Chapter 40

30.4K 818 49
                                    

Tumingin na naman ako kay Zyrone para humingi ng tulong o kahit man lang sa pamamagitan ng tingin ko ay makakuha ako ng sagot sa tanong kong.. bakit kailangan niyang magpabaril? Oo alam ko kapalit noon ay ang anak ko pero hindi ko kaya eh, hindi ko kaya ang pinapagawa nila sa aking dalawa.

Ano bang nasa isip mo ngayon Zyrone? Do you really want me to kill you kahit sinabi ko na sayong hindi ko gagawin?

A tear escaped from my eye hanggang sa hindi ko na napigilan ang sunod sunod pang mga luha. He looked at me saying it's okay. But no, it is far from okay.

"You can do this, cookie." Cookie, mas lalo akong naiyak.

Umiling-iling ako. Ibinaba ko ang baril.

"Do it Kyana! You hate me right?! Hindi ka ba natatakot na pagkatapos ng lahat ng ito at buhay pa ako ay kukunin ko sayo ang mga anak ko?! If I were you I will pull the trigger. Come on you wouldn't want me to get my children right and leave you alone?" He shouted at me. Lumayo ako sa kanya sa takot na baka hawakan niya ang kamay ko at siya na ang babaril sa sarili niya. 

Nagbingi-bingihan ako sa sinabi niya kahit iyon ang kinatatakutan ko simula palang. But he also told me na hindi niya magagawa ang bagay na iyon. He wouldn't get the twins away from me.

Kailangan naming mag-isip. Kailangan niyang mag-isip ng iba pang paraan bukod dito damn it! He's freaking smart for Pete's sake! Bakit kailangan niyang magsakripisyo?

Gusto ko rin siyang sigawan pero hindi ko na ginawa. Bumaling ako kay Beyb.

"How can I make sure na makukuha ko ang anak ko pagkatapos kong gawin ang gusto mo?" Tanong ko.

"Kyana nandoon lang siya sa kwarto na 'yon," tapos tinuro niya ang pintong kulay itim. May dalawang armadong lalaki rin ang nagbabantay sa harap ng pinto.

"Is she o-okay?" I asked again.

"She'll be kapag patay na si Olivier."

"Wala kang awa..."

"Bakit? Ang isang 'yan sa tingin mo may awa? Oh don't tell me hindi mo alam na isa rin siyang mamamatay tao?" Nahigit ko ang hininga ko sa sinabi niyang 'yon.

"W-what do you mean?" Pagkatapos ay tumingin ako kay Zyrone. "What is he talking about?" Gulong-gulo kong tanong.

"He's right Kyana, just like him I kill people. Kaya wala na rin akong karapatang mabuhay, masama ako. Do you want me to live knowing that I murder? Matatanggap mo ba iyon? Now pull that trigger!" Mapait niyang sabi. He's serious. Oh god no.

I hope he's just kidding. Pero hindi siya yung taong marunong magbiro kapag ang seryoso ng mukha.

"No! Stop! You're both lying!" Sigaw ko dahil gulong-gulo na ako. He's just pushing me to pull the trigger. He's just thinking a reason para magalit ako sa kanya para maiputok ko ang baril sa kanya. Hindi ko gagawin iyon. Buo na ang desisyon ko.

"Ang tagal naiinip na ako. Puro kayo kadramahan!" Napalingon kami pareho ni Zy kay Beyb at sinenyasan niya ang tauhan niya na buksan ang pinto na kinalalagyan ni Akira.

But before they could've even open the door, may biglang humawak sa kamay ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko namalayan na ipinutok ni Zyrone ang baril sa dibdib niya.

Gulat na gulat ako. I feel my heart breaking and in its fastest beat. Nabingi ako ng tuluyan at nakatitig lang sa mga mata niyang nakatingin din sa akin at unti-unting pumipikit. Hindi nagtagal ay naupos siya sa kinatatayuan niya, maging ako ay napaupo when his body fell on the floor. Nabitawan ko rin ang baril na hawak naming dalawa. Nanginig ang mga kamay ko.

Mafia Boss 2: Owned By Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon