Chapter 36

29.8K 780 62
                                    

Umiyak lang ulit ako nang umiyak hanggang sa narinig ko ang ring ng cellphone ko sa side table. I wiped my tears off.

Same caller. Unknown number.

Kinabahan na naman ako ng sobra. Gusto kong malaman kung okay lang ba ang anak ko.

"Kyana."

"Can I talk to my daughter please? Is she okay? Pinapakain niyo ba siya? Kamusta na si Akira?" Sunod-sunod kong tanong.

"Okay naman kahit papaano. Muntik ko nga lang pasabugin ang ulo ng bata dahil naiinis ako." Nanlaki ang mga mata ko.

"Oh no. No. Please huwag mong sasaktan ang anak ko. Can I talk to her?"

"Alam mo namang hindi ko siya sasaktan hanggat wala kang ginagawang katangahan." I heard the door opened sa kabilang linya.

"Mama?" Tinakpan ko ulit ang bibig ko para hindi niya marinig ang hikbi ko.

"Akira baby, kamusta ka anak? Kumain ka na ba? Did you sleep well? I'm sorry for not being there okay? I'll get you, pupuntahan ka na ni Mama."

"Mama kailan ka ba pupunta dito? Miss na kita Mama, ayoko na po dito. Mama..." narinig ko na siyang umiyak. Oh god.

"Sshhh malapit na Akira," gustong-gusto kong tanungin ang anak ko tungkol sa mga kasama niya pero natatakot na naman ako sa gagawin ko baka ikapahamak niya pa.

What is weird about her is that I think she knows who's with her. Kasi bakit kalmado pa rin ang anak ko? She was like sinabihan siya na pupuntahan ko siya sa kung saan man ang kinaroroonan niya. And I know my daughter, hindi siya basta-basta naniniwala sa sinasabi ng ibang tao. She's crying yes, but there's really something weird about her actions. Pwedeng kilala niya talaga ang kumuha sa kanya para umakto siya ng ganon.

But who would it be? Sino ang demonyong gagawa nito sa akin? Sa amin?

He wants me.

Sino ang psychopath na gusto akong kunin at gustong patayin si Zyrone makuha niya lang ang gusto niya?

"Hihintayin po kita Mama, mabait naman po si---" Napapikit nalang ako, sasabihin niya na sana kaso pinatay na ang tawag.

Mabait? It is possible then, that Akira knows him.

Bigla ulit tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang isang message from that unknown number. Sinabi sa message kung saan at anong oras.

Obviously kung saan at anong oras dapat ay nandoon na kami ni Zyrone para gawin ko na ang gusto niya.

And that is tonight. 9 PM.

May isang message ulit ang dumating at ang sabi ay huwag daw akong magkakamali na magsama ng pulis at sabihin ang nalalaman ko sa kahit na sino or else my daughter will be dead.

Pero hindi ko alam kung saan ko naman hahagilapin si Zyrone. He's mad. At nandito pa ako sa kwartong kinalalagyan ko ngayon. Alam kong may ilang oras pa kaming natitira. Pero paano ko nga ba makukumbinsi si Zyrone na sumama sa akin? No I won't kill him, papalabasin ko lang na papatayin ko siya. Kaya nga gusto ko siyang makausap para masabi ko ang plano ko sa kanya na kanina ko lang din naisip.

Kaya bago pa ako madatnan ni Amira dito ay hinugot ko na ang dextrose sa kamay ko. Sa tingin ko ay kaya ko naman na medyo lumakas na rin ako. Nagdugo ito pero nilagyan ko nalang ng pressure habang kino-kontak ko naman si Papa, para sabihin okay lang ako at ginagawa ko na rin ang lahat para mahanap ang anak ko. Nagtanong pa siya kung kanino ako nagpapatulong pero pinatayan ko na siya ng tawag. I called my mother next, kinamusta si Kyara. She said she's okay and that shes getting really well now. Nakahinga naman ako ng maluwag nang dahil doon.

Mafia Boss 2: Owned By Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon