HILA-HILA ko pa rin si Amira hanggang sa makapunta kami ng lobby ng hospital. I took the bottled water from the paper bag na may lamang pagkain na binili ko. Binigay ko iyon sa kanya she took it and drank na halos maubos niya ang laman ng bote.
"Okay ka na?" I asked. Ano ba kasing pumasok sa isip niya at nakipagsagutan pa kay Zyrone? Yes she knows everything about us, iyon ba ang dahilan kaya nailabas niya ang pagkamaldita at pagkamasungit niya kay Zy?
"Dapat hindi mo ako pinigilan Kyana, gosh!" She said, frustrated. Her face was red. Halata namang naiinis at galit ang isang 'to.
"Hey it's okay. You don't have to do what you did." I stopped and looked at her, "Wait ano bang ginawa mo sa kanya?" I asked. She looked at me.
"As your bestfriend, of course natural na sigurong sampalin ko 'yung lalaking nanakit at nanloko sayo 'no." Ako naman ngayon ang natigilan at nakatulala lang sa kanya. Did she really slapped him?
"Kyana he deserved those slaps! Huwag mong sabihin sa akin na naaawa ka?" Mataray niyang tanong. Mukhang na-trigger talaga ni Zyrone ang katarayan ng babaeng ito.
"No. Nagulat lang ako. And you're a Senator's daughter remember? Paano kung may nakakilala at nagvideo sayo aber?"
"Wala akong pakialam I just did what I guess that will serve him right." I held her hand.
"Thanks. But next time you have to take care. Okay na ako." No I'm not.
"Teka nga dito nalang tayo mag-usap, ano bang nangyari sayo kagabi? Your parents called me tinatanong ka kung kasama raw kita because you didn't answer your phone, at wala ka pa rin sa bahay niyo. Nasabi rin sa akin na naisugod si Kyara sa hospital. Where have you been Kyana?" Seryoso niyang tanong. Umupo naman kami parehas sa sofa. Mabuti nalang at may ganitong place dito sa hospital. Wala rin gaano masyadong tao.
"I'll explain. Pero kumalma ka muna."
"I am calm now." Tumango nalang ako at sinabi lahat ng nangyari simula nang pauwi na ako at may humarang sa akin na mga lalaking armado, hanggang sa dumating si Zyrone at nagkausap kami.
"That was it it? He just said sorry?! Ang kapal naman talaga ng mukha ng Olivier na iyon!"
"Because I didn't let him explain his side. Ayoko nang pakinggan dahil baka kasinungalingan lang ulit ang lalabas sa bibig niya."
"Malamang! Once a manloloko always a manloloko." I shrugged my shoulder, iyan ang paniniwala niya dahil na rin sa mga napagdaanan niya. I couldn't blame her though, I understand her.
"And I said that I don't love him anymore. Ang sabi din niya lalayo na talaga siya sa akin." Hinila naman ako ni Amira para yakapin.
"Swerte ang gago kasi even after what he did and all these years you still love him. You love him but you're scared to take risk again lalo na at kasama na ang mga bata. I feel sorry kasi alam ko namang hindi mo gustong sabihin 'yon but you still did, I do understand you, you're just protecting the kids."
I smiled and at the same time crying. Damn wala eh, mahal ko talaga eh pero wala na akong magagawa. He's doing what he said after all. Hindi niya na rin ako matignan at kausapin. Unti-unti niya na ako kinakalimutan. Iyon ang sinabi ko sa kanya pero napakasakit.
She wiped my tears. "You're strong. Kakayanin mo 'to. And nasa tabi mo lang kami. You're not alone, okay?" Tumango-tango ako.
"Salamat."
"Let's go back. Kanina ka pa hinihintay ni Kyara. Gutom na 'yung bata ang tagal mo raw," she said. Oo nga pala, hindi pa kami kumakain.
"Your Dad, Beyb and Akira were here too." Napalingon ako bigla sa kanya habang nasa elevator na kami.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss 2: Owned By Him
Aksi|COMPLETED| Not all mafias are heartless, they also deserve to love and to be loved. MAFIA BOSS SERIES 2: OWNED BY HIM --- Past that makes them meet again Past that kept them hurting Ang nakaraan din ba ang babago sa kanilang kasalukuyan? After all...