Chapter 21

31.2K 938 23
                                    

"I'm here, wife. You're safe now."

Again, I forgot how to breathe and it seems like I swallowed my tongue. I can't talk. Pero dahil sa takot, sa kaba at sa pasasalamat na buhay pa ako ay yinakap ko siya ng mahigpit na mahigpit at humagulhol sa dibdib niya. Ngayon lang nangyari sa akin 'to at sobra akong nagpapasalamat sa lalaking 'to for the first time after five years na may Zyrone na dumating at nagligtas sa akin.

"Damn. I hate seeing you cry," he whispered and he softly kissed my head bago siya humiwalay sa yakap at punasan ang luha ko.

Nanginginig pa rin ako. Wala akong pakialam sa mga oras na ito kung siya 'yong taong kinamumuhian ko ng ilang taon, wala akong pakialam kung siya 'yong taong nangloko, nanggamit at dumurog sa puso ko. Sa mga oras na ito I am really thankful that he's here. Wala akong pakialam if it's part of his game na tawagin akong wife at magpaka-sweet ng ganito. Basta ang alam ko lang he's my knight in shining armor tonight. Ang alam ko lang ay mahal na mahal ko ang taong ito at nagpapasalamat na nandito siya para iparamdam na ligtas ako at walang mananakit sa akin kasi nandiyan siya.

"Let's get out of here. It's not safe," mahina niyang sabi at hinawakan ako sa kamay para alalayang maglakad at makapasok sa sasakyan niya na nakapark sa di kalayuan. Dahil gulat pa rin ako sa nangyari ay nagpatianod nalang ako. Walang imik. Walang kontra. Walang sigaw ang lumabas sa bibig. I should just say thanks to him and bid goodbye pero sa kondisyon ko ngayon I just can't fucking act like what I want kahit kaharap ko ang taong 'to. Gusto kong sumigaw na layuan niya ako pero mas gugustuhin ko pa ring ganito kami kalapit sa isa't isa.

Siya na rin ang nagsuot ng seatbelt. He was now driving his car pero tulala pa rin ako. Tuluyan ko na atang nalunok ang dila ko.

Hindi ko alam kung saan kami papunta puro mga kakahuyan ang nakikita ko. I was about to say something, to ask him when the car stopped at napamura nalang siya.

Shit!

Tumingin agad ako sa harapan ng sasakyan kung may nangharang na naman sa amin pero nakahinga nalang ako ng maluwag when there's no car in front of his car.

Feeling ko nagka-trauma na ako. Well sino ba ang hindi kapag nangyari 'yon? Nagkabarilan pa.

"Anong nangyari?" Tanong ko. He just shrugged his shoulders tapos lumabas ng sasakyan. He checked it tapos binuksan ulit ang pinto ng sasakyan tinignan ako.

"I guess they accidentally shot my tire too. Ngayon ko lang napansin," sumilay na naman ang kaba sa dibdib ko. Paano kung sinadya nila 'yon tapos may back up pa sila na naghihintay sa amin or nasa paligid lang namin ngayon? Ano nang gagawin namin? Mamamatay na ba kami mgayon?

Bumukas ang pinto sa passenger's seat.

"Stop overthinking. Hanggat nandito ako sa tabi mo you're safe." Nakakagaan ng kalooban. Ang sarap maniwala pero nakakatakot. Ayoko nang subukan ulit.

"What are we gonna do?" Tumingin ako sa kanya. He smiled a little. Bakit nakuha pa niyang ngumiti sa kabila nang nangyari ngayon?! He even seemed calm!

"Look, I don't have a spare tire with me."

I looked at his eyes sa sobrang lapit niya malapit na akong malunod ulit sa mga tingin niya. I closed my eyes tight at iwinaksi ang iniisip ko. Pero sa pagsara ng mga mata ko, mga mata ng anak ko ang nakita ko. Kyara, she's sick.

Napatayo agad ako na hindi naman natuloy dahil sa pagkakauntog ko. Damn, nasa loob pa pala ako ng sasakyan. Napapikit ulit ako sa sakit ng impact mabuti nalang at hindi matigas ang roof ng kotse niya.

"Careful!" Sigaw niya habang hawak namin pareho ang ulo kong nauntog. Damn it!

Hinanap ko ang kong purse sa sasakyan. Pero sasakyan niya pala ito. I left my purse and phone inside my car.

Mafia Boss 2: Owned By Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon