36

1.8K 70 10
                                    

"Love are you alright?" Tanong ko kay Rhian habang nasa loob na kami ng hotel.

"Yes love, iniisip ko lang kung ano kaya ang ginagawa ng dalawa ngayon sa bahay habang nandito tayo." Sagot niya.

"Hey, huwag mo nang isipin si Princess at Margot matanda na sila at alam na nila kung ano ang tama at mali. Isa pa nandun naman si Osrich eh, mas mahigpit pa yun kesa sayo." Sagot ko habang niyayakap ko siya.

"Nandito tayo para magbakasyon kaya focus ka muna sa bakasyon nating ito. Gusto kong maging perfect ang bawat pagstay natin dito." Dagdag kong sabi.

Tinititigan niya ako na para bang may gusto siyang sasabihin.

"Love, hindi ka ba napapagod sa akin? I mean hindi ka ba napapagod sa ugali ko?" Tanong niya.

Ngumiti ako bago ko siya hinalikan sa kanyang mga labi.

"Hindi ako mapapagod sayo love, alam mo na yan. Dahil naniniwala ako na kapag mahal mo ang isang tao hindi ka dapat mapapagod sa pag intindi sa mga flaws niya." Sagot ko.

Kumislap ang kanyang mga mata.

"Ikaw kasi eh, masyado mong binihag ang puso ko, ayan tuloy para na akong tanga neto." Sagot niya sabay kurot sa tagiliran ko.

"Tama na ang drama love, lika labas tayo. Gusto kong uminum doon sa labas." Anyaya ko sa kanya.

"Wait here magbibihis lang ako." Sagot niya at pumunta siya sa kanyang maleta upang kumuha ng damit.

Nakafloral dress si Rhian at bagay na bagay ito sa kanya. Mas lalong lumitaw ang kanyang ganda sa mga oras na ito. Ang swerte ko dahil may kasama akong isang anghel na bumaba mula sa langit.

"Shall we?" Nakangiti niyang tanong.

"Yeah, ang ganda mo tonight love." Bulong ko sa kanya.

"Syempre magandang pogi yung kasama ko eh." Nakangiti niyang sagot.

"Ui, bawal ka tingnan ng iba and bawal ka tumingin sa iba. Dapat sa akin ka lang nakatingin." Dagdag niya.

"Seryoso ka ba?" Tanong ko.

"Yes, seryoso ako and I mean it." Seryoso niyang sagot.

Bigla akong kinabahan. Parang ibang Rhian ang kasama ko ngayon ah. Sana naman hindi bumalik yung pagiging bipolar niya. Huwag naman sana. Tahimik kong dasal sa isipan ko.

Nilakad lang namin ang bar dahil malapit lang ito sa hotel na tinutuluyan namin. Magkahawak kamay kami habang naglalakad. At hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga mapanghusgang mata ng mga dayuhan. Samantalang parang baliwala lang ito kay Rhian at naas noo siyang naglakad papasok sa bar.

"Whats your order love?" Tanong niya habang inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga.

"Gin Martini." Sagot ko.

"Two Gin Martini please, wet and shaken." Sabi ni Rhian sa bartender.

"Right away Ma'am." Sagot ng bartender sabay pacute kay Rhian.

"Nagpapacute hindi naman cute." Inis kong sabi.

Tumawa naman si Rhian ng mahina.

"Huwag kang mainis dun. Hindi ko type yung may hotdog. Mas type kita." Sagot niya sabay halik sa labi ko sakto namang dumating na ang order namin at nakita ng bartender na hinalikan ako ni Rhian sa labi kaya kitang kita ko kung paano siya nadismaya.

Pagkatapos namin magbar ay gusto muna ni Rhian na maglakad lakad kami sa labas bago kami bumalik sa hotel. Hindi kami nalasing dahil isang order lang ang ginawa namin.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon