Pipigilan ko na sana siya sa paghila sa akin para masabi ko na ang kailangan kong sabihin pero tumingin siya sa akin deretso sa mga mata ko. It seems like, that look is telling me something aside from I need to shut my mouth up and just follow what he wants. Yung tingin niya ay parang nagsasabing huwag kong ituloy kung ano man ang kailangan kong sabihin.
He squeezed my hand gently tapos umiling siya. Kunot ang noo ko. I know there's something wrong pero ano 'yon?
But I do understand him, siguro hindi nga dito ang tamang lugar para sabihin ko sa kanya kasi what if someone outside the room eavesdropping tapos tauhan pala iyon ng kidnapper, I should be more careful dahil nasa alanganin ang buhay ng anak ko sa maling galaw ko lang.
Tumango nalang ako at nagsimula na naman kaming maglakad pabalik sa room ko.
Pagkapasok namin ay may mga nurse na patakbo na sana palabas ng pinto para siguro ibalitang tumakas ako pero tumigil din sa harap namin. Hindi nagtagal ay pumasok din ang doktor ko. Kinausap siya ni Zyrone saglit tapos ako na ang inasikaso niya.
I thought ibabalik ulit nila ang IV pero mabuti nalang at hindi na, nilinis nalang nila yung nagdugo kong sugat dahil sa paghatak ko ng nakatusok na dextrose doon kanina and the nurse put a band-aid on it tapos ayos na. He asked me questions na agad ko rin namang sinagot. Mostly the questions were about kung kaya ko na ba, ano ang nararamdaman ko. I said I feel better now. Tapos sabi niya ay pwede na akong umuwi na ikinatuwa ko naman. Though pinaalalahanan niya ako na huwag kong pagurin masyado ang sarili ko, I still need more rest and drink lots of water and eat healthy foods. Niresetahan niya pa ako ng vitamins daw.
Tumango-tango lang ako habang sinasabi niya iyon at pinapanood lang kami ni Zyrone sa malapit.
Pwede ko naman sanang sabihin na "Doc. don't worry I have my own Doctor with me," referring to Zyrone. He's a Doctor anyway, alam niya kung anong bawal at hindi para sa akin. But I didn't say that. After all Doctor Mendoza was the one who checked and ran some tests sa akin.
Nagpasalamat nalang ako when he's done.
"Even if I wanted you to stay here for a little longer ay hindi ko sinabi sa doktor mo kasi alam kong may importante kang gagawin. Let's go," he said. Medyo naguluhan ako sa sinabi niya pero nagpahila nalang ako sa kanya.
"Zy---"
"Not now, Kyana." I bit my lip and shut up.
Hanggang sa makarating kami ng sasakyan niya ay hindi ako nagsalita. Mag gagabi na rin. Ilang oras nalang ay kailangan ko na talagang sabihin na puntahan namin ang lugar na iyon. But I don't know how to say it when he doesn't want me to talk. Damn it. Sa paglipas ng oras ay mas lalo akong kinakabahan.
He's driving now and I don't know kung saan naman kami pupunta.
"Saan tayo pupunta?" I asked. Nilagay niya ang kamay niya sa baba niya. Habang ang isang kamay naman niya ay nasa manibela. He looks so hot walang kupas.
"We'll eat first," sabi niya nang hindi ako tinatapunan ng tingin.
Tumingi ako sa oras at 7pm na.
"Z-zyrone someone texted me. I don't know who pero ang sabi sa message ay kailangan kong makipagkita sa kanya kasi may alam siyang lead tungkol sa kinaroroonan ni Akira." I can't say the exact words pero parang ganito na rin ang dapat kong sabihin para makapunta kami doon sa lugar na iyon. Yes we'll go there pero hindi para patayin ko siya. Fuck I can't do that and I will never ever do that to him.
Napa-preno siya at itinabi ang sasakyan sa gilid ng daan.
"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?"
BINABASA MO ANG
Mafia Boss 2: Owned By Him
Action|COMPLETED| Not all mafias are heartless, they also deserve to love and to be loved. MAFIA BOSS SERIES 2: OWNED BY HIM --- Past that makes them meet again Past that kept them hurting Ang nakaraan din ba ang babago sa kanilang kasalukuyan? After all...