Chapter 34

30.3K 835 65
                                    

"Mama?"

"Mama, help me!"

Bigla akong napaupo dahil sa boses ni Akira sa... panaginip ko. Tama isa lang panaginip iyon pero ramdam kong parang totoo. She's asking for help. She's crying.

"Akira... Akira!" Tawag ko habang nagsimula na namang lumandas ang mga luha ko.

"Sshhh Kyana... Kyana it's alright. It's alright," niyakap ako ni Zyrone na nasa tabi lang ng kama at nabigla din sa pagsigaw ko. He's trying to comfort me.

"Yung anak ko..." Hindi ko na marinig ang boses ko dahil sa pag-iyak.

"We'll find her, okay? Calm down," he said. That's when I noticed that why am I with him? And where am I? At anong nangyari?

I roamed my eyes at puro puti lang ang nakikita ko na may touch of baby blue na pintura at kurtina.

"Nasaan ako?" Tanong ko. Doon lang siya bumitaw sa yakap. He wiped my tears first before he answered me.

"You passed out habang magkausap tayo kanina sa banyo. And I brought you here in the hospital."

Ikinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya at tinitigan ako sa mata. Passed out? Hospital? Sinubukan kong alalahanin ang lahat. I came to his company and slapped him, begged him na ilabas ang anak ko. Tapos umalis siya. And then someone called me, it was the kidnapper and shit! Yung pinapagawa niya sa akin!

"How are you feeling now?" He asked na may pag-aalala sa boses. Hindi ko alam. Pero hindi ako okay, physically and emotionally.

"Nahanap na ba ang anak ko? Zyrone kailangan ko siyang makita. Help me." Nagpapanic ko na namang sabi. Hindi ako pwedeng manatili sa hospital habang nasa peligro ang anak ko.

"Kyana. Kyana listen. You're not okay, you have to rest and eat."

"H-hindi mo ako naiintindihan, kailangan ko nang makita ang anak ko Zyrone!" Pagpupumilit ko.

"How are you gonna find her kung bago mo pa siya makita ay bibigay na ang katawan mo? Kailangan mo munang magpalakas. Look at you, sa tingin mo mahahanap mo siya if your body is weak? Anytime pwede ka na namang mahimatay. Kaya ka nga nahimatay dahil kulang ka sa pahinga, sa tulog and did you even eat?"

Doon ako natigil. Oo nga paano ko nga mahahanap ang anak ko kung ang katawan ko ay humihingi ng pahinga? After all what happened I haven't gotten enough sleep. At isang mansanas lang ang laman ng tyan ko at ilang araw na ang nakalipas. Sa sobrang pag-aalala ay hindi ko na maalagaan ang sarili ko.

"Pero si Akira--" Bago ko pa maituloy ang sasabihin ko ay inunahan niya na ako.

"We'll find her kapag okay ka na. Do you want to eat? Tell me. I know you're famished."

"Wala akong gana Zyrone" Totoo. Paano ako makakakain kung iniisip ko kung kumain na ba si Akira? Pinapakain ba siya? Ano na bang araw ngayon? Ilang araw na ba siyang hindi pa nahahanap?

"Kumain ka, please. You need energy."

"Ilang oras akong tulog?" Tanong ko.

"10 hours Kyana. But you still need to rest," umiling ako. Mag-iisang araw ng wala ang anak ko. Ang nasa isip ko habang patagal ng patagal na nasa kidnapper ang anak ko ay mas lalong malalagay siya sa kapahamakan.

"Stop thinking things Kyana. Please lang kahit ngayon lang sarili mo muna ang isipin mo. My men and Grimes' were also looking for your daughter. Ano mang araw babalik na siya," hindi eh. Hinding hindi nila mahahanap si Akira dahil bago muna siya makabalik sa akin ay kailangan magawa ko muna yung pinapagawa niya.

Mafia Boss 2: Owned By Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon