1

9.6K 148 6
                                    

Ilang taon na din kaming nagsasama ni Glaiza at aaminin ko hindi talaga maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan kung minsan pero inaayos naman namin ito agad ayoko kasing makikita ng mga anak namin na nag aaway kaming dalawa. Noong una sinasama kami ni G sa mga gig niya abroad pero habang lumalaki ang mga bata ay nag usap kami na hindi na pwedi na lagi kaming nakabuntot sa kanya.

Hindi niya ako maintindihan noon kaya naman lagi kaming nag aaway pero hinabaan ko pa ang pasensya ko at pilit kong pinapaintindi sa kanya ang sitwasyon namin sa awa naman ng Panginoon ay naintindihan niya ito.

Sa totoo lang mahirap ang magkalayo kaming dalawa pero dahil mahal ko siya at ayaw niya namang huminto sa pagtugtog ay sinuportahan ko siya. Kung minsan dalawang linggo siyang mawawala sa bahay dahil madaming nagrerequest sa kanya sa labas lalo na sa France.

Ni minsan hindi ako nagdududa sa kanya sa kabila ng mga isyu niya dati. Buo ang tiwala ko na hinding hindi sisirain ni Glaiza ang pamilya namin. Nagtitiwala ako na mahal na mahal niya kami dahil kami ang pamilya niya. Pero sadyang sinubok kami ng tadhana nabigla nalang ako isang araw may natanggap akong text at ang sabi bantayan ko daw ang asawa ko dahil nagfefeeling single daw ito. Kaya naman kinompronta ko siya pero galit na galit siya at sabi niya kung wala na rin lang daw akong tiwala sa kanya mas mabuti pang magkanya kanya na lang daw kami.

Napakasakit marinig yon mula mismo sa bibig niya pero nagpakatatag ako, nagmakaawa ako sa kanya na huwag niya kaming iwan dahil may mga anak kami. Pero lahat ng pagmamakaawa at pagpakumbabang ginawa ko ay nauwi lang sa wala dahil tuluyan na niya kaming iniwan.

Oo isang taon na ang nakalipas simula noong umalis si Glaiza sa pamamahay namin. Iniwan niya ako at ang mga anak niya na dati ay pinangakuan niyang aalagaan at mamahalin niya ito. Isang taon na akong nangungulila sa kanya at isang taon na din akong nagtatanong kung ano pa bang hinahanap niya na hindi niya  nakita sa amin dahil mas pinili niyang iwan kami at ipagpalit sa isang taong hindi ko kilala.

Lahat ng koneskyon ni Dad ay tinawagan na niya para lang malaman kung sino ang babae ni Glaiza pero sadyang matinik sila at magaling magtago dahil wala kaming nalaman mula sa kanila. Hanggang sa ako na mismo ang nakiusap kay Dad na itigil na ang pagpapahanap sa kanya dahil kung talagang mahal niya kami ng mga anak niya ay babalik at babalik siya sa piling namin.

Pero siguro nagkamali ako sa paniniwalang mahal at mahalaga kami sa babaeng yon dahil natiis niyang hindi kami balikan. Habang naiisip ko ang pang iiwan ni Glaiza sa akin ay hindi ko maiwasang hindi tumulo ang aking mga luha. Kagaya nalang ngayon. Nasa bar ako dahil hands on pa rin ako sa negosyo namin pero kahit na ang saya saya ng mga taong nakapaligid sa akin ay hindi ako man lang ako tinamaan ng kahit konting kasiyahan nila. Lungkot at pangungulila yan ang nararamdaman ko ngayon.

"B magpahinga kana muna, mukhang pagod kana. Tama na yang pag iisip mo sa kanya." Sabi ni Bianca habang hinahagod niya ang aking likod.

"Okay lang ako B, hindi ko lang kasi talaga alam kong saan ako nagkulang sa kanya." Sagot ko habang pinapahiran ko ang aking mga luha.

"Hindi ikaw ang nagkulang B sadyang hindi lang talaga siya marunong makontento." Sagot ni Bianca.

"Naawa na ako sa mga anak ko, namimiss na daw nila ang Mama nila lalo na si Princess alam mo namang malapit yon sa kanya." Sabi ko.

"B, malaki na ang mga anak mo. Maiintindihan din nila ang mga nangyayari ngayon. Alam mo tama si Tita at Tito dapat dun muna sa London magstay ang mga bata para naman hindi sila masyadong maapektuhan sa mga nangyayari. At ikaw huwag kang mag alala dahil hinding hindi kita iiwan. Para na kitang kapatid Rhian kaya please pakatatag ka lang ha?" Mahinahon niyang sabi habang niyayakap ako.

"Salamat B, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kung wala ka sa tabi ko." Sabi ko.

"Tama na yan, pahinga kana muna. Uwi kana sa bahay ninyo at matulog ka ha? Ang laki na ng eyebags mo at ang payat payat mo na B." Pag alala niyang sabi sa akin.

Hindi na ako nagmatigas pa at umuwi na ako sa bahay dahil piling ko bibigay na ang aking katawan. Pagdating ko ay sinilip ko muna ang mga anak ko kaya naman mas lalo akong nasasaktan para sa kanila. Ang dating masaya at buong pamilya, ngayon ay nababalot na ng lungkot at pangungulila.

"Glaiza nasaan kana. Sana hindi mo kami kalimutang tuluyan." Bulong ko.

Nasa kwarto na ako. Hindi na ako nagbihis dahil sobrang drained na ang pakiramdam ko physically, emotionally and mentally. Salamat naman at agad akong nakatulog sa pagkakataong ito.

Kinabukasan ay nagising ako na may naamoy akong rosas sa loob ng aming kwarto. Dahan dahan kong dinilat ang aking mga mata at nakita ko ang dalawa kong anghel na nakatitig sa akin at nakangiti.

"Happy Birthday Mom." Unang bumati sa akin si Prince Andrew at hinalikan niya ako sa pisngi sabay abot sa akin ng rosas.

"Thank you baby." Maluha luha kong sagot.

Sumunod naman si Princess Uno.

"Happy Birthday Mommy. Kahit wala si Mama dito gusto kong malaman mo na nandito lang kami ni kuya para sayo Mom. Mahal na mahal ka namin." Sabi ni Princess.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at tuluyan ng kumawala ang mga luhang pilit kong pinipigilan. Niyakap ko silang dalawa na kapwa lumuluha din.

"Thank you baby. Mahal na mahal din kayo ni Mommy yan ang lagi ninyong tatandaan." Sabi ko at isa isa ko silang hinalikan sa noo.

Maswerte ako sa mga anak ko dahil napakalambing nilang mga bata at mapagmahal pa. Alam ko hinding hindi nila ako iiwan gaya ng ginawa ng Mama nila sa akin. Kaya naman mas lalo ko pang tatagan ang sarili ko ngayon.

Nandito pa ang mga anak ko, umaasa at nagmamahal sa akin kaya dapat hindi ako papaapekto sa pagkawala niya. Ginusto niyang iwanan kami kaya buo na ang pasya ko ngayon na tatanggalan ko siya ng karapatan sa mga bata.Masama na akong tao kung masama pero bilang isang ina kailangan ko tong gawin para sa mga anak ko.

Napagdesisyonan ko din na apelyedo ko na ang dadalhin ng mga bata at hindi na sa kanya. Siguro naman makakarating ito sa kanya. At dito ko malalaman kong may paki alam pa ba siya sa amin na pamilya niya o wala na. Dahil kung meron pa magpapakita siya sa amin pero kung wala na ay tuluyan na niya kaming limutin.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon