24

1.6K 65 13
                                    

Dalawang linggo na kami dito sa Paris at alam na din ni Kylie kung saan kami nakatira, kaya naman hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi nang sabihin niyang dadalawin daw nila kami dito ni Princess.

Hindi ako mapakali na para bang gusto kong maganda ako sa paningin ni Glaiza kaya naman nagbihis at nag ayos ako ng aking sarili. Ayoko kasing isipin niya na napapabayaan ko na ang sarili ko dahil iniwan niya kami. Ayokong sabihin niya na tama lang na iniwan niya ako kasi ang pangit ko na.

"Mommy, ang ganda mo po ngayon." Nakangiting sabi ni Princess.

"Hmmm, ngayon lang ba maganda si Mommy baby?" Pagtatampo kong tanong.

"No, maganda ka naman po lagi Mommy eh, pero mas gumanda po kayo ngayon. Siguro kasi pupunta dito si Mama." Panunukso niya.

"Ano naman ang kinalaman ng pagpunta ng Mama mo dito sa kagandahan ko ngayon?" Nakangiti kong sagot.

"Syempre po, dapat maganda ka para maisipan ni Mama na bumalik sa atin kasi maganda ka na lalo eh." Sagot niya.

Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang doorbell.

Naglakad ako patungo sa pintuan upang pagbuksan ang hinihintay kong mga bisita. Pagbukas ko ng pinto ay agad kong nakita ang isang mala anghel na mukha.

Nakangiti siya nang magtama ang aming paningin. Hindi ko alam kung bakit, pero ramdam ko na sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Yung parang lumulundag siya sa tuwa.

"Hi." Tipid na bati ni Glaiza habang nakangiti siya sa akin ng sobrang tamis.

"He...hello...pasok kayo." Sabi ko.

Pumasok siya sa loob. Ang buong akala ko ay kasama niya si Kylie pero napansin kong mag isa lang siya.

"Mama!!" Masayang bati sa kanya ni Princess habang niyakap niya ito ng mahigpit.

"Baby!! Namiss kita." Sabi ni Glaiza at kinarga niya si Princess na parang bata.

"Mommy, come here join us." Sabi ni Princess nang makita niya akong nakatayo sa likuran nila na nakangiti.

Lumingon naman si Glaiza.

"Hindi mo ba pagbibigyan ang anak natin?" Tanong niya habang sumenyas siya na lapitan ko sila.

Wala na akong magawa dahil ayokong biguin si Princess kaya naman lumapit ako sa kanila at nakikihug na din ako.

Sa totoo lang namimiss ko yung mga ganitong eksena, yung tipong kompleto ang pamilya mo at wala kayong ibang iniisip kundi ang kabutihan para sa isa't isa. Namimiss ko yung dati, kung paano namin pinaghirapang bouhin ang pamilya namin at kung paano din namin ito ipinaglaban sa mga taong mapanghusga. Nakakalungkot lang isipin na nawala na yon ngayon. Nakakalungkot lang isipin na may kanya kanya na kaming buhay ni Glaiza ngayon. At ang lahat ng ito ay ginagawa nalang namin para sa aming anak.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha at hindi iyon nakakaligtas sa paningin ni Glaiza.

"Okay ka lang?" Tanong niya habang nanatili parin kaming magkayap.

Tumango lang ako at kusa akong bumitaw sa kanila. Para na kasing sasabog ang puso ko baka kapag nagtagal pa ako sa pagyakap sa kanya ay baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

Nagtungo ako sa kitchen para ipaghanda siya ng snacks. Maliit lang ang bahay na nabili namin dito sa Paris kaya naman hindi ko na isinama si Manang dahil gusto ko ako mismo ang mag aalaga kay Princess para naman makabawi din ako sa mga pagkukulang ko sa kanya.

Habang naghahanda ako ay nakita ko namang nakatayo si Glaiza sa may pintuan ng kitchen habang malungkot ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon