappers?

Kung pera lang din ang usapan, I swear I'll do everything to give it to them kahit anong halaga. Kahit na wala naman akong sobrang laking ipon I will still find a way para ibigay ang halagang kailangan nila maibalik lang si Akira sa akin.

Akira baby, wait for me. Hang in there.

Para na akong mababaliw sa takot para sa kaligtasan ng anak ko. Pinipilit kong hindi mag-isip ng masama para kahit papaano ay makapag-isip ako ng maayos.

Itinago ko sila sa Daddy nila sa mahabang panahon para lang hindi sila mawala sa akin pero ang hindi ko alam ay may kukuha ng iba at nagawa niyang ilayo sa akin ang anak ko.

Hanggang ngayon ba talaga I was like that 20 year old self, young, dumb and reckless? Sa lahat ng mga desisyon ko sa buhay mali pa rin ba?

Someone called me. Unregistered number.

Nanginginig ang kamay kong pinindot ito para sagutin ang tawag. May kutob ako na ito na ang kidnapper. Ganitong ganito ang nangyayari sa pelikulang napapanood ko. They want a ransom.

Dumeretso din ako ng banyo para hindi ako pagtinginan ng tao dahil sa mga mugto kong mata at mukhang puno ng luha.

I am so tired but I should never give up. Ni hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa kaiiyak at takot pero kailangan kong maging matibay.

"Hello?" I said.

"Kyana, Kyana, Kyana..." Boses palang ay kinilabutan na ako. Boses palang ay hindi ko na kilala kung sino.

"Sino 'to?"

"Makinig ka hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Nasa akin ang anak mo." Tinakpan ko ang bibig ko dahil sa paghikbi.

"Hayop ka! Ibalik mo sa akin ang anak ko!" Sigaw ko. Humalakhak naman ang lalaki sa kabilang linya.

"Anong kailangan mo?" I asked. Tinapangan ko ang boses ko kahit ang totoo ay nanginginig na naman ako.

"Ikaw. Ikaw ang kailangan ko." Nagtaasan ang balahibo ko sa batok. Ako? Ako ang kailangan niya pero bakit anak ko ang kinuha niya?

"Bakit? Bakit ang anak ko ang kinuha mo at hindi ako?!" I shouted. Mabuti nalang at wala namang tao sa banyo.

Mafia Boss 2: Owned By Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon