Napamura nalang ako dahil hindi ko alam kung paano ko tatakpan ng make up ang pamamaga ng mata ko dahil sa kakaiyak kanina pa.
Damn you, Zyrone!
Isang oras nalang at magsisimula na ang cooking competition and I'm still struggling with my eyes.
Bahala na.
May nag doorbell at alam kong si Beyb iyon. Nag-spray lang ako ng pabango at lumabas na rin.
Just like what I expected, kunot noo niya akong tinignan.
"Are you okay?" He asked.
"Did you cry?" What am I going to do? Alangan namang magsinungaling pa ako eh halata naman. Damn!
"I just missed the kids," sagot ko nalang.
Ni hindi ko nga sila nakausap kanina eh. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko at imbes na tawagan ang mga anak ko ay umiyak nalang ako ng ilang oras. Masyado lang akong nasaktan sa sinabi ni Zyrone, and at the same time galit na galit ako sa kanya na tanging pag-iyak lang ang pwede kong gawin.
"I can't blame you. But we're going home tomorrow, makikita mo na sila." Tumango nalang ako. I'm sorry for lying. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.
"Let's go?" tanong niya.
"Yeah."
Nagsimula na kaming maglakad papuntang elevator. The competition will be held sa event hall nitong hotel na tinutuluyan namin.
Lahat ng owners ng top 5 successful and well know restaurants in the world ay mga judges sa isang malaking competition na ito. Well, Amira's restaurant is on top 2 kaya nga napasama kami rito.
Pumasok kami na naka-angkala ang braso ko sa braso ni Beyb and they welcomed us. Umupo kami sa upuang naka-assign sa amin. I can see na lahat ng kasali sa competition ay handa na, nasa designated place na sila where all the equipments and ingredients ay kompleto na rin.
They are given 1 and a half hour to finish their appetizer, main course which is beef recipe and a dessert. Yes may specific talagang meat pero hindi nila iyon alam. They just have to think of a beef recipe na makakakuha ng malaking puntos galing sa amin dahil nasarapan kami. Well judge them through the looks or the plating, the creativity and most of all the taste.
And I'm so excited na matikman lahat ng lulutuin nila. They're 10 in total. So ibig sabihin nun marami-raming dishes din ang titikman namin. At combined scores ang ibibigay namin ni Beyb.
Nagkaroon pa ng short program at ipinakilala kaming mga judges. Of course nangunguna ang namamayagpag sa ikaunang top na si Kharlo Rozzi Kho. Nagulat din ako dahil siya pala ang may ari ng Ambrosia and Nectar, isang sikat na restaurant around the world.
I knew that man. Kaibigan siya ni Zyrone at minsan na kaming nagkita at ipinakilala sa isa't isa. Siya 'yong taong hindi mo aakalaing maraming trip sa buhay mostly mga kalokohan. Pero ang hindi ko alam, when it comes to business matters ay seryoso pala siya. He's very successful like his friend Zyrone. He became more handsome and manly, katulad ni Zyrone. Malamang ilang taon din kaming hindi nagkita. Pero hindi ko talaga maitatangging magaganda ang lahi nila. Zyrone with his gray eyes and Kharlo with his hazel ones. Parehas din silang marunong magtagalog marahil ay may lahi din silang Pinoy, they're freaking multilingual too.
Kaya pala nandito si Zyrone dahil isa sa mga judges ang kaibigan niya.
Sayang, Amira has been waiting to meet Kharlo in person, at kung kailan na pwede niya nang makita ito ay wala pa siya. Kharlo was a very private man, ayaw na ayaw niyang nakikita siya sa kahit na anong television, magazines or even on the internet. Kung ganon, itong event ay pwedeng ipalabas sa international news o makita around internet pero sigurado akong walang kahit na isang picture man lang na naglalaman ng mukha ni Kharlo.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss 2: Owned By Him
Action|COMPLETED| Not all mafias are heartless, they also deserve to love and to be loved. MAFIA BOSS SERIES 2: OWNED BY HIM --- Past that makes them meet again Past that kept them hurting Ang nakaraan din ba ang babago sa kanilang kasalukuyan? After all...