Nagising ako pagkatapos ng gabing iyon sa isang napakalawak at napaka-gandang kwarto. Aakalain mong may ganito palang kagandang kwarto. Puro puti at turquoise ang kulay na nakikita ko, halos lahat ng kagamitan ay sumisigaw ng karangyaan. Na kahit ang isang painting na nakasabit sa pader ay nagkakahalaga ng buhay ko.
I got off from bed at lumabas sa veranda dahil sa naririnig kong agos ng tubig sa kung saan. At tama nga ang hinala ko dahil sa mala-paraisong tanawin sa labas.
Where the hell am I?
Meron lang namang isang napaka-ganda, bughaw at malinaw na falls ang nakikita ko mula sa itaas. At dahil sa sikat ng araw na tumatama sa tubig ay kumikinang ito. Pinalilibutan pa ito ng napakaraming puno at iba't ibang uri ng mga halamang namumulaklak. Sa hindi kalayuan ay meron ding kulay asul na dagat.
Wait what???
Tama, ang kinatitirikan ng bahay o palasyo o kung ano man ito ay nasa itaas ng bundok! Like seriously, natatanaw ko ang mala-paraisong tanawin mula sa itaas.
Shit!
Ngayon ko lang naramdaman ang lamig. Nang dahil sa hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ay hindi agad ako nakaramdam ng lamig. Isang gray coat lang ang nakasuot sa akin at sa ilalim non ay ang suot ko pa ring pulang makasalanang pair of lingerie.
I went inside immediately, it feels warm inside maybe because of the heater.
May kumatok sa pinto at hindi nagtagal ay bumukas iyon. Iniluwa nito ang isang matangkad, blonde, maputi at magandang babae.
"Good morning," she greeted in American accent. Hindi ko maiwasang kumunot ang noo ko. Who is she?
"I'll be your personal assistant as well, Mrs. Olivier. My name is Ivy." Sagot niya sa tanong ko na parang nabasa niya ang nasa isip ko.
Personal assistant? Pero mas nagulat ako sa sinabi niyang Mrs. Olivier. Like what the hell just happened?
"I'll help you in anything. And for now, you have to take a bath, go downstairs and eat your breakfast with Mr. Olivier. He's waiting for you."
Nang dahil sa sobrang gulat ako sa sinabi niya tango lang ang nagawa ko.
"I'm going to prepare what you're gonna wear ma'am while you're inside the bathroom."
Para akong robot na basta nalang sumunod sa sinabi niya. Wala pa ako sa sarili. Lumilipad ang isip ko. Naguguluhan.
Katulad nang kwarto, hindi maipagkakailang pati banyo ay sumisigaw din ng karangyaan. Napaka-lawak nito at sigurado akong lahat ng kagamitan dito ay mamahalin.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa na hubarin ang saplot ko at naligo ng mabilis.
Nang matapos akong maligo ay sinuot ko ang robang nakita ko. Tsaka ko ulit nakita ang saplot na tinanggal ko.
And the memories of that night started to flash back.
Tsaka lang nagsink-in sa akin ang lahat. Someone bought me from that place. I was an item for an auction.
Kaya ako nandito sa lugar na ito dahil sa bumili sa akin. Magkano nga ulit yun? Bilyon?
I felt my tears flowing. Sunod sunod ito hanggang sa humagulgol ako. Hindi... hindi pwedeng nandito ako.
Pero kahit ako ay hindi ko alam kung saang lupalop ako ng mundo napunta.
Hindi nagtagal ay kumatok si Ivy, asking me if there's something wrong. I wanna shout all of this is wrong! Pero walang lumabas sa bibig ko kundi mga hikbi.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss 2: Owned By Him
Action|COMPLETED| Not all mafias are heartless, they also deserve to love and to be loved. MAFIA BOSS SERIES 2: OWNED BY HIM --- Past that makes them meet again Past that kept them hurting Ang nakaraan din ba ang babago sa kanilang kasalukuyan? After all...