"Mama you're here..." napatingin nalang ako sa anak ko mula sa pagkakasandal ng ulo ko sa kama habang hawak ang kamay niya.
Mahina lang ang boses niya pero narinig ko siya. I smiled at her.
"I am baby. I'm sorry." I kissed her head. "Kamusta ka anak? May masakit ba sayo? Do you want to eat or drink? Sabihin mo lahat kay Mama okay?" Umubo muna siya ng ilang beses bago nagsalita. Naaawa ako sa anak ko. Hirap pa rin siya dahil sa ubo niya.
"Mama..."
"Yes Kyara..."
"Natatakot po ako sayo. Halloween na po ba?" Hay nako talaga itong batang to. I pinched her cheek lightly.
"Do I look like a ghost?" Tumango siya. "Mumultuhin kita kapag hindi ka magpapagaling."
"Mama, magaling na ako. Now that you're here." Mahina lang ang boses dahil sa oxygen mask.
"Talaga ba?" Tumango-tango siya tapos ngumiti.
"Umalis ka ng bahay kagabi na parang goddess but you came back like a ghost. Mama you're ugly now." Sumimangot siya. Kagagawan 'to ng tatay mo anak.
"Am I?" Tumango siya ulit pero tumawa na rin.
"Just kidding. I love you Mama."
"I love you too. Magpagaling ka na okay?" I bit my lip to stop myself from crying in front of my daughter. This is so hard god, she's sick yet she wants to look strong in front of me.
"What do you wanna eat?" Umiling-iling siya.
"Ayokong kumain Mama."
"Kyara..." Napatingin kami pareho sa pinto ng bumukas iyon at niluwa si Mama at si Manang Josie.
"Gising ka na pala baby Kyara. How are you feeling now?" Tanong ni Mama at agad na nilapag ang dalang pagkain tapos lumapit kay Kyara.
"Uwi na tayo Lola?" Nagkatinginan kami ni Mama. Tumalikod nalang ako para hindi makita ni Kyara ang pagtulo ng luha ko.
Pinunasan ko agad ito at dumeretso kay Manang Josie. "Thank you po Manang, pasensya na po sa abala," sabi ko.
"Walang anuman hija" Ngumiti siya sa akin. Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Magiging okay din si Kyara huwag kang masyadong mag-alala."
"Opo manang. Salamat po ulit." Nagpaalam lang siya saglit kay Mama tapos umalis na rin.
"Mag-ayos ka muna ng sarili mo anak. Ako na bahala kay Kyara. Maya-maya ay darating na ang doktor niya." Tumango nalang ako at dumeretso sa banyo ng private room ni Kyara. Binilisan ko lang ang pagligo at pag-aayos.
Paglabas ko ay saktong tumunog ang cellphone ko. It was Amira.
Napapikit nalang ako nang nakalimutan kong tumawag sa kanya.
"Kyana, how are you? Where have you been? Nasaan ka na?" She asked.
"Nasa hospital na ako Amira. I'm sorry I'll explain later."
"I'm on my way papunta diyan Kyana. Kamusta na si Kyara?"
"She's still not well. Malalaman pa lang ang result ng tests niya ngayon. We're waiting for her Doctor," paliwanag ko.
"Nakakaawa naman ang baby natin. I hope she gets well soon."
"Yes sana nga Amira. I am hurting seeing her confined in the hospital."
"I'll be there Kyana, sa ngayon huwag ka munang mag-alala diyan ng sobra okay? Everything will be fine."
"Thanks. Take care." Pinatay niya na ang tawag. 7am na rin at maliwanag na sa labas.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss 2: Owned By Him
Action|COMPLETED| Not all mafias are heartless, they also deserve to love and to be loved. MAFIA BOSS SERIES 2: OWNED BY HIM --- Past that makes them meet again Past that kept them hurting Ang nakaraan din ba ang babago sa kanilang kasalukuyan? After all...