3

2.3K 103 7
                                    

Ito na yata ang pinaka hindi ko makalimutan na birthday ko dahil sa surpresang ginawa ni Prince at Princess. Kahit saglit lang ay nakalimutan ko ang aking problema. Naramdaman kong muli ang totoong kasiyahan nang dahil sa kanila.

Pero kagaya ng mga fairytale sa movie ay may katapusan din ang kasiyahan ng isang bida. Kaya ilang araw ang lumipas ay balik na naman ako sa dati kong nararamdaman. Unang birthday ko na hindi ko kasama si Glaiza. Aaminin ko galit ako sa kanya pero hinahanap at umaasa pa rin ako na darating siya sa mga araw na iyon pero bigo ako dahil walang Glaiza ang dumating upang surpresahin ako.

Nandito ako ngayon sa isang coffee shop kasama ang dalawa kong anak. Habang hinihintay ko silang bumalik sa kinauupuan namin ay may nakita akong isang babae na pamilyar ang mukha. Bumibili siya ng kape na kapareho ng paboritong kape ni Glaiza.

Pinagmasdan kong mabuti ang babaeng iyon at hindi nga ako nagkamali dahil si Klea ito. Sinundan ko siya ng tingin nang bigla siyang tumingin sa kinaroroonan ko kaya naman nagtagpo ang aming mga paningin.

Hindi ko alam kung bakit parang may nagtulak sa akin na ngitian ko siya at hindi lang yon malakas ang enerhiyang nagtulak sa akin na lapitan ko siya kaya naman ginawa ko.

Kitang kita ko sa mukha niya ang pag aalangan pero agad din niya itong binawi.

"Hi, Klea right?" Tanong ko habang nakatayo ako sa harapan niya.

"Yes, ikaw si Rhian diba? Glaiza's wife." Sagot niya.

"Ex- wife." Pagtatama ko.

Kita ko kung paano siya nabigla.

"By the way pwedi bang umupo dito sa table mo? Kung okay lang sayo." Tanong ko.

"Su..sure.." pabulol niyang sagot.

Ngumiti ako at umupo sa harapan ng kinauupuan niya sakto namang bumalik ang mga anak ko.

"Mom, nandito ka lang pala. We're so worried akala namin iniwan mo na kami." Sabi ni Prince na medyo malungkot ang boses.

"Sorry baby, may nakita lang kasi akong kaibagan kaya nilapitan ko na." Sagot ko.

"Prince, Princess this is tita Klea friend namin ng Mama niyo." Pagpapakilala ko sa kanila.

Biglang nagliwanag ang mukha ni Princess kaya naman umupo siya sa tabi ni Klea at nagtanong siya sa kanya.

"Tita, may alam ka po ba kung nasaan ngayon si Mama kasi ang tagal na naming hindi nagkikita eh and I missed her so much." Malungkot na sabi ni Princess.

Sinaway naman siya ni Prince.

"Bunso, hindi naman porket friend sila ni Mama ay may alam na siya kung nasaan si Mama ngayon. Wala ngang nakuhang impormasyon ang mga tauhan ni Dada diba. Sorry po Tita ha makulit lang talaga yang si Princess." Sabi ni Prince.

Ngumiti naman si Klea bago siya nagsalita.

"Don't worry young lady kapag may balita ako tungkol sa Mama ninyo sasabihin ko agad sa Mommy niyo ha?" Sabi ni Klea habang ginugulo ang buhok ni Princess.

Napangiti naman ako dahil napapansin kong mabait naman pala itong si Klea at malambing pagdating sa mga bata.

"Naku Kle, pasensya kana kay Princess ha, makulit lang talaga yan. Huwag mo ng pansinin yung sinasabi niya sayo." Sabi ko.

"Naiintindihan ko naman yun Rhi at alam ko din na nawawala si Glaiza nabasa ko yun dati sa newspaper." Sabi niya.

Bumuntong hininga muna ako bago ako nagsalita.

"Hindi ko alam kung saan ako nagkulang sa kanya basta ang alam ko ginawa ko na ang lahat para lang makontento at maging masaya siya sa piling namin but I guess kulang pa yon sa kanya dahil iniwan niya pa din kami." Sabi ko.

Kita ko ang lungkot sa mga mata ni Klea at ramdam kong parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya iyon masabi.

"Rhi, ikinalulungkot ko ang nangyayari sa pamilya mo. Hindi ko akalain na humantong kayo sa ganito. Kayo ang perfect couple na iniidolo ng karamihan ngayon, kaya sinong mag aakala na magagawa niya yon. Basta isa lang ang sigurado ako. Mahal na mahal ni Glaiza ang pamilya niya kayo ang mundo niya." Sabi ni Klea.

Napangiti ako ng mapait.

"Noon siguro kami ang mundo niya pero hindi na ngayon Kle may iba na siyang mundong ginagalawan at hindi na kami yon. Sana lang kung nasaan man siya ngayon ay masaya siya sa mga pinaggagawa niya. Sana nakakatulog siya ng mahimbing." Sarkastiko kong sabi.

"Hindi kita masisisi kung ganyan ang sasabihin mo ngayon Rhi dahil nasasaktan ka. Ako man sa kalagayan mo ay ganyan din ang sasabihin ko. Pero Rhi kapag dumating ang panahon na magkrus muli ang landas ninyong dalawa sana hindi pa sarado ang isipan mo para pakinggan ang side niya." Sagot ni Klea.

"Dependi Kle kung katanggap tanggap ba ang magiging rason niya. Pero sana kapag dumating ang panahon na iyon ay handa pa akong makinig sa kanya dahil kapag nahuli siya ng dating ay  hinding hindi na niya makikita ang mga anak niya." Seryoso kong sagot.

Hindi na sumagot si Klea. Alam ko at malakas ang kutob ko na may nalalaman siya sa pagkawala ni Glaiza at kapag napatunayan kong tama ang hinala ko hindi ko alam kung ano ang kaya kong gawin sa kanya pagdating ng panahon na iyon.

"So paano Rhi, mauna na ako sa inyo ha? May lalakarin pa kasi ako eh." Pamamaalam niya.

"Sige Kle, salamat sa time pasensya kana makulit itong si Princess." Sabi ko.

"Naku ayos lang, malambing nga siya eh. Maswerte ka nga kasi napakagalang ng mga anak mo. Mag ingat kayo Rhi at ikaw naman kulit alagaan ninyo ang Mommy niyo ha? Huwag kayong pasaway." Nakangiting sabi ni Klea habang kinukurot niya ang pisngi ni Princess.

"Opo tita aalagaan po namin si Mommy basta po kapag nakita ninyo si Mama pakisabi po miss na miss na namin siya. Maghihintay po kami sa pagbalik niya." Malungkot na sabi ni Prince.

"Tita pakisabi din po kapag nagkita kayo ni Mama na wala na pong nagtuturo sa akin na mag gitara at pakisabi po mahal po namin siya ni kuya at ni Mommy." Dagdag ni Princess.

Ngumiti ng malungkot si Klea.

"Sige po makakarating kapag magkukrus ang mga landas namin. Basta kayo ha? Alagaan ninyo ang Mommy while wala pa ang Mama ninyo." Sabi ni Klea at humarap siya sa akin.

"So Rhi, mauna na ako sayo ha? Mag iingat kayong mag iina. Pakatatag ka lang Rhi. May rason ang lahat kung bakit nangyayari ito ngayon." Sabi niya at tuluyan na siyang tumalikod sa amin.

Magaan ang loob ko kay Klea dahil ramdam ko na totoo lahat ng lumalabas sa bibig niya pero may kutob din ako na may alam siya sa kung nasaan man si Glaiza ngayon. Ayokong pag isipan siya ng masama pero hindi talaga mawaglit sa isipan ko ang pagdududang naramdaman ko tungkol sa kanya.

"Mom, ramdam kong mabait si Tita Klea. Para lang din siyang si Tita Kylie." Biglang sabi ni Prince.

"Oo mabait ang Tita Klea ninyo at ganun din ang Tita Ky ninyo. So paano mga anak namnamin na natin ang kapeng inorder natin bago pa ito lumamig." Sabi ko sa kanila.

Natapos na masaya ang araw naming iyon. Napapansin ko na kapag kasama ko ang mga anak ko ay sumisigla ako bigla. Kawawa ka Glai kapag hindi ka magpapakita sa amin dahil hindi mo maranasan kung gaano kasaya ang makapiling ang mga anak natin. Sila ang natatanging regalo na hindi kayang pantayan ng kahit ano. Sabi ko sa isipan ko habang pinagmasdan kong mabuti ang mga anak ko.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon