Epilogue

3.1K 112 20
                                    

Lumipas ang ilang taon at masaya parin kaming nagsasama ni Glaiza kasama ang aming mga anak. Si Princess ay isa ng Psychologist para naman makatulong daw siya sa mga taong may mental disorsders at patuloy pa rin ang relasyon nila ni Margot na ngayon ay isa na ring lawyer at may sarili na itong law firm. Habang si Drew ay nasa Senior High na at hanggang ngayon siya pa din ang baby namin ni Glaiza. Habang nagdaan ang maraming taon ay lalo namang lumalakas ang negosyong iniwan ni Dad sa amin sa tulong na rin ni Rich na mayroon na ding dalawang anak at ito ay kambal.

Wala na yata akong hihilingin pa dahil nakamit ko na ang mga pinapangarap ko noon. Lahat ng luhang dumaloy sa aking mga mata ay may kapalit na tagumpay at sa bawat sakit na dinanas ko noon ay siya namang saya ang nararanasan ko sa bawat araw na nagsama kaming muli ni Glaiza hanggang ngayon.

Hindi pa rin iniiwan ni Glaiza ang musika at patuloy pa rin siya sa pagtuturo ng mga kabataang may talento pagdating sa musika. Dahil sa sobrang blessings na ibinigay ng Panginoon sa pamilya namin ay nagpatayo kami ng Charity para sa mga batang may mental disorders dahil ito ang gusto ni Princess,yung makatulong siya sa mga ito lalong lalo na sa mga walang kayang magpagamot dahil sa kakulangan ng pera.

Masasabi kong perfect ang pamilya ko sa kabila ng kasarian namin ni Glaiza. Hindi naman sa nagmamayabang ako pero si Glaiza ang tipo ng tao na kayang magtaguyod ng pamilya. Siya yung tipo ng tao na gagawin ang lahat para lang sa minamahal niyang pamilya. Minsan man siyang nagkamali pero ang pagkakamali niyang iyon ang nagtuturo sa kanya kung paano maging matatag at maging wais sa buhay.

Ilang beses na siyang nilapitan ng tukso pero masaya ako dahil hindi na siya nagpadala neto. Kaya ngayon buong buo nang muli ang tiwala ko sa kanya na ako lang ang babaeng tanging laman ng puso niya. Ngayon pa ba siya magloko kung kelan tumatanda na kami.

Kaya kayo diyan, huwag mawalan ng pag asa sa buhay. Manalig lang kayo at lahat ng pinangarap ninyo ay makakamit niyo rin pagdating ng panahon.



A/N:

Sana suportahan pa din po ninyo ang next book ko. Its called Strange Love. Thank you so much.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon