Chapter 25

31.1K 861 66
                                    

I stopped but he didn't. Gusto kong isiksik sa isip ko na he's just being true to his words. Pinapanindigan at tinutupad niya lang ang mga salitang binitawan niya sa akin when I said I don't love him anymore. But damn it. Masakit pala. Sobrang sakit. Mahal ko 'yon eh. Mahal na mahal. This was my choice, kasalanan ko pero hindi ko gustong masaktan ng sobra.

Did I make a wrong decision?

Ang iniisip ko lang naman ay ang kapakanan ng mga anak ko. Kaya kong isantabi itong nararamdaman ko para sa mga anak ko. Dahil walang kasiguraduhan ang lahat. Pwede siyang magalit at kunin ang kambal sa akin kapag nalaman niya ang tungkol sa kanila pero pwede ring hindi niya sila matanggap.

I don't know.

Ayoko lang masaktan ang mga anak ko at alam kong paulit-ulit na ako sa rason kung ito. Ayos lang na ako yung masaktan huwag lang sila.

Bigla namang pumitik sa isip ko ang katanungang bakit siya nandito at ano ang ginagawa niya? Bigla akong kinabahan sa naisip ko.

Hindi kaya nalaman niya na ang totoo?

Imbes na baliwalain itong bumabagabag sa akin dahil sa kyuryusidad ko ay pumihit ako patalikod at sinundan siya. Hindi malapit, sakto lang para makita ko siya at kung saan siya pupunta.

Mapapanatag lang ako kapag hindi kwarto ni Kyara ang pupuntahan niya.

Please not now. Hindi pa ako handa sa pwedeng mangyari. I never will.

I hid at the back of the wall when he stopped and looked back. Shit. Nahalata niya ba ako?

Sinilip ko ulit siya at napabuga nalang ng hangin nang nagpatuloy siya sa paglalakad. And again, I followed him.

Nasa first floor kami ngayon at ang kwarto ni Kyara ay nasa 4th floor pa. Lumagpas siya sa elevator pero hindi siya pumasok dito.

That's a good thing. Pero heto pa rin ako at sinusundan siya. I just can't stop worrying hanggat hindi ko alam kung saan siya papunta. Call me paranoid or whatever wala akong pakialam.

Saan ka ba pupunta Zyrone?

Bago pa siya makapasok sa area kung saan ang mga offices ng Doctors ay tumigil siya dahil sa babaeng tumawag sa kanya sa kanan niya. Nagtatago lang ulit ako sa isang sulok at naka-silip sa kanila.

Lumapit ang isang doctor sa kanya at hindi ako pwedeng magkamali na si Doc Samina Kho iyon!

Yumakap si Zyrone sa kanya when she hugged him. Nagbeso din silang dalawa. Tumago nalang ulit ako sa pader dahil ayokong makitang tuluyan pa silang maghalikan.

Something is going on between them, obvious naman.

Aaminin ko parang gusto ko nalang magwala sa sakit na nararamdaman ko.

I can only watch the man I love from afar. with someone he loves.

Ako dapat iyon eh 'yung babaeng yayakap at hahalik sa kanya, pero tinulak ko siya palayo. And now he'll never be the man for me and I will never be the woman for him. Dahil tapos na kami, pero 'yung nararamdaman ko sa kanya hindi pa.

Napa-tungo nalang ako at umalis doon ng umiiyak. Naiinis ako sa sarili ko kasi kasalanan ko kung bakit ko siya pinalayo tapos mag-iinarte ako ng ganito.

Damn ako na ata ang pinaka-tangang babae sa buong mundo. Sobrang sakit kasi but I need to feel this pain I've caused to myself.

Kung pwede lang sana... Kung pwede lang sanang hindi na nangyari ang kung anong nangyari noon. Kung pwede lang sanang totoo nalang yung kasal at 'yung pagmamahal niya sa akin. Kung pwede lang sanang bumalik kami sa mga araw na kami lang dalawa, masaya, mahal ang isa't isa, kontento pero hindi eh. Hindi na pwede.
---
(Note: Zy's Pov is before pa siya magpunta ng hospital. Just saying baka maguluhan kayo)
---

Mafia Boss 2: Owned By Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon