13

1.8K 90 5
                                    

Ilang buwan din akong inalagaan ni Rhian hanggang sa tuluyan na nga akong nakalakad. Ngayon ay nandito kaming tatlo kung saan nakahimlay si Prince.

"Kuya look oh, happy family na ulit tayo." Masayang sabi ni Princess habang hinahawakan niya ang lapida ng kanyang kuya.

"Baby, kumusta kana diyan? Sana masaya ka kasama ang tita at lolo mo. Huwag mo na kaming alalahanin dito dahil ok na kami ng Mama mo." Sabi naman ni Rhian.

"Oo nga anak at pangako ko sayo aalagaan ko ang mga prinsesa natin. Gabayan mo kami lagi dito baby ha?" Sabi ko.

"Mommy, Mama, tingin po kayo sa akin." Sabi ni Princess at pagtingin ko ay may hawak pala siyang camera.

"Ready one, two, smile kayo Mommy, Mama." Utos niya at pareho kaming ngumiti ni Rhian.

Ilang oras din ang inilaan namin sa puntod ni Prince. Nakagawian na namin ito na sa tuwing linggo ay dito kami magfamily bonding.

"Lab, saan mo gustong kumain?" Tanong ko kay Rhian.

"Kahit saan lab, basta kasama ko kayo tiyak na sasarap ang pagkaing kakainin ko." Nakangiting sabi ni Rhian.

"Ang sweet naman ng asawa ko." Sabi ko habang nakatitig ako sa kanya.

"Ganyan lang dapat Mommy,Mama love love lang dapat kayo ha?" Pambasag ni Princess.

"Opo." Sagot naman ni Rhian habang kinurot niya ang ilong ni Princess.

Nandito kami ngayon sa restuarant na malapit lang sa gasoline station. Nagpa gas kasi kami kanina nang biglang nagyaya si Princess ng kain dahil gutom na daw siya.

Sa tingin ko naman ay masarap ang pagkain dito at mukhang bago palang itong resto na to.

Magkahawak kamay kaming tatlo habang papasok kami sa loob ng resto. Nagpagitna sa amin si Princess dahil yun ang gusto niya.

Sinalubong kami ng waiter at sinamahan niya kami sa table na napili namin para kukunin na din ang aming order.

"Lab, ikaw na ang mag order para sa akin." Sabi ko kay Rhian.

"Sure lab." Sagot niya.

Habang inisa isa ni Rhian ang pagbuklat ng menu ay dumako naman ang paningin ko sa isang babaeng nasa likuran niya. Kung hindi ako nagkakamali ay kilala ko ang babaeng ito.

May biglang dumating na kasamahan niya at nanlamig ako dahil kilalang kilala ko kung sino siya. Siya yung isa sa mga nurse na nag alaga sa akin noong nasa probinsya ako at kasama niya si Klea.

"Lab, okay ka lang ba? Bakit namumutla ka?" Biglang sabi ni Rhian.

"Yes lab okay lang ako. Nilalamig lang ako ng konti." Pagsisinungaling ko.

Bigla namang tumayo si Princess at hindi ko inaasahan na magtungo siya sa kinaroroonan ni Klea. Sinundan ko siya ng tanaw at doon nga siya nagpunta.

"Tita Klea!" Malakas na bati ni Princess nang marating niya ang kinaroroonan ni Klea.

Napalingon naman si Rhian.

"Si Klea ba yon?" Tanong niya.

Tumango lang ako.

Since malaki ang table na kinuha namin ay naisipan ni Rhian na sa iisang table nalang kami para naman daw makapag usap kaming tatlo kahit na saglit lang. Kaya naman wala akong nawaga kundi ang sundin siya.

Sa totoo lang kinakabahan ako dahil hindi alam ni Rhian na si Klea ang nag aalaga sa akin noon. Paano nalang kapag madulas ang dila ni Kim(nurse) huwag naman sana. Sabi ko isipan ko.

"Kle, its been a long time ah. Mukhang busy kana sa love life mo." Panimula ni Rhian.

Ngumiti naman si Klea bago siya nagsalita.

"May pinagkaka abalahan lang kami ni Kim." Sagot niya.

"Hmmm.. good to hear that." Sabi naman ni Rhian.

"So Glaiza kumusta ka na ba?" Biglang tanong ni Kim.

"I'm fine. Salamat sa pag aalaga mo sa akin noon." Sagot ko.

"Naku huwag kang magpasalamat dahil binayaran naman kami para gawin yun. Dapat magpasalamat ka doon sa nag alaga sayo ng libre." Bigla niyang sabi.

Bigla siyang siniko ni Klea. Pero alam ko hindi yun nakakaligtas sa paningin ni Rhian.

"What I mean is pasalamatan mo ang pinsan mo." Pambawi ni Kim pero huli na ang lahat dahil kita ko kung paano tumingin si Rhian sa akin ngayon.

"Bakit nga pala kayo lang tatlo? Nasaan si Andrew?" Tanong ni Klea.

Kita ko ang biglang lungkot sa mga mata ni Rhian.

"Nasa heaven na si kuya, tita Kle." Sagot ni Princess.

Nanlaki at tila hindi makapaniwala si Klea sa narinig niya.

"Anong nangyari?" Tanong niya.

"He took his own life for us to be together again." Sagot ni Princess.

Kung minsan hindi ko talaga maintindihan si Princess sa edad niya ngayon masyado siyang tackless.

Nagpalipat lipat ng tingin sa aming dalawa si Kim at Klea na tila ba naghihintay ng confirmation namin. Hanggang sa nagsalita si Rhian.

"It was an accident." Sabi ni Rhian.

"No Mommy, don't lie. Kuya died because he wants Mama to take care of us." Sabi ni Princess.

"Baby, it was an accident. Kuya died because of accident." Pagdidiin ni Rhian.

"Why tell a lie Mom. He died because he loves us. I know it because I read his notes and he told me not to tell anyone so I did. I thought he was just joking but he's serious about killing himself." Sagot ni Princess habang may mga luha ng unti unting umaagos sa kanyang mga mata.

"Glaiza, totoo ba?" Tanong ni Klea.

Hindi ako makasagot dahil natameme ako sa katotohanan. Katotohanang hanggang ngayon ay pilit kong kinakalimutan dahil ayoko ng mamuhay sa nakaraan.

"Yes, Klea naglaslas siya kasi palagay niya ay makakatulong siya sa problema namin but the truth is mas lalo lang niya itong pinalala. Mabait si Prince na bata pero sa ginawa niyang iyon masasabi kong selfish siya." Biglang sabi ni Rhian.

"What do you mean?" Tanong ni Klea.

"Alam mo Kle sa akin lang kasi matalinong bata si Prince kaya sana ginamit niya ang utak niya para intindihin ang sitwasyon namin pero pinakitid niya ito. Sa ginawa niyang ito habang buhay naming dadalhin ng aming konsensya ang pagkawala niya. Hindi ko nga naisipang magsuicide na kung tutuusin mas ako yung nasasaktan. Hindi naman kasi yan ang sulosyon sa problema eh. Inisip niya sana kung ano ang maramdaman ng mga taong naiwan niya." Paliwanag ni Rhian.

"You can't blame the child Ma'am. Siguro sobrang depress na siya kaya niya nagawa yon." Sabi naman ni Kim.

"Sorry about sa nangyari kay Andrew Rhi." Sabi naman ni Klea.

"Thats life Kle.. ang mahalaga sa amin ngayon ay nabuo kaming muli. Nawala man siya pero mananatili naman siyang buhay sa mga puso namin." Sagot ni Rhian.

"Tama na nga ang drama. Ano na Glai? Invite namin kayo sa kasal namin ha?" Sabi ni Kim.

Kita kong napayuko si Klea.

"Sure kelan yon?" Sagot ko.

"Maybe nextmonth basta magpapadala nalang kami ng invitation letter sa inyo." Nakangiti niyang sabi

"Congrats nga pala sa inyo." Sabi naman ni Rhian.

"Thanks Rhi." Sagot ni Klea.

Kapansin pansin na si Kim lang yata ang masaya sa kanilang dalawa at tila si Klea ay napipilitan lang. May awa akong naramdaman para sa kanya. Siguro ako naman ngayon ang kailangang tumulong kay Klea. Kakausapin ko siya kung sigurado na ba talaga siya sa desisyon niya o baka naman napipilitan lang talaga siya.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon