Chapter 50

36.4K 862 17
                                    

Last chapter! Pero may epilogue pa. Enjoy reading, until the end.
---

"Is everything okay now?" Tanong ko in french sa mga nag-aayos ng horror house ng isang amusement park dito sa Paris.

I've used my connections para lang mapapayag ang nagmamanage ng amusement park to rent the horror house at ipasara muna ito pansamantala dahil gagamitin ko ng isang araw, and that is tomorrow.

Tomorrow would be a special day for us all lalong lalo na sa akin if Kyana will say, Yes.

I really wanted to renew our vows. Yung mas maayos kaysa sa noon. Yung tipong we'll pour our hearts out habang nakatitig sa mga mata at nakikinig ang mga tao para malaman nila kung gaano talaga namin kamahal ang isa't isa.

Damn I know I'm corny as fuck but hey that's love. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na gawin ang mga ganitong bagay lalong lalo na kung para kay Kyana.

Gusto ko lang maging special ang wedding proposal ko na hindi ko ginawa sa kanya noon.

That's why I am going to propose to her again sa mismong araw ng birthday niya, bukas.

Isang linggo na kami sa Paris, the kids want to go in Disneyland everyday na pinagbigyan ko rin naman, I can't say no to them at kinausap ko rin sila at sinabi ang plano ko. They seem to understand naman dahil mana ata sa akin ang mga anak kong matalino na sobrang gaganda at bait pa. I told them na sekreto lang and never ever tell their mama about this. Sa totoo niyan they suggested the horror house. I was laughing hard that time, alam namin kasing tatlo na sobrang takot na takot si Kyana sa mga multo, totoo man o hindi. I considered their suggestion. Thanks to them nagka-idea ako how to make her remember everytime may makikita siyang horror house. Hindi dahil sa takot kundi dahil naging espesyal ang horror house sa kanya.

I'll make the horror house into a fairytale-like. That's the kids idea.

Pero syempre dahil gumana ang pagka-pilyo ko, hindi ko muna ito ginawang fairytale design agad agad. I should let her walk sa madilim na madilim at may naglalabasang mga kung ano-ano para takutin siya.

Pfft. Panigurado kawawa ako sa kamay niyang hahampas sa akin dahil sa mga pakana ko.

Damn I even miss my cookie already. Ilang gabi na akong late umuuwi dahil sa preparation na ito. Nagtataka na nga siya eh kaso tikom ang bibig ko.

Tapos late na naman akong uuwi ngayon dahil susunduin ko pa ang pamilya niya kasama si Amira and her dad na isa palang Senator.

Sobrang laki talaga ng pasasalamat ko sa mag-amang Suarez, because they took good care of my wife and kids lalo na noong nalaman kong buntis na pala noon si Kyana when she left Paris.

Sinabi rin sa akin ni Kyana na hindi siya nagpakita sa mga magulang niya kahit nasa Pilipinas na siya dahil sa ginawa niyang paglalayas noon. Pero hindi naman daw siya pinabayaan ni Amira. She told me everything kung anong nangyari sa kanya nang mapunta na ulit siya sa Pilipinas. Naging malaking tulong doon sina Amira at Sen. Rafael.

I want all of them to witness this. I know hindi pa naman kasal pero gusto ko silang maging parte non. And I know Kyana wants it too. Though she doesn't know about this, hindi niya alam na nandito na rin ang pamilya niya.

Nagpaalam na ako at sinabing dapat maging almost perfect ang lahat bukas.

Ang problema ko nalang ay kung paano mapapapasok si Kyana sa loob.

Ilang oras ang byahe sa airport bago ako makarating at sumakto naman na kalalabas lang nilang lahat.

We greeted each other. Tuwang tuwa ang lahat. Napangiti rin ako when Kyana's dad said na pinapahanga ko siya at nakikita niyang bumabawi talaga ako sa mag-iina.

Mafia Boss 2: Owned By Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon