Chapter 8

35.7K 1K 54
                                    

Hindi na ako makatulog after ng encounter na iyon. He's just next door how can I calm down and go back to sleep? Ginulo na naman niya ang utak ko at pati na ang buong sistema ko. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Ang naiisip ko lang ngayon ay kapag nakita niya ako at nalamang may anak kami baka kunin niya ang kambal sa akin.

But no. Hindi ako papayag at hinding-hindi ko sasabihin sa kanya na nagkaanak kami.

Atsaka isa pa, wala siyang pakialam sa akin hindi ba? Dahil kung meron bakit hindi niya ako hinanap at pinabalik sa buhay niya. Malinaw na malinaw pa rin ang sinabi ng kanyang ama noon that Zyrone is not capable of loving someone. Kahit hindi ko siya kinompronta tungkol doon malinaw na iyon na totoo nga, because of what I saw.

Lahat ng pinakita at pinaramdam niya sa akin noon parang totoong totoo pero wala akong kaalam alam na plano niya lang iyon to destroy me in any way he knows. Kung bakit? I dont know.

At natakot ako. Takot na takot.

But I've been waiting for that to happen iyong hanapin niya ako para sana kahit ni katiting man lang alam kong may pag-asa na totoo ang lahat ng pinakita at pinaramdam niya pero hindi nangyari. I am willing to forget what he did, handa akong kalimutan iyong sakit, handa ko siyang tanggapin ulit kasi ganon ko siya kamahal pero ilang taon akong naghintay para bawiin niya ako ay hindi nangyari. And now I hate him even more. Kung pwede lang na maglaho nalang bigla para lang hindi na kami magkita pa. He's just near at kailangan kong magtago sa kanya.

I heard the door bell again. Don't tell me...

Lumapit ako doon at sinilip 'yung tao sa peephole. It was Beyb. Napabuga nalang ako ng hangin, nakaka-tense nalang bigla ang lahat.

I opened the door at hinila ko siya agad papasok. Mahirap na at baka lumabas bigla si Zyrone.

"Woah woah woah! Easy babe." Nakataas ang kamay ni Beyb as if surrendering while looking at me.

"Asa. Why are you here?"

"You pulled me," umirap ako. "Hindi ka ba natulog?" Sita niya at pinagmasdan niya ang mukha ko, lumayo naman ako sa kanya dahil sobrang lapit niya na.

"I did."

"You didn't."

"Natulog nga ako, mga 4 hours lang that's why..."

"And why is that?"

"Hindi ako makatulog ng maayos." I lied pero parang totoo na rin dahil nga sa nangyari, "Anyway what brought you here?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Ayain sana kitang lumabas and have breakfast," tumango ako. Nakabihis naman na ako kanina pa kaya nagsuot nalang ako ng boots, I took out my furry trench coat, hood and scarf at sinuot din ang mga iyon. Winter kasi ngayon sa Paris.

"Let's go." We went out of the room at kasabay non ay ang pagbukas ng room 506. Oh shit.

Tinulak ko agad si Beyb papunta sa elevator at pumasok din ako agad. Pinindot ko ang first floor pero bago pa man iyon sumara ay pumasok siya. Yumuko ako agad hoping he didn't notice me at pumwesto siya sa pinaka-likod. Sa likod ko mismo. And now we're at the same elevator, just inches apart. Ito na ata ang pinakamatagal na pagbaba ng elevator na naranasan ko.

Shit.

Humawak ako sa braso ni Beyb naramdaman kong tumingin naman siya sa akin. Naweweirduhan na siguro sa inaasta ko.

Feeling ko masu-suffocate ako ano mang oras whenever he's near.

Hindi nagtagal ay bumukas na ang pinto ng elevator. Hinila ko ulit si Beyb papalayo at binilisan ko ang paglalakad. Daig ko pa ang kriminal na nagtatago sa mga pulis.

Mafia Boss 2: Owned By Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon