"What do you mean by saving yourself from me? Did you think I'm gonna hurt you?"
"You already did hurt me okay?!" Sigaw ko. Wala na rin akong pakialam kung nagsiunahan ang pagtulo ng luha ko. This is too much! Anong akala niya, na basta ko nalang siya iniwan? Tapos bakit siya umaaktong parang wala siyang alam sa ginawa niya? Is he fucking playing with me again? Well I know better now!
"Paano?"
"Damn it Zyrone! Bakit mo ako tinatanong ng ganyan?!"
"What did I do wrong?" Napahilanos siya sa mukha niya. Okay fine I'll tell him!
"Ginamit mo lang ako para makuha ang kayamanan ng Ama mo. Pinaniwalang mahal mo ako. After that, you treated me like I was some kind of a toy kapag sawa ka na itatapon mo nalang. You cheated on me. Niloko mo ako. Oo nabili mo lang ako pero tangina ang sakit kasi akala ko you'll treat me different when you said you loved me! Pero hindi... Hindi ka ganon," hinawakan niya ang mukha ko pero iniwas ko ito.
"Don't come near me. I hate you! Niloko mo ako, tama na please. Kung nandito ka para saktan ako lalo, nagmamakaawa ako ngayon palang. Huwag mo nang gawin iyon. Don't hurt me again. I can't."
"Kyana..." Sinubukan niya akong hawakan ulit pero lumayo na ako.
"Tama na. Hinding hindi na ako maniniwala sayo kahit kailan. Hayaan mo na ako." Pinunasan ko ang luha ko.
"Fuck!" Sinipa niya 'yung sasakyan and laughed like everything happened right at this moment was a joke.
"Just damn it! But okay! Is that what you really want? I'll give you that kahit hindi ko alam kung anong nangyari, hindi ko kasi maintindihan eh. Ang alam ko lang is that I gave you everything you deserved but you left me. I was here for an explanation but I still didn't understand. Okay fine. Lalayo ako sayo. Hinding-hindi na kita guguluhin." Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paghikbi.
Habang sinasabi niya ang mga salitang iyon ay parang mga punyal na tumatama sa aking puso. Pero tama siya ito ang gusto ko. Anong iniiyak-iyak ko?!
"But I have one question," tinignan niya ako direkta sa mga mata ko. Blanko na ulit ang tingin niya.
"Did you really love me?" Sobra pa sa akala mo, Zyrone.
I didn't answer. Para saan pa? Did he think hindi ko siya minahal dahil iniwan ko siya? Of course not, I love him so much. Pero mali na kung sasabihin ko pa sa kanyang mahal ko pa rin siya hanggang ngayon, tapos na kami at hindi na maibabalik pa ang lahat sa dati. At sa tingin ko mas mabuti na rin sigurong magpanggap nalang na walang nangyari, na walang kami noon.
He smirked. "Ah! I shouldn't asked that. I guess I knew the answer already. Of course. You. Didn't. Love. Me. Enough. To. Leave. Me. Like. That."
Agad siyang sumakay sa kotse niya at pinaandar ng mabilis palayo sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko. Bigla akong nanghina.
So that's the closure already? Bakit parang mas lalong naging malabo?
Bakit parang mas lalo kaming nasaktan pareho?
Does it mean this was really the last time na makakapagusap kami? Hindi ko na siya makikita ulit? Babalik na ba siya ng France or US?
Bakit ko tinatanong ngayon ang sarili ko ng ganyan? Ito ang gusto ko diba? Ang lumayo sa akin ang taong hanggang ngayon mahal ko pa sa takot na baka mas saktan niya ako lalo.
Nanatili ako doon ng ilang minuto hanggang sa kumalma ako. But my heart is still in pain. Sa ginawa kong pangtataboy sa kanya ay nasaktan ako. I love him. Pero natatakot ulit akong sumugal.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss 2: Owned By Him
Acción|COMPLETED| Not all mafias are heartless, they also deserve to love and to be loved. MAFIA BOSS SERIES 2: OWNED BY HIM --- Past that makes them meet again Past that kept them hurting Ang nakaraan din ba ang babago sa kanilang kasalukuyan? After all...