Chapter 6

36.3K 950 22
                                    

"Mama ilang araw ka doon?" Nakasimangot na tanong ni Akira, habang paiyak naman na si Kyara.

"Three days lang mga baby ko, okay? Huwag na kayo sad, pagbalik ko tuturuan ko kayong mag-bike okay ba 'yon?" Tumango sila pero bakas pa rin ang kalungkutan sa mukha nila. Napa-buntong hininga nalang ako, it's also hard for me to leave them.

"Babalik ako promise. Smile na," pamimilit ko. Pero umiling sila. Binuhat ko sila at pinaupo sa lap ko pareho.

"Oh sige ganito nalang, anong gusto niyong pasalubong?"

"Balik ka lang po agad, Mama." Akira.

"Oo naman baby, 3 days lang si Mama doon tapos nandito na ako ulit." Tumango siya pero nakasimangot pa rin.

"Promise?" Si Kyara habang yakap niya ako.

"Hmm. Tapos kapag pupunta ulit si mama sa malayo isasama ko na kayo. You wanna go to Disneyland right? Dadalhin kayo ni Mama doon." Nagtilian naman ang mga anak ko. Cuties. This time nakangiti na sila. Nako, Disneyland lang pala ang solusyon.

"Promise?" Si Akira naman ang nagtanong.

"Opo. Promise. Kaya ngayon, ako muna kasi hindi kaya ni Chef na pumunta doon. Tsaka magwowork doon si Mama."

"Sige Mama," I hugged them both and kissed their heads. First time kong mapalayo sa anak ko to think na sa ibang bansa pa ang pupuntahan ko at hindi ako makakauwi ng tatlong araw. Ngayon palang ayoko na silang iwan sadyang tinatatagan ko lang ang sarili ko dahil naiintindihan ko naman ang sitwasyon ni Amira ngayon. I owe her a lot at wala lang itong gagawin ko sa nagawa niya para sa akin.

"I'll miss you babies ko." Pinigilan ang sarili kong umiyak.

"Mama, mamimiss ka rin po namin," tumango-tango ako habang nakayakap sila sa akin ng mahigpit.

"Dapat good girls pa rin kayo ha? Huwag niyong pahirapan si Nanay tapos huwag kayong makulit at pasaway doon sa bahay nila Chef, maliwanag ba 'yon?"

"Opo." They answered in chorus.

"Let's go?" Tanong ko. Sinundo na kami ng family driver nila Amira at hindi nagtagal ay nasa mansion na nila kami.

Panatag ang loob ko dahil sigurado akong ligtas sila rito. It's not that our lives are in danger, syempre as a mother hindi ko maiwasang mag-alala lalo na kapag doon sila sa bahay namin, silang tatlo lang kasi ni Nanay ang matitira.

"Hello, Kyara, Akira." Bati ni Tito Rafael, Daddy ni Amira. Kung dati ay Mayor ito sa bayan five years ago now he bacame one of the Senators.

"Hello po, Senator Chef!" They hugged and kissed him on his cheeks. Napatawa naman si Tito. They call him Senator Chef, Senator daw kasi tsaka Daddy siya ng Chef nila.

"Sweet pa rin kayo walang pinagbago. Nako namiss ko kayong mga little cookie monsters," sabi niya sa mga ito.

Bumaling sa akin si Tito at ngumiti. "Mabuti nalang at naisipan mong dito muna mag-stay ang mga bata. Nakakawala sila ng stress," sabi niya habang nakangiti.

Mahilig makipaglaro sa mga anak ko si Tito lalo na kapag nasa bahay siya at wala sa opisina.

"Opo, mukhang namiss nga rin po nila kayo."

"Thanks for helping my daughter, Kyana." Ngumiti ako.

"Walang anuman po iyon," ngumiti siya.

"O sige hija, baka ma-late ka na sa flight mo. Don't worry we'll take care of the kids. Mag-iingat ka doon, okay?" Niyakap ako ni Tito.

"Maraming maraming salamat po Tito," tumango siya at ngumiti.

"Kyara, Akira, aalis na si Mama." Tumakbo sila papalapit sa akin. They hugged me again at pinugpug ng halik.

Mafia Boss 2: Owned By Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon