Chapter 44

32.4K 935 30
                                    

Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya at dumako ang tingin ko sa anak kong natutulog. I walked towards her and Zyrone.

Umalis naman si Zy sa pagkakaupo niya sa kama to give me space. Pero bago pa siya tuluyang lumayo ay hinawakan niya ang aking braso. Inayos niya rin ang stand ng IV at itinabi ito sa gilid.

"You sure you're okay?" Tanong niya. Kahit na malamig ang tono niya ay para sa akin enough na 'yon to make my heart beat fast. At least he asked.

I nodded and said, "Salamat."

Salamat kasi tinulungan mo ako sa pagbalik kay Akira. Salamat kasi nailigtas mo siya. Salamat kasi tapos na ang lahat, wala nang kahit na sino ang pwedeng manakit sa amin. Salamat kasi you showed me that you really love my daughters. Salamat kasi sa kabila ng lahat nagawa mo pa rin akong tulungan at tanungin kung ayos lang ako.

Madami akong dapat ipagpasalamat sa kanya. Sobra-sobra ang ginawa niya.

Hayaan mo Zy, babawi ako sayo gagawin ko ang lahat mabawi man lang kita. I hope it's not the end for us yet. Kung araw-araw ay kailangan kong humingi ng tawad sayo, then I will. Kung araw-araw ay kailangan kong suyuin ka, I'm going to do that. I love you. I love you so much.

"Dito ka nalang din magpahinga. The bed's big. For sure she'll look for you when she wakes up." Wala pa ring ka-emo-emosyong sabi niya.

Tinitigan ko siya ng mabuti. Ngayon ko lang din napansin na may pasa siya sa mukha at putok ang gilid ng labi niya.

"What happened to you?" I asked. May nakaaway ba siya pagkatapos kong mawalan ng malay?

"It's nothing. I'm fine," gusto kong umirap. He's always like that, he always says it's nothing and that he's okay kahit na alam ko naman na hindi.

Tumalikod nalang siya sa akin at lumabas ng kwarto.

Papa just watched us pati si Amira.

Umupo nalang ako sa kama ng anak ko, I touched her face at hinalikan siya sa noo. I thought I'd lose her.

Hindi naman siya naka-confine pero siguro dito na kami dineretso ni Zyrone after the incident, kaya dito na rin nagpahinga si Akira. She's still sleeping tightly na ikinangiti ko. Napagod din siguro ang anak ko. Now that she feels safe, she sleeps well.

Tumabi sa akin si Papa. He smiled at me at niyakap ulit ako. Nakita ko namang lumabas si Amira.

"Alam ko kung anong nangyari. Salamat naman at ligtas talaga kayo pareho. Patawarin mo ako anak," he said.

"Pa, wala kang kasalanan."

"Pero nang dahi--" I cut him off. Ang nasa isip na naman niya siguro ay yung kung hindi dahil sa kanya ay hindi lahat mangyayari ito.

"Pa hindi mo kasalanan okay?" Huminga nalang siya ng malalim.

"Pa?"

"Yes?"

"Pagdating ba namin dito ay may bangas na si Zyrone?" I asked. Hindi muna siya nagsalita. I think I know who punched him. Parang biglang may pumitik sa isip ko at naalala ko ang mga sinabi niya sa akin noon na sa oras na makita niya si Zyrone ay hindi niya mapipigilan ang sarili niya na masaktan ito. That explains why Zyrone has bruises. Mukhang nagawa na nga ni Papa ang masaktan siya.

"Pa naman..."

"Sabi ko naman sayo dati pa."

Pero hindi niya naman deserve iyon dahil wala naman siyang kasalanan. I pouted, feeling ko tuloy kasalanan ko ulit.

"So after we got here, you two threw punches at each other?" Tanong ko. Pero bakit walang bangas si Papa?

"No. Hindi siya nanlaban. He accepted my punches pero hindi siya bumawi. After that, we've talked. He explained. At naintindihan ko na ngayon," napapikit nalang ako. I hope Zyrone didn't tell them about the fact that he bought me from an auction somewhere in the US.

Mafia Boss 2: Owned By Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon