Chapter 15

31.7K 957 16
                                    

Kinagabihan ay sabay sabay kaming lahat na kumain. Pero nang matapos kami ay biglang nagring ang phone ko. It was Amira, sinagot ko ito habang nasa sala kaming lahat at nanunuod ng barbie dahil iyon ang gusto ng kambal.

"Kyana."

"Amira napatawag ka, may problema ba?" I asked, napatingin naman sa akin si Mama. Pero si Papa at ang mga anak ko ay busy pa rin sa panunuod.

"Uhm yeah.." She sounds... drunk? At may naririnig akong malakas na tugtog.

"Anong problema? Tell me where you are, atsaka umiinom ka ba?" Tumingin ako kay Mama na kunot ang noo.

"Yeah... Nasa bar ako, with Ali. I can't go home, nakainom kami parehas ni Ali." Napatampal nalang ako sa noo ko.

"Okay. Just stay there and wait for me. Susunduin ko kayo. Huwag kang sasama sa kahit na sino okay?" Nag-aalala ako. Anak siya ng Senator for Pete's sake. Paano kung makilala siya ng mga tao, tapos sa ganong kalagayan pa. And she has no bodyguard, kaya mas lalo akong nag-aalala bakit kasi nag-inom siya.

"Okay Mommy. Thanks and I'm sorry." I heard her sobbed. She's crying and I don't know why. She's really drunk. Damn.

"Ssshhh I'll be there," pinatay ko na ang tawag pagkatapos kung tanungin kung saang bar siya.

"Sino 'yon anak?" Mama asked.

"Si Amira Ma, nasa bar siya at nakainom nalasing po, kaya hindi siya makapag drive pauwi. Can you look for the kids at susunduin ko lang po siya?" Paalam ko.

Napatingin naman sa akin si Papa.

"Samahan na kita," sabi niya.

"No Pa, kaya ko na. Magpahinga nalang kayo. Babalik din po ako agad."

"Sigurado ka? Wala namang gagawin ang Papa mo," tanong ni mama.

"Yes Ma," lumapit ako sa mga bata na nakatulog na pala sa lap ni papa.

"Kami na ang bahalang maglipat sa kanila sa kwarto," sabi ni papa at tumango lang ako. I kissed them lightly on their heads. Tsaka ako pumanhik sa kwarto para magpalit ng damit, nakapantulog lang kasi ako. I just wore jeans, shirt at jacket.

"Mag-iingat ka Kyana," sabi ni Mama.

"Opo. Sige po mauna na ako." Tumango sila pareho at tinungo ko ang daan palabas at sa kotse ko tsaka ako nagmaneho papuntang bar.

While I was on my way, I was thinking kung anong nagtulak kay Amira para magpakalasing. Wala naman siyang boyfriend kaya walang breakup. Sa kompanya nila? Imposible she can handle their businesses well. Sa vineyard nila? Marami naman silang tauhan para don. Her Dad? Pwede pero for sure she'll tell me right away. O kaya pwede rin namang dahil kay Ali, baka nagpasama si Ali na mag-inom, since close din naman siya kay Amira.

Pero bakit wala siyang sinabi sa akin about dito? Nakakapanibago.

Agad akong pumasok sa bar nang makarating ako at puro amoy ng alak ang bumungad sa akin, pati na rin ang malakas na musika at nakakasilaw na mga iba't ibang kulay na ilaw.

Ngayon lang ulit ako nakatapak sa bar. Nang dahil kasi sa nangyari almost six years ago ay hindi na ulit ako tumapak sa bar. It reminds me of every damn thing happened. Sa bar nagsimula ang lahat.

Hinanap agad ng mata ko ang Amira Suarez pero masyadong madilim.

Ilang tao na ang nabunggo ko. Paniguradong nasa table lang sila ni Ali.

Inisa-isa ko ang table na nandon pero wala sila. Teka tama naman ang pinuntahan kong bar. Ah right baka sa VIP area sila. Tama. At nasa second floor 'yon.

Mafia Boss 2: Owned By Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon