Chapter 45

32.4K 914 36
                                    

Napapangiti nalang ako sa isip sa tuwing nakikita ko si Zyrone na kumukunot ang noo habang tinitignan pareho ang kambal.

What's in your mind now, Zy?

Kanina ay natawa ako ng mahina dahil sa kaba at pag-aalala na gumuhit sa gwapo niyang mukha dahil kay Akira when she hurriedly got off from bed. Doon palang, pansin ko na ang pagiging over protective ni Zyrone sa anak niya at nacute-an lang ako kasi he really looks like a father babysitting his daughter.

Kasalukuyan kaming kumakain lahat ngayon, everyone's busy eating samantalang ako ay pinagmamasdan lang sila.

I am just so happy that everyone I love is here with me.

Pero alam ko namang may dapat pa akong ayusin sa amin ni Zyrone. Ang sungit niya kasi sa akin. Mabilis magbago ang mood ng lalaking iyon. Kung minsan ay napaka-caring at sweet ang mga tanong at gestures niya sa akin tapos sa isang iglap tinitignan niya ako ng cold at kinakausap niya ako na para bang ibang tao. Which is I do understand on why he's acting like that. He's still mad at me.

Siniko ako ni Amira na nasa tabi ko. Kumakain kasi kami ngayon sa sala ng kwarto, hindi kasi kami magkakasya lahat doon sa dining table sa gilid so we chose to eat here.

"What?" I asked.

"In love na in love girl? Hindi makakain at busog na just by staring at your twins' Daddy ganern?" Bulong niya. Kumunot ang noo ko pero feel kong namula rin ang pisngi ko.
"Asuuusss maharot kang babae ka!" She teased.

"Bakit mo naman nasabi?" I asked her.

"You're not eating your food and you're just staring at him," tinignan ko naman ang pagkain ko. Tama nga siya, I barely touched my food. Eh kasi naman, ang ganda kayang panoorin ang mag-ama ko. Pati na rin ang pagtitig ni Zy sa mga bata tapos kukunot ang noo, I wonder why. Tapos ang cute kasi pinapakain niya silang dalawa. Halata namang namiss ng matagal ng mga anak ko ang kanilang Daddy that's why they chose to be with him all the time, sila rin ang pinili nila para magpasubo even if they both know how to use spoon and fork already. So ang ending hindi rin nakakakain ng maayos si Zy but it seemed like he doesn't mind, katulad ng mga bata he also missed them, at bumabawi siya sa mga ito. Napaka-caring niyang tatay. At hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko kasi heto na naman ako at nagsisisi dahil sa ginawa ko tapos sa sobrang saya kong makita silang ganyan ay napapangiti nalang ako.

"Kyana, are you okay? Wala ka bang gana kumain anak?" Tanong ni Mama sa akin when she also noticed my food na hindi ko ginagalaw.

Everyone turned their heads. Then I saw his cold gaze again pagkaangat niya ng mata galing sa pagkain ko. Feeling ko parang bumalik ako sa pagkabata na papagalitan ni Papa kasi hindi ako kumakain, dahil sa tingin na ipinupukol niya akin.

"I guess she's already full Tita," singit naman ni Amira na siniko ko siya ng mahina and then she smiled at me. Itong babae talaga.

"May iniisip lang po, Ma," I answered. Tapos sumubo na rin ng pagkain.

"Iniisip niya Tita kung ano rin ang pakiramdam ng sinusubuan," bulong ulit ni Amira. This time kinurot ko na siya ng mahina sa tagiliran na ikinatawa niya at ikinaurong sa upuan.

"Shut up."

"Hihi. You're so cute, Mommy."

"Daddy ayaw ko na po," sabi ni Kyara.

"Are you sure?" He asked. Tumango-tango si Kyara at inabutan naman siya ng tubig ni Zyrone.

"Ako rin po Daddy," Akira said. Kambal nga.

"Okay," tapos inabutan din siya ng tubig and wiped their mouths.

Napaka-cute. Kina-career ang pagiging Daddy.

Mafia Boss 2: Owned By Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon