Chapter 42

30.2K 815 40
                                    

I'm still smiling and crying while watching my daughter and Zyrone. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at lumapit na sa kanila pagkatapos ng ilang minuto.

"Mama." Akira cried habang karga pa rin siya ni Zy. I touched her face and kissed her head. Mas lalo akong naiyak nang yakapin niya ako sa leeg.

"I'm sorry baby, hindi na ito mauulit. Hindi ka na iiwan ni Mama," sabi ko. Humiwalay siya sa yakap. Pinunasan ko ang luha ko at huminga ng malalim. I know she doesn't want to see me crying at ayokong nalulungkot siya kapag nakikita niya akong umiiyak kaya pinilit kong ngumiti.

"Are you okay? May masakit ba sa'yo? Nagugutom ka na ba?" I wiped her tears. My daughter who's only five years old already experienced this horrible situation. Nakidnap siya. And I'm actually worried na baka magbago siya because of trauma. She heard gunshots everywhere bago pa kami makarating sa kinaroroonan niya kanina. I'm so scared until now.

"Tito Beyb..." Nagsimula na naman siyang umiyak. I held her hand, Zyrone was giving her soft kisses sa ulo niya. We have to listen to her.

"...Mama akala ko po mabait siya pero kanina sinigawan niya po ako. Natatakot na ako sa kanya Mama. I hate him," tumango-tango ako. I closed my eyes. Ramdam ko ang takot ng anak ko.

"I'm sorry..." I whispered. "D-did he hurt you?" Napatingin din ako kay Zyrone when I asked that question.

Tumigil na ang putukan sa labas and I hope that we're already safe.

"He grabbed me hard a while ago when I started crying because I'm missing you so much and I want to see you already. Kasi nagpromise po siya na pupuntahan mo ako, siguro po nakulitan siya sa akin that's why he put this to me."

Nang mapatingin kami parehas ni Zy sa tagiliran ng anak ko nang itinaas niya ang damit niya ay malutong na nagmura si Zyrone. I was also in shock at ang nagawa ko lang ay umiyak na naman habang nakatingin sa maliit na hugis parihaba at may oras na nagbibilang.

5:07 at pabawas na ito ng pabawas.

Ayoko mang paniwalaan ang sarili ko sa naiisip kong ito ay bomba na nakadikit sa katawan ng anak ko pero base sa reaksyon ni Zyrone ay totoo ngang bomba ito.

Napahawak ako sa braso ni Zy when I felt my legs getting weak.

"Mama what's this? Mamamatay na po ba ako? Because that's what Tito Beyb said kapag hindi ka dito pupunta." Hikbi ni Akira. Mabilis akong umiling.

"No. No. Hindi. No, baby." I sobbed.

"Damn it!" Mahina pero matigas na sabi ni Zyrone. Ibinaba niya si Akira at umupo kami sa kama. "Don't be scared, you're not going to die okay? I got you. We'll remove that thing and everything will be okay," sabi niya kay Akira.

"Anong gagawin natin Zyrone. Oh please save my daughter." Hindi ko na napigilan kahit anong gawin kong pagpapakalma sa sarili ko.

Sa bawat segundong lumilipas ay nanganganib ang buhay ng anak ko.

"Hugo. Can you hear me?" Tanong niya habang nakahawak ang nanginginig niyang kamay sa tainga niyang may earpiece na ngayon ko lang din nakita.

"I need you right now. Go to our location. Make it faster," utos niya sa kausap niya.

Sobrang bilis ng kabog ng puso ko. 4 minutes and 46 seconds.

Oh god.

"Okay...don't worry we'll get this thing out. Just close your eyes, baby." Paalala niya ulit sa anak namin habang hawak-hawak ang pisngi ni Akira.

"I'm scared Mister," she said. Zyrone held her hand at ngumiti ng pilit. He's also trying his best not to shed tears in front of his daughter. Nagpapakatatag din siya para hindi lalo matakot ang anak namin.

Mafia Boss 2: Owned By Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon