Chapter 33

30.6K 814 106
                                    

"Ssshhh I'm here wife. Stop crying now please?"

Biglang nabuhayan ako ng loob pagkarinig na pagkarinig ko iyon. Tinignan ko siya at lalo lang akong naiyak.

He's here. Zyrone is here.

I automatically threw my arms on him at doon din ako humagulhol sa dibdib niya. Naramdaman kong niyakap din niya ako pabalik at pinatayo habang hindi pa rin humihiwalay sa yakap.

For how many years, naramdaman ko ulit kung gaano ako ligtas sa mga bisig niyang nakapulupot din sa akin.

In this darkest chapter of my life I'm glad that I'm in his arms where I could feel the safest place I would love to be.

"I'm sorry. I'm so sorry. Oh god I'm so sorry..." Paulit-ulit kong sabi while still sobbing and crying hard. I don't know why I'm apologizing, maybe because it's my fault kaya nadukot ang anak namin. Maybe I'm sorry dahil hindi ko sinabi sa kanya ang lahat. I'm sorry because I wasn't a perfect Mom na hindi ko kayang alagaan at ingatan ang mga anak ko. I'm sorry because... because I'm in a situation where he gave me choices, to kill him or my daughter will be killed?

"Sshhh calm down," he caressed my back, making me calm. "Calm down Kyana. I'm here. I'm right here." Hindi ko alam pero mas lalo akong naiiyak but at the same time ay kumakalma ako dahil sa yakap niya. Now tell me how can I kill this man? Paulit-ulit nang sinasaksak ang puso ko sa isipang iyon.

"I'm sorry. I'm sorry," patuloy ko pa ring sabi.

"Enough. You don't have to be sorry," humiwalay siya sa yakap at ikinulong ang mukha ko sa mga palad niya. "Okay?" yumuko ako. Paano ko kakayaning titigan ang lalaking ito? Paano ko magawang tignan siya kung isang araw nalang ay  mapatay ko siya kahit hindi ko naman gusto? Bakit napakahirap?

Tuloy tuloy pa rin ang pagdaloy ng luha ko but he's here wiping it away. Inayos niya rin ang buhok ko sa pamamagitan ng pagsuklay gamit ang daliri niya.

"It fucking hurts me seeing you like this..." And it fucking hurts me thinking you'll die because of me.

"Kyana, cookie. Titigil ka ba sa pag-iyak kapag sasabihin kong hahanapin natin ang anak mo?" Muli na namang tumulo ang luha ko. Hindi na ata ito mauubos. Hindi ko ata kayang tumigil, takot, pag-aalala, sakit, galit, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko and I hardly find it to stop crying.

Mas masakit pa ito at mas mahirap sa sakit at hirap na naranasan ko simula nang iwan ko siya. Buhay ng mag-ama ko ang nakasalalay dito. Ang hirap. Sobrang sakit. Nakakabaliw. Nakakatakot. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Hey stop crying now," muli na naman niyang pinunasan ang luha ko. He kissed me on my forehead. At paulit-ulit niyang binabanggit ang stop crying please. Niyakap niya lang ako ng mahigpit and kissing my head for how many times.

"I'll help you to find your daughter," anak mo rin siya Zyrone. 

Pero tama bang sabihin ko ang lahat sa kanya sa ganitong sitwasyon? Magugulo lang ang lahat. Magkakagulo kaming dalawa. At paano kung dahil sa pag-amin ko ng katotohanan ay buhay na pala ng anak ko ang nawala? Hindi, hindi pa ngayon.

"I'm sorry dahil pinagbintangan kita. I tho---" Pinatahimik niya ulit ako.

"Tapos na Kyana, it's okay. It's okay. I understand." He kissed me on my forehead.

"Dinukot nila ang anak ko," pag-uumpisa ko. "She's just a kid. Paano nila nasisikmurang gawin iyon? I'm scared. Sobra akong natatakot, para sa kanya," at para sayo. Pero hindi ko pwedeng sabihin iyon. Natatakot akong baka may makarinig sa amin at iyon na pala ang sinasabing mata at tainga ng kumidnap sa anak ko and I won't take risk. Buhay ng anak ko iyon.

Mafia Boss 2: Owned By Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon