15

1.8K 85 7
                                    

"Siguro alam mo na kung bakit ako nakikipagkita sayo." Seryoso kong sabi habang pinagmasdan ko ang reaksyon ng kanyang mukha.

"Oo, and humihingi ako sayo ng kapatawaran dahil nilihim ko ang tungkol dun noong una nating pagkikita." Sagot ni Klea.

"Baka naman kaya mo nilihim kasi ang akala mo hindi na babalik si Glaiza sa amin." Sabi ko.

Ngumiti siya na tila ba sinasabi niya na nababaliw na ako.

"Alam mo Rhian, masyado kanang napapraning eh. Oo inaalagaan ko ang asawa mo dahil gusto ko siyang alagaan but it doesn't mean na umaasa akong mapunta siya sa akin. Hindi ako ganun ka desperada." Sagot niya.

"Sa ginawa mong pag alaga sa hindi mo naman asawa ano palang tawag dun?" Sarkastiko kong tanong.

"Alam mo kung anong tawag dun? Tumatanaw lang ako ng utang na loob ko sa kanya dahil sa pagtulong niya sa akin noong mga panahon lugmok ako. Ganun lang kasimple Rhi." Sagot niya.

"Kalokohan. Kitang kita ko sa mga mata mo na mahal mo ang asawa ko. So bakit ako maniniwala sayo?" Sabi ko.

"Ano pa bang saysay ng pag uusap natin ngayon kung may pinaniwalaan ka na pala. Useless din naman kung magsasabi ako sayo ng totoo gayung sarado na pala ang utak mo." Sagot niya.

"Look Rhian, hindi ko idedeny na mahal ko si Glaiza, dahil yun naman talaga ang totoo kong naramdaman para sa kanya. Pero hindi naman ako kagaya ng ibang babae na gagawin ang lahat para makuha ko ang gusto ko." Dagdag niya.

Hindi ako sumagot kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Bata pa lang ako noon when I met her and aaminin ko siya yung first love ko. Pero hindi naging kami dahil mayroon ng nagmamay ari ng kanyang puso. We kissed. Hanggang dun lang yon. Hindi niya ako ginalaw eversinced kasi ang sabi niya hindi naman daw ako kagaya ng iba, kaya nakontento nalang ako sa set up namin. Ako yung takbuhan niya kapag kailangan niya ng kausap and vice versa."

"Sabi mo play girl si Glai, oo alam ko yun, ilan nga ba ang naging babae niya bago ka niya nakilala? Hindi ko na matandaan and lahat yon naikama niya. And kapag nagsawa na siya iiwasan na niya. So naisip ko dati akitin siya but I failed kasi sabi niya, ako nalang daw yung totoong kaibigan na meron siya at hindi daw siya papayag na masira yung samahan namin. So nakontento nalang ako na ako yung takbuhan niya after niyang masaktan or kapag may problema siya sa buhay. Ako yung tagapakinig, tagabihis,taga asikaso,in short ako yung personal maid niya. Ginawa kong magpa alipin sa kanya hoping na sana magbago na ang pagtingin niya sa akin." Dagdag niya.

"Now ipagpatuloy mo." Sabi ko.

"Fine! Yun na nga, ganun lang kami paulit ulit hanggang sa dumating ka sa buhay niya. Napansin kong may iba na sa kanya. At first ipinagdasal ko na sana maging isa ka lang sa mga naging babae niya, pero hindi yun nangyari kasi kapag nagkukwento siya sa akin tungkol sayo ibang Glaiza na ang nakikita so. So I distanced myself from her kasi nasasaktan na ako. Kapag tumatawag siya hindi ko na sinasagot, masakit kasi para sa akin na tanggapin na kahit ginawa mo na ang lahat para lang mapansin ka niya, pero sa iba pa rin pala siya tumitingin." Sabi niya.

"Tapos." Simpleng sagot ko.

"Kung mapapansin mo medyo naiilang ako sayo kasi nasasaktan ako. Dahil ikaw yung nagwagi sa puso niya. Nasasaktan ako kasi hindi ka naghirap para lang mapansin ka niya." Sabi niya.

"Kung duda ka parin dahil sa nakaraan niya. My God Rhian baka nakalimutan mong pareho kayo ni Glaiza? Isa ka ring play girl dati. Huwag kang magagalit ha pero sinasabi ko lang ang totoo. Ikaw diba play girl ka? Nagbago ka noong nakilala mo si Glaiza and hindi ka na din nagloko kahit na iniwan ka niya. Now matanong kita Rhi? Bakit dika bumalik sa pagiging playgirl noong nawala siya sa buhay mo?" Tanong niya.

"Hindi porket ganun ang nakaraan ko Klea ay habang buhay na akong ganun. May mga anak ako at sa kanila ko na lang ifocus ang atensyon ko." Sagot ko.

Ngumiti siya.

"See? Ganyan din si Glaiza. Kung nagbago kana, nagbago na din siya. Kaya huwag mo ng guluhin ang utak mo kakaisip sa mga bagay na hindi naman totoo. Dahil kung may nangyari man sa amin noon. Wala na sana ako sa harapan mo ngayon." Sabi niya.

"Mahal ka ng asawa mo Rhi, mahal na mahal niya kayo. Kaya pag usapan ninyo kung ano man yung hindi ninyo mapagkasunduan. Huwag ninyong hintayin na mawalan ulit kayo ng anak bago kayo magkabati." Dagdag niya.

Bigla akong natauhan, tama si Klea at ramdam ko na nagsasabi siya ng totoo.

"Salamat sa oras na inilaan mo para lang makipagkita sa akin Kle ha. Gulong gulo na kasi ang utak ko." Sabi ko.

"Huwag mo nang isipin yon dahil may mali din naman ako. Sana sinabi ko na sayo noong una pero kagaya ni Ky nirespeto ko lang din ang desisyon ni Glaiza noon na siya na ang magpalaliwanag sa iyo. Pero mukhang hindi yata niya naipaliwanag ng maayos sayo kasi nandito ka ngayon sa harapan ko." Nakangiti niyang sabi.

"Nahihiya ako sayo sa totoo lang. Hindi na sana kita dinamay pa dahil problema naming mag asawa to." Sabi ko.

"Ano ka ba, ayos lang yun noh. Atleast nalinis ko sayo ang pangalan ko. Yan ang mahalaga para sa akin. Ayoko din kasing ako yung dahilan ng pag aaway ninyo. Basta isa lang ang masasabi ko sayo. Mahal ka ng asawa mo." Sagot niya.

"Mahal ko din naman siya kaya nga ako nagkaganito kasi nagseselos ako sayo." Nahihiya kong sabi.

"Normal lang ang pagseselos Rhi sign yan na mahal mo nga ang isang tao at takot kang mawala siya sa buhay mo. Pero dapat isipin mo din na hindi na maganda kapag nasobrahan yang selos na yan kasi madaming relasyon ang nawasak dahil sa selos na wala namang pagbabasehan. Tiwala ka lang sa asawa mo. Kasi maramdaman mo naman yan eh kapag nagloko siya sayo." Sagot niya.

Napatawa nalang ako dahil nahihiya ako sa ginawa ko. Ang dami ko ng masasakit na salitang binitawan kay Glaiza. Wala naman pala akong dapat pagselosan. Pero masisisi ba niya ako kung ganito ako ka sensitive pagdating sa kanya. Takot lang akong mawala ulit siya sa buhay namin.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon