Chapter 20

31.5K 1K 53
                                    

Nakatitig lang ako sa kanya. Shocked because of what he said. So he knows me? How? Pero bakit wife?

"But you're right. Maybe I was... wrong." I saw his jaw clenched bago niya ako ibigay sa bagong magiging partner ko.

Nanlambot ang mga tuhod ko kaya hindi na ako gumagalaw at nakatayo lang katapat ng isang lalaking may bughaw na mga mata. A foreigner it is. He was about to say something but I talked first.

"I'm sorry, I'm having a stomach ache," tapos tumalikod na ako. Dumeretso ako sa banyo. I looked at the mirror.

Napapikit nalang ako dahil hindi pa rin kumakalma ang puso ko. And what the heck was that? Nakilala ba niya ako o hindi? Parang oo kasi na hindi. I don't know. Damn it Zyrone.

Ilang inhale and exhale ang ginawa ko. Maybe there's no reason for me to stay here anymore. Nakapagsabi naman na ako kay Amira. Magpapaalam nalang ulit ako, 'yun ay kung makikita ko pa siya sa dami ba naman ng bisita nila eh.

Paglabas ko ay nandoon si Beyb, nakasandal sa pader at obviously hinihintay ako.

When he saw me ay lumapit agad siya sa akin. "Are you okay?" Tumango lang ako.

"Nakakahilo lang yung sayaw but yeah I'm fine," sabi ko nalang.

"Kumain ka na ba?" I rolled my eyes.

"Not yet." Kapag talaga nagpupunta kami sa party puro pagkain ang nasa isip niya. Like hindi buo ang gabi niya sa party kung hindi siya makakakain ng mga pagkain na sineserve sa party.

"Tara na. Alam ko namang gusto mo ring kumain." I said tapos hinila ko siya.

"Gutom na rin kasi ako," humalakhak kami pareho. I am hungry as well hindi na rin ako nakakain sa bahay. At tama lang siguro 'to ibaling nalang sa pagkain ang lahat at huwag nalang isipin na nandito si Zyrone. Masisira lang ang gabi ko lalo.

"After this I need to go home," paalam ko habang kumukuha kami ng pagkain.

"Ang aga naman. Are you bored or what? Nandito naman ako I'll make you happy the whole night," and he winked.

"No thanks. Ang harot mo talaga."

"Double meaning ka naman diyan. What I meant is that I can accompany you hanggang matapos ang party."

"Alam ko, I didn't think anything else," umirap ulit ako at sumubo sa pagkain. Pero parang nawalan ata ako ng gana dahil kaharap ng mesa namin ay ang mesa ng lalaking ayokong makita ngayong gabi. And he was there sitting, staring at us. Ano bang problema niya? Tsk.

Ang nakakainis pa rito ay hindi ko rin maalis ang tingin ko sa kanya. Alam kong gwapong gwapo siya sa suot niyang tux pero ano bang pakialam ko? Eh ano ngayon kung gwapo siya? Ano ngayon kung pinagpipiyestahan siya ng mga babaeng iba't ibang lahi? Ano bang pakialam ko?

Tsaka wala siyang karapatang titigan ako. Siya na manloloko, manggagamit, gago? Huh ang kapal ng mukha.

Kamusta naman 'yung sinabi niya hindi niya na ako gugulihin?

My god Kyana hindi ka niya ginugulo he's just staring at you!

Ganon na rin 'yon! He's messing up with my heart and mind. At umiinit ang ulo ko.

"Joke lang ang seryoso mo naman."

"Kumain ka na nga lang diyan. Tsaka after nito uuwi na talaga ako. I'm still worried about Kyara," pagkasabi ko non ay kinuha ko sa purse ko ang cellphone to check kung may text ba sila Mama. At mabuti nalang dahil ang sabi sa text nakatulog na raw pagkaalis ko ang mga kambal at wala namang problema.

Mafia Boss 2: Owned By Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon