Pagkarinig na pagkarinig ko ang sinabing iyon ni Papa ay tila akong kandilang naupos. Napaupo ako sa sofa at nanginginig. Hindi ako makapagsalita. Nagsimulang mag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko.
Oh god. Hindi ito totoo. Masamang panaginip lang ito. Hindi...hindi ito pwedeng mangyari!
"K-Kyana anak. Patawad I tried to--"
"Kyana? Anong nangyayari sayo anak?"
Hindi ko alam dahil para akong nabingi namanhid na hindi ko maipaliwanag.
"Hello? Daniel, anong nangyari?" Hindi ko namalayan na nakuha na pala sa akin ni Mama ang hawak kong cellphone at kinakausap niya na ngayon si Papa.
"Ano?!" Nagkatinginan kaming dalawa ni Mama.
"Mama?" Mahinang tawag sa akin ng anak kong umiiyak na rin ngayon. Agad akong lumapit sa kanya. I wiped her tears.
"I'm sorry baby..." Napapikit nalang ako at pilit na kinakalma ang sarili ko sa harap ng anak ko but my whole body won't stop trembling.
"Mama?"
"K-Kyara anak, may pupuntahan lang si Mama okay? Dito muna kayo ni Lola. I'll be back anak ko," hinalikan ko siya sa noo.
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang lahat sa kanya. Masyado pa siyang bata para maintindihan ang lahat, kaya pinili ko nalang na itikom ang bibig ko.
"Ssshh stop crying now please? Okay lang... O-okay lang si Akira." No! Damn it! Iniisip ko palang kung gaano natatakot ng sobra ang anak ko ngayon ay gusto kong magwala. Gusto ko siyang yakapin at patahanin at sabihin na nandito lang ako walang mananakit sa kanya. She'll be terrified by now. Oh god, sana maayos lang siya.
"Kyana..." Umiiyak na rin si Mama sa harap ko. She hugs me. Lumayo kami ng kaunti kay Kyara.
"Diyos ko, ano ba ang nangyayari? Bakit nila ginawa iyon? Sino naman ang gagawa non at dinamay pa ang apo ko? Ano bang kasalanan natin sa kanila?" Sunod-sunod na tanong ni Mama na kahit ako ay wala ring maibigay na sagot dahil hindi ko rin alam.
"Ma..." Huminga ako ng malalim. "Ma, dito lang po muna kayo ako na ang bahala. Hihingi ako ng tulong. Hahanapin ko si Akira. Mahahanap natin siya. Yung anak ko Ma, babalik siya sa atin..." She hugs me again habang humagulhol na ako dahil sa takot at kaba dahil sa walang kasiguraduhan.
As a mother, gustuhin ko mang umiyak nalang buong araw at maghintay na babalik ang anak ko, this is the time that I should be stronger. Hindi ako pwedeng walang gawin. Hindi pwedeng maghintay nalang ako.
"Anak, nasa police station ang Papa mo at nireport ang nangyari." Tumango-tango ako. "Ini-imbestagahan na ang nangyari at pinag-hahanap na rin si Akira."
Oh god. Let her be okay. Alam ko pong natatakot ng sobra ang anak ko ngayon dahil sa pandudukot sa kanya pero sana wala silang gawing masama sa anak ko. Huwag siya, napakabata niya pa para maranasan ito.
"Pupuntahan ko po si Papa, Ma. Kayo na po muna ang bahala dito. Hihingi din po ako ng tulong kay Senator Rafael. K-kung pwede po bigyan niya tayo ng security guards sa kwarto ay gagawin ko. Hindi, tayo ligtas. Walang ligtas natatakot ako na baka kung ano pang mangyari dito." Tumango lang si Mama sa akin. Niyakap ko siya.
"Anak mag-iingat ka.."
"Opo Ma."
Lumapit ulit ako kay Kyara and kissed her again. "Babalik ako anak, kasama na si Akira okay?" Buong tapang kong sabi sa harap niya. Ayaw ko rin siyang mag-alala.
"I love you Mama," ngumiti ako ng pilit. "I love you too baby."
Tumalikod na ako at nagpaalam ulit kay Mama.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss 2: Owned By Him
Action|COMPLETED| Not all mafias are heartless, they also deserve to love and to be loved. MAFIA BOSS SERIES 2: OWNED BY HIM --- Past that makes them meet again Past that kept them hurting Ang nakaraan din ba ang babago sa kanilang kasalukuyan? After all...