Chapter 18

31.7K 848 25
                                    

Nakaalis na si Kharlo kanina pa pero heto pa rin ako nanghihinang nakaupo.

"Minahal ng sobra? Baka ginago ng sobra!" I said. Hindi ako naniniwala, kasi kung totoo 'yon bakit niya ako sinaktan? Kung totoo 'yon bakit ginamit niya lang ako at hinayaan pagkatapos?

"Anak..." Napatingin ako kay Papa na nakaupo na ngayon sa upuan kaharap ko.

"Pa, I'm sorry about doon sa pagdadrive nang hindi nag-iingat. I was just-" Paano ko nga ba sasabihin ang nangyari kanina? "-tired."

"May hindi ka ba sinasabi sa amin?" See? Kilala niya ako kaya hindi siya maniniwala sa simpleng pagod lang na rason ko.

"Si Zyrone po ahmm he's here. Nagkausap kami kanina pero hindi naman maayos. Nagkasagutan lang kami the whole time and inisip ko 'yon while driving so..." I bit my lip and looked down.

"Sinabi mo na?" Umiling ako.

"Hindi ko kaya, Pa." Tumango lang siya, a signal that he understands.

"Hindi na ako mangingialam kung kailan mo sasabihin sa kanya ang totoo. Whatever your decision susuportahan nalang kita. It's up to you Kyana." Ngumiti ako. He understands. My parents do.

"Thank you, Pa." Tumayo siya to hug me and I hugged him back.

"At sino naman 'yong Kharlo?"

"He's a friend. Kaibigan po talaga siya ni Zyrone."

"May nakakaalam na na kaibigan niya." Tumango ulit ako.

"Yes. Pero sinigurado naman po niya na hindi niya sasabihin ang about sa mga bata." Pero kahit ganoon ang sinabi niya hindi pa rin ako makampante. Zyrone is his closest friend.

"And before mangyari 'yon I'll punch that Olivier's face first." Tumawa nalang ako ng tipid.

"You're not gonna change your mind are you?"

"He deserves it. Actually kulang pa ang isang suntok sa sakit na ginawa niya sayo." I hugged him again.

"Hay nako, Pa. Dahil tatay kita I'll support you too," we both chuckled. Kung pwede lang i-suggest na ibitin siya patiwarik habang hinahataw ng malalaking bakal na chains eh.

"O siya, pumasok na tayo at hinihintay ka pa ng anak mong si Akira. Atsaka i-check mo na rin 'yong dalawa." Right, lasing na lasing pa naman si Amira.

"Si Kyara kaya 'yung gising," biro ko. Hanggang ngayon kasi nalilito pa rin sila ni Mama.

"Ano bang palatandaan mo sa dalawa?" Kamot ulo niyang tanong. We're heading inside the house now. I explained to him naman kung ano ang pinagkaiba sa mukha ng dalawa though minimal lang.

"Don't worry Pa, habang tumatagal hindi na kayo malilito."

"Hay nako sana nga at lagi nalang akong pinagtritripan nung dalawa." Tumawa na naman ako. Maybe the twins were enjoying playing guess who's who with their Lolo.

"Deretso na ako sa kwarto namin ng Mama mo. Pakisabi nalang sumunod nalang siya."

"Yes, Pa. Goodnight." I kissed his cheek and he kissed my forehead.

"Goodnight."
-

UMAGA na nang magising ako dahil sa mga halik ng kambal sa akin. I smiled. The best thing when I opened my eyes every morning is that nakikita ko ang mga anghel ko sa tabi ko.

"Good morning, Mama." Bati ng dalawa.

Niyakap ko sila pareho at kiniliti. "Good morning." Nagsi-tawanan naman sila pareho.

Mafia Boss 2: Owned By Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon