"How about you Mommy, what flavor do you want?" Tanong sa akin ni Beyb.
Kanina pa ako tulala sa nangyari. Kanina pa ako nag-iisip kung anong gagawin ko.
Ngumiti ako ng tipid. Tapos tumingin doon sa available flavors ng ice cream parlor. Akira has strawberry and Kyara has bubble gum flavored ice cream.
"Cookies--blueberry nalang," damn cookie.
"Alright. Two more blueberry flavor, please." Sabi niya sa isang babae.
Nandito kami ngayon sa isang park. Dinala kami dito ni Beyb. Nagtext na rin ako kay Sia na hindi na ako makakabalik, I also texted Mom na sinundo ko na ang mga bata. Medyo nagtaka pa siya kasi 11 palang, kadalasan kasi ang uwian nila ay 12pm. Sa bahay ko nalang siguro sasabihin ang nangyari.
Binigay sa akin ni Beyb 'yung ice cream. Tapos lumabas na rin kaming apat. May narinig pa akong ang cute daw naming pamilya.
Sana nga I could really give the twins a complete family.
"Hey, okay ka lang?" Tanong ni Beyb. Ngumiti ako ng tipid.
"I'm sorry. May iniisip lang."
Naupo kami sa mga sementong upuan na may sementado ring mesa sa ilalim ng naglalakihang puno ng acasia.
Maraming bata rin at pamilya kahit na mga couples ay nandito kahit na tanghaling tapat. Hindi naman kasi mainit sa park na ito dahil na rin sa napakaraming puno. Actually, it's kinda relaxing.
Berdeng berde and bermuda grass at mga dahon. Maingay dahil sa mga naglalarong bata pero hindi nakakairita. May nagpipicnic din sa ibang parte.
"Anong nangyari sa school?" He asked.
Nasa harap namin ang mga bata na busy sa pagkain ng ice cream nila habang nanunuod sa ibang batang naglalaro.
"May umaway sa kanila at nakipag-away din si Akira." Mabilis na nilingon niya ang mga bata. Nag-alala rin.
"Why? How? Kaya ba may sugat si Kyara?" Sunod-sunod niyang tanong. Tumango ako.
"They were teased because of not having a father," pag-aamin ko at yumuko ako. Ayokong makita ang awa sa mga mata niya.
He held my hand. "Kyana..."
Alam kong sasabihin niya ulit ang sinasabi niya dati pa. Na handa siyang akuin ang mga anak ko, bigyan ko lang siya ng chance.
"Beyb please don't start?" Umiling ako. "You deserve someone else, better than me. Napag-usapan na natin 'to diba?"
"Ikaw lang naman kasi ang nakikita kong better para sa akin." Umiling ulit ako.
"I can't love you, I'm sorry."
"Ouch. Kahit pala ilang beses ko nang narinig 'yan masakit pa rin basta galing sayo," tapos humalakhak siya pero malungkot ang mga mata niya.
"I'm sorry paulit-ulit ka kasi kaya ka paulit-ulit ding nasasaktan." It's awkward to talk about this stuff habang nasa harap namin ang mga bata at tanging itong mesa lang ang pagitan namin. Mabuti nalang at hindi naman gaano kalakas ang boses namin.
"Ilang beses na akong na-busted ha. Pero hindi ako titigil Kyana."
"Beyb..." Umiling siya.
"Hanggat wala ka pang naipapakitang Ama sa kanila hindi ako titigil to be a father to them and a lover to you. Kahit masakit. Just don't make me stop."
I hate him for being like this. Kasi damn, hindi ko kayang suklian lahat ng ginagawa niyang kabutihan sa amin. If only choosing him is that easy. Kung kaya ko lang sanang tumigil na mahalin si Zy.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss 2: Owned By Him
Action|COMPLETED| Not all mafias are heartless, they also deserve to love and to be loved. MAFIA BOSS SERIES 2: OWNED BY HIM --- Past that makes them meet again Past that kept them hurting Ang nakaraan din ba ang babago sa kanilang kasalukuyan? After all...