Chapter 10

36.2K 962 15
                                    

Niyakap lang ako ng mahigpit ni Beyb habang tulala pa rin ako dahil sa nangyari. Maraming pulis na rin ang nandito kahit mga sundalo ay nandito na rin.

Nasa safe zone na kaming mga taong nakalabas sa event hall even the people inside the hotel were alarmed and hurriedly went out from the emergency exit. Tama rin naman ang ginawa nila kasi what if may itinanim na mga bomba sa loob ng hotel na ito? And damn! I can't believe it na nakapasok sila thinking about the security of this hotel. Paano nila naipuslit ang mga armas nila gayong mahigpit nga ang seguridad ng hotel na ito?

Wala naman akong nakikitang sugatan o ano pero sigurado akong marami ang naiwan sa event hall, pwedeng mga sugatan dahil sa bala ng baril o worst mga patay na. Hindi pa rin humuhupa ang kaba ko. Shit! Si Kharlo at si Zyrone ay nasa loob pa. What if nabaril din sila? No. Ipinilig ko ang ulo ko sa naisip kong iyon.

Because of that thought ay napaiyak nalang ako. Ayoko pa ring may mangyaring masama sa kanila. Kharlo was my friend and Zyrone... kahit na masakit ang ginawa niya sa akin noon may pinagsamahan pa rin kami at hindi ko hihilingin na sana ay masaktan siya sa insidente ngayon.

Please be safe.

"Just breathe, Kyana..."

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Napapalibutan pa rin ng mga police at sundalo ang hotel. At sa bawat minutong lumilipas ay mas lalo akong natatakot para sa kaligtasan nilang dalawa.

Ayokong umalis dito sa kinatatayuan namin. Gusto kong makita na ligtas sila.

Maya-maya ay may mga lumabas ng sundalo at may dalang mga sugatan at mga nabaril na nakahiga sa stretcher. Gusto kong tignan isa-isa ang mga iyon para siguraduhing hindi kasama sina Kharlo at Zyrone pero hindi kami pwedeng lumapit.

Nagbibigay na rin ng hudyat ang mga iba pang sundalo na clear na ang ilang mga bahagi ng hotel. Nahuli na kaya nila ang mga taong basta-basta nalang nagtrespass at pinagbabaril ang mga tao sa loob?

Suddenly my phone rang. Kinuha ko ito sa loob ng makapal na coat ko at sinagot. It's Amira.

"Oh thank God. Kyana, are you okay?!" Nahimigan ko ang pag-aalala sa boses niya. Marahil ay nakarating na sa Pilipinas at ibang panig ng mundo ang balitang ito.

"I am...I don't know..."

"Oh God Kyana. May masakit ba sayo? Nasa safe na lugar na ba kayo ni Chef Ricafrente. Answer me."

"W-wala. Yes. Yes, we're safe..." Hikbi ko. Damn, I'm still worried not because of myself but because of the two men inside the event hall! Bakit kasi hindi nalang siya sumama sa akin na lumabas kanina?!

"Are you really okay?" No.

"I'll be okay. Na-shock lang ako sa nangyari."

"Shit. I'm so sorry, hindi ko alam na may mangyayaring ganyan diyan. But I'm thankful that you guys are safe. I am so worried Kyana. I'm sorry. I'm so sorry."

"It's not your fault Amira. Relax. We're safe now. Just please don't tell the kids about this ayokong mag-alala pa sila."

"Okay. Please be safe. Umalis na kayo sa lugar na 'yan ngayon. I'll text Beyb nalang sa hotel na pupuntahan niyo pansamantala while they're fixing what happened. Nakapagpa-book na rin ako doon at hintayin niyo nalang maayos ang lahat para makauwi na kayo rito."

"Yes Ma'am. Salamat Amira."

Pinatay ko na ang tawag.

Tumingin sa akin si Beyb. "Let's go?" He asked.

Gusto kong umiling, gusto kong sabihin na ayoko pang umalis pero ano naman ang irarason ko? He doesn't know a thing about the two.

I just nodded at nagpahila nalang sa kanya. Tulala pa rin ako habang naglalakad kami pero nang pagtingin ko sa kalsada upang maghintay ng masasakyan ay nakita ko si Zyrone sa kabilang kalsada.

Mafia Boss 2: Owned By Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon