16

1.7K 76 9
                                    

"Ano yung nabalitaan ko tungkol sa asawa mo Rhian?" Halata sa tono ng pananalita ni Daddy na nagtitimpi siya ng galit.

"Nagkamali lang po ako ng akala Dad. Wala na po yun." Sagot ko.

"Alam mo, napagpasyahan namin ng Mommy mo na sa amin nalang muna si Princess habang hindi niyo pa naaayos ang mga sarili ninyo. Hindi makakabuti para kay Princess yang mga pinaggagawa ninyo ngayon." Sabi ni Daddy.

"Pero Dad, anak namin si Princess hindi naman pweding mawalay siya sa amin." Sabi ko.

"Anak niyo nga siya. Sino ba ang nagsasabing hindi ninyo siya anak? May karapatan naman kayo sa kanya dahil anak niyo siya pero sa nangyayari sa pamliya niyo ngayon hindi ko na hahayaang may isa pa akong apo na mawala dahil lang sa mga immature niyang mga magulang." Sabi niya.

Napayuko ako dahil hindi ko lubos akalain na gagawin ito ni Daddy sa akin.

"Rhian, kung mahal mo anak mo makikinig ka sa akin. Ang gusto ko lang ayusin muna ninyo kung ano man ang issue ninyo sa bawat isa. At kapag sa tingin ninyo ay handa na kayong maging magulang sa kanya. Sabihin niyo sa amin at ibabalik ko sa pangangalaga ninyo si Princess." Paliwanag ni Daddy.

"Naintindihan ko po kayo Dad. Kung sa tingin mo ay yan ang makakabuti sa anak ko, hindi po ako tututol." Sagot ko.

"Good, so mamaya kukunin ko na siya. Ikaw nang bahalang magsabi sa asawa mo." Sabi niya at iniwan niya ako sa sala.

Dumating ang gabi at gaya ng sabi ni Daddy ay nandito na nga sila ni Mommy. Ngayon pa lang ay namimiss ko na si Princess hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko. Isa lang ang alam ko, ito yung makakabuti para sa kanya.

"Mommy, totoo po bang kina Mamita na po ako titira?" Tanong ni Princess sa akin.

"Pansamantala lang naman baby, kasi hindi ka namin maalagaan ni Mama dito. Pareho kasi kaming may inaayos sa ngayon." Paliwanag ko.

"Pero Mommy, mamimiss ko kayo ni Mama." Sabi niya.

"Dadalaw naman kami ni Mama sayo. Pangako yan." Sagot ko.

"Mommy, hindi mo pa nga natupad ang pangako mo sa akin na sasamahan ninyo ako ni Mama kay doc." Malungkot niyang sabi.

Naguilty ako lalo dahil hindi pala nawala sa isipan ni Princess ang ipinangako ko sa kanya.

"Baby, pangako kapag naayos na namin ni Mama ang problema namin kami na ang sasama sayo anak ha?" Sagot ko.

Tumango lang siya at niyakap niya ako.

"Mommy tatawagan ninyo ako lagi na Mama ha? Alagaan mo si Mama,Mommy ha? Huwag na kayong mag away sabi ko Mommy love love lang kayo diba?" Malungkot niyang sabi.

"Baby, tayo na." Sabi ni Mommy.

"Mamita sandali lang gusto ko pang mayakap si Mommy kahit saglit lang Mamita please." Pakiusap niya.

Kita ko naman ang awa sa mga mata ni Mommy kaya naman nauna hindi nalang siya nagsasalita.

"Baby, pakabait ka kay Mamita ha? Huwag kang pasaway. Tandaan mo love ka ni Mommy at Mama at ginawa namin to lahat para sa ikakabuti mo." Sabi ko.

Ako na ang unang kumalas sa kanya dahil pakiramdam ko ay lalong madudurog ang puso ko habang nakikita ko siya ngayon.

"Baby, lumakad kana tapos tawagan mo ako pag andun kana sa bahay ha?" Sabi ko habang pinupunasan ko ang aking mga luha.

"Mommy, huwag kana mag cry love naman kita kayo ni Mama." Sabi niya habang nakatingin siya sa akin.

Nakita ni Mommy na naging emosyonal na ako kaya naman lumapit siya sa amin.

"Rhian anak, ano ka ba, hindi naman ibang tao ang titirhan na anak mo. Relax ka lang okay? Huwag ka nang umiyak." Sabi ni Mommy habang hinahagod niya ang aking likod.

Patuloy ako sa paghikbi.

"Tama na yan okay. Lets go baby." Sabi ni Mommy at tuluyan na nila akong iniwan. Kita ko na nililingon pa din ako ni Princesw habang hawak hawak ni Mommy ang kanyang mga kamay.

Napakasakit makita na inilalayo sayo ang anak mo. Bakit ba nangyari sa amin to ni Glaiza? Mali ba ang mga desisyon namin noon kaya ito ang resulta ngayon? Nawala na si Prince sa akin, pati si Princess inilayo ngayon sa amin.

Para akong bata na humikbi habang nakaupo sa may sala nang madatnan ako ni Glaiza.

"Rhian? Anong nangyari sayo bakit ka umiiyak?" Pag alala niyang tanong.

Niyakap ko siya kahit na galit pa ako sa kanya. Simula noong mag usap kami ni Klea ay hindi ko pa nakakausap si Glaiza dahil palagi siyang wala sa bahay.

"Si Princess, wala na si Princess." Umiiyak kong sabi.

"Anong wala na si Princess! Anong nangyari kay  Princess?! Tanong niya.

"Ki..kinuha siya ni Daddy." Sabi ko.

"Ano? Bakit mo naman ibinigay Rhi? Anak natin yon. At tayo ang may karapatan sa kanya. Sana man lang kumonsulta ka muna sa akin bago ka nagdesisyon. Hindi lang naman ikaw ang may karapatan sa kanya dahil anak ko rin siya." Halata sa bosee niya na galit siya.

"Ang daling sabihin sayo ang ganyan. Ilang gabi akong naghintay sayo para kausapin ka tungkol diyan pero nasaan ka? Diba hindi ka umuwi ng ilang gabi? Sino ang kakausapin ko ha!?" Sagot ko.

"Binigay ko lang sayo ang oras na hiningi mo. Doon ako kina Ky umuuwi kasi nasasaktan ako kapag nasa iisang bubong tayo pero hindi mo naman ako pinapansin." Sagot niya.

"Kukunin natin si Princess bukas sa kanila. Kaya kong alagaan ang anak natin Rhi, kaya ko kayong buhayin! Pamilya tayo eh, hindi dapat tayo nagkaganito." Galit niyang sabi.

"Please Glai, makinig ka sa akin. Doon na muna si Princess ayokong magalit lalo si Daddy sayo." Pakiusap ko sa kanya.

"Kaya ba nila kinuha si Princess dahil galit sila sa akin? Sabihin mo sa akin ang totoo Rhi." Sabi niya.

"No, hindi ganun Glai, gusto lang nila ayusin muna natin ang problema nating dalawa at kapag okay na tayo ibabalik naman nila si Princess sa atin eh." Sagot ko.

"Bakit Rhi? Gaano ba kalaki ang problema nating dalawa? O pilit mo lang talagang pinapalaki para may rason ang nga magulang mo na kunin at ilayo sa akin ang anak ko!" Galit niyang sabi.

"Hindi naman nila ilalayo sa atin ang anak natin Glai, madadalaw natin si Princess anytime." Sagot ko.

Ngumiti siya ng makahulugan.

"Para namang hindi mo kilala ng Daddy mo Rhi,  sa tingin mo ba makikita pa natin ang anak natin ngayon? Sana nga, sana nga nagkamali ako sa hinala ko Rhi, dahil sa oras na ilayo nila sa akin ang anak ko! Ikaw ang sisisihin ko." Sabi niya at iniwan niya ako kung saan ako nakaupo.

Makahulugan ang sinasabi ni Glaiza sa akin ngayon parang may alam siya na hindi ko nalalaman. Hindi naman siguro gagawin ni Daddy na ilayo sa amin ang anak namin dahil kami lang ang may karapatan kay Princess.

Ano na tong nangyayari sa pamilya namin. Pinipilit kong buohin pero bakit parang pinipilit kaming pinaglayo ng panahon. Makikita ko pa kayang muli ang anak ko? Bakit kinakabahan ako ngayon. Posible kayang mangyari ang sinasabi ni Glaiza?

A/N:

Saan kayo magdadate ngayon? Yung mga walang kadate diyan...tulog kayo ng maaga mamaya,huwag kayong maiinggit sa mga may kadate ngayon dahil maghihiwalay din ang mga yan.hahaha...Peace yah all.

Happy Valentine's Day sa inyong lahat. Spread the love. Sa mga hindi pa nakamove on diyan. Magmove on na kayo ui.. isipin ninyo mahal ko kayo ni author at hinding hindi ko kayo sasaktan.hahaha.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon