Chapter 23

30.5K 943 44
                                    

Nagising nalang ako nang may marinig akong ugong ng sasakyan sa labas. I blink a couple of times hanggang sa naalala ko kung nasaan ako. Nasa kubo pa rin, at nakatulog pala dala siguro ng matinding pagod at sa pag-iyak.

I roamed my eyes inside the hut. I was looking for Zyrone, pero wala siya sa loob. Hinintay ko siyang umuwi kagabi pero hindi ko na pala nakayanan ang antok.

Madilim pa naman sa labas pero sinsabi ng relo ko na alas cuatro na ng umaga.

Hindi ba siya umuwi?

Napayuko nalang ako nang maalala ko ang sinabi niya. Na pagkatapos ng lahat ng ito hinding hindi na talaga siya manggugulo basta sabihin ko lang na hindi ko na siya mahal at iyon nga ang sinabi ko.

Masakit. Sobrang sakit, pero tama nga siguro ang ginawa ko.

Hanggang dito nalang talaga kami.

Napatayo ako nang may kumatok sa kahoy na pinto. Agad kong binuksan iyon sa pag-aakalang si Zyrone pero hindi siya.

"Nandito na po ang kotse niyo ma'am, maayos na rin po." Sabi ng lalaking naka suot ng suit. Sa likod naman niya ay isang lalaki ulit na parehas sila ng suot. Zyrone's men.

"G-ganon ba? Sige salamat." Iyon nalang ang nasabi ko, hindi ko alam kung bakit para akong nanlumo kasi hindi na ulit siya bumalik pa. Pero bago siya umalis ay nagsalita ulit ako.

"Si Zyrone ba ang nag-utos sa inyong dalhin ang kotse ko rito?"

"Yes ma'am, si Mr. Olivier po ang nag-utos." Tumango ako.

"Nasaan siya?" Hindi siya umuwi dito. Buong gabi ba siyang naghanap ng signal? O nagsimula na siya sa sinabi niya? Hindi na ba siya magpapakita?

Damn it hurts!

"Nakaalis na po Ma'am simula nang maayos ang kotse niyo kani-kanina lang at pinapasabi ni Mr. Olivier na hindi niya na raw kayo hinintay na magising dahil may pupuntahan pa siya." Tumango nalang ulit ako. Naghanap nga talaga siya ng signal para humingi ng tulong at hindi na nakabalik pa. Nauna na siyang umalis.

"Sige salamat. Ako na ang bahala."

"We'll follow you Ma'am hanggang sa makarating kayo ng siyudad," nagsalita ang tao sa likod.

"Hindi okay na ako. You can go home. Salamat."

"We can't defy the Boss' order, Ma'am. Kabilin bilinan po sa amin na susundan namin kayo hanggang masiguro naming ligtas kayong makakauwi."

Napabuntong hininga nalang ako. Wala na akong magagawa tungkol doon, mukhang hindi naman ako susundin ng mga ito.

"Fine." I said. At pumasok ulit sa loob para kunin ang sapatos kong nasa mesa.

He's gone. He didn't say goodbye to me anymore. And we'll never cross paths again. Just like what he said.

Parang may tumusok na ilang punyal sa puso ko. Ginusto ko 'to kaya papanindigan ko. Nakaya ko ang sakit noon, makakaya ko ulit ngayon.

May dala pa silang isang kotse, siguro ginamit nung isa habang yung isa ay minaneho ang kotse ko. Napahawak nalang ako sa coat na nakasuot pa rin sa akin dahil sa lamig ng hangin.

Pagpasok ko sa kotse ay nandoon din ang cellphone at purse ko sa passenger's seat. Agad kong in-open ang cellphone ko at ilang missed calls ang nandoon mula kay Mama, Papa, at Amira.

Hindi naman ganito karami kung tatawag man pero bigla akong kinabahan. May masama bang nangyari?

Without opening the messages I called my mother habang nagmamaneho na ako ngayon. Ni-loudspeaker ko nalang iyon.

Mafia Boss 2: Owned By Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon