11

1.9K 97 23
                                    

"Oh dahan dahan lang. Sige isang hakbang pa." Nakangiti kong sabi habang pinagmasdan ko si Glaiza na tila batang kakaumpisa pa lang maglakad.

"Ang daya mo naman, paano ako makakarating sa finish line nito,diyan ka lang Rhi huwag ka ng mandaya. Nanginginig na ang mga tuhod ko." Reklamo niya.

"Oh sige na ang daming reklamo nito tatlong hakbang nalang papunta sa puso ko." Pagbibiro ko.

Hindi siya sumagot pero kitang kita ko kung paano siya kinilig. Hanggang sa marating na nga niya kung saan ako nakatayo. Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa labi.

"Ayan, kapag araw araw mong ginagawa yan ay araw araw ka din may kiss sa akin." Sabi ko.

"So ibig sabihin araw araw mo akong dadalawin dito?" Kita ko sa mga mata niya ang kasayahan habang nagtatanong siya.

"Hmmm... bakit ayaw mo?" Sagot ko.

"Syempre gusto. Kapag umuwi ka na nga eh mamiss agad kita. Nasanay na kasi ako na lagi kitang makakasama." Sagot niya.

"Kaya nga magpagaling ka para naman makapamasyal na tayo. Ang dami mo ng utang sa akin kaya." Sabi ko.

Hinawakan niya ang mukha ko at dahan dahan niyang inilapit ang kanyang mukha hanggang sa naamoy ko ang bango ng kanyang hininga. Napapikit ako dahil hindi ko kayang tignan ang matang punong puno ng pananabik at pagmamahal.

Ramdam kong magkadikit na ang aming mga labi at sa una ay nanginginig pa siya habang hinahalikan niya ang mga labi ko. Nakakatuwang isipin na hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago si Glaiza ganun pa rin siya. Ganun pa din ang istelo ng paghalik niya ingat na ingat at punong puno ng mensahe sa bawat kagat niya sa mga labi ko ay unti unting nalulunod ang aking puso. Mas lalo ko siyang minahal ngayon at sigurado ako dun. Si Glaiza yung tipo ng tao na masakit pero masarap magmahal. Hindi ko alam kung bakit may mga taong kagaya niya pero hindi ako nagsisisi na muli ko siyang tinanggap sa buhay namin dahil lolokohin ko lang ang sarili ko kung patuloy kong idedeny na wala na akong pagmamahal sa kanya.

Naramdaman kong hindi lang halik ang ginawa niya dahil hindi ko namalayan na nakapasok na pala ang isa niyang kamay sa  loob ng shorts ko at dahan dahan niyang menamasahe ang paraiso kong matagal ng walang kaligayahan. Kaya naman hindi ko napigilan ang hindi mapaungol.

Bumaba ang halik niya patungo sa leeg ko na siyang dahilan kung bakit ako napaliyad.

"Heaven knows how much I missed this." Pabulong kong sabi.

"Ssshhh.." tanging sagot ni G habang patuloy niyang hinihimas himas ang perlas ko sa baba.

Dahan dahan niya akong isinandal sa dingding ng kanyang kwarto. Mabuti nalang at hindi kami sa harden nagpraktis maglakad ngayon. Ngayon alam ko na kung bakit gusto niyang dito lang kami sa loob dahil may binabalak pala siya sa akin. Kahit kailan talaga ninja talaga itong asawa ko. Nakangiti kong sabi sa isipan ko.

Nahubad na ni Glaiza ang suot kong damit na wala akong kamalay malay at sa mga sandaling lumapat ang mga labi niya sa malusog kong dibdib ay bigla ko siyang nasabunutan dahil sa sobrang sarap.

Para siyang batang uhaw na uhaw sa ginagawa niya ngayon kaya naman hindi ko na alam kong anong mararamdaman ko sa sobrang sarap ng ginagawa niya. Halos maubos na ang lakas ng aking tuhod dahil sa ginagawa niya.

"Please G don't stop.." paki usap ko habang hinahawakan ko ang kanyang ulo na ngayon ay nasa bandang puson ko na.

Pababa na sana siya ng biglang may kumatok sa pintuan ng kuwarto niya. Hindi niya ito pinansin pero patuloy pa din ang pagkatok kung sino man ang nasa labas at mas nilakasan pa ang ginawang pagkatok this time.

"Glai enough.." sabi ko.

Inangat niya naman ang kanyang mukha.

"Kainis naman yung istorbo." Bulong niya sa akin habang dali dali kong inaayos ang aking sarili.

Inalalayan ko naman siyang umupo muna sa kama niya. Kumakatok pa din ang tao na nasa labas kaya naman ako na ang naglakad para pagbuksan ito pero bago lahat yun ay sinigurado ko muna na maayos ang sarili ko.

Pagbukas ko sa pintuan ay nakita ko si Princess.

"Princess baby? Kailan lang kayo dumating?" Tanong ko.

"Mom, bakit ang tagal ninyo binuksan itong pinto may pasalubong ako for you and for Mama." Sabi niya habang patuloy na naglakad sa loob mg kwarto ni Glaiza.

"Baby hindi mo naman sinagot ang tanong ko. Kailan lang kayo dumating?" Tanong ko ulit.

"Yesterday and sabi ni Dada babalik pa daw kami doon next week. I'm tired Mom." Sabi niya pero nag iba ang aura niya ng makita niya si Glaiza.

"Mama gising ka pala. May pasalubong ako for you." Masigla niyang sabi habang lumapit siya lay Glaiza at hinalikan niya ito sa pisngi.

"Wow ano naman ang pasalubong ni Mama?" Malambing na sabi ni G sa anak niya.

"Eto po oh." At inilabas niya ang isang personalise keychain na may litrato naming apat.

"Sayo yan Mama at para sayo din ito Mommy." Sabi niya at inabot niya sa akin ang isa pang keychain na ganun pa din ang hitsura.

"Wow! Ang ganda naman nito baby." Sabi ni Glaiza.

"Yes Mama, and gusto ko ilagay mo yan sa susi ng car mo para every time na aalis ka po ay lagi mo kaming maalala. Baka kasi makalimutan ninyo ulit kami ni Mommy." Sabi niya habang malumgkot ang mukha.

Kita ko naman na naguilty si Glaiza. 10 years old lang si Princess ngayon at ganyan na siya mag isip.

"Salamat dito baby ha? Don't worry hinding hindi na aalis si Mama sa tabi ninyo dahil mahal na mahal kayo ni Mama." Sagot ni G habang medyo pumiyok ang kanyang boses.

"Totoo ba yan Mama? Hindi mo na kami iiwan ni Mommy? Uuwi kana sa bahay natin?" Sunod sunod niyang tanong.

"Opo kapag nakalakad na ng maayos si Mama magsasama na tayo sa iisang bahay at araw araw na kitang matuturuang mag gitara." Sabi ni Glaiza.

"Ayoko na pong mag gitara. Wala na po akong kakantahan eh. Si kuya lang naman kasi taong gustong gusto kong kantahan." Sagot niya habang nakayuko.

Pareho kaming nabigla sa sinasabi ni Princess. Wala akong lakas ng loob para magsalita ganun din si Glaiza kaya ang ginawa niya ay niyakap niya si Princess ng mahigpit at lumapit ako sa kanila para yakapin din sila.

Sa ngayon ako yung dapat matatag habang hindi pa lubusang nagbalik ang tiwala ni Glaiza sa kanyang sarili. Ako muna ang tatayong haligi ng aming pamilya sa ngayon.

"Mommy, Mama ganito lang muna tayo. Gusto ko hug muna tayo para perfect family ulit tayo. Siguro masaya na si kuya ngayon kasi nandito kana ulit Mama at hindi na galit si Mommy. Mahal ko kayong dalawa po." Sabi niya.

"Mahal na mahal ka din namin baby. Kayo ng kuya mo." Sabi ko.

"Yes baby, kayo ang kayamanan namin. Mahal na mahal kayo ni Mama." Sabi naman ni Glaiza.

Masarap sa pakiramdam kapag buo ang iyong pamilya. Palagay ko kahit anong pagsubok pa ang dumating sa buhay namin ngayon ay kayang kaya namin ito dahil buo na ulit kami. Nawala man sa amin si Prince pero sa bawat isa sa amin ay lagi namin siyang kasama dahil katawan lang niya ang nawalay sa amin pero ang pagmamahal namin sa kanya ay nanatili at hinding hindi ito mawawala. Nanatili siyang buhay dito sa puso namin.

A/N:

Kape kayo diyan mainit pa..hahaha morning guys. Magsimba naman kayo ui. Huwag puro wattpad. Happy Sunday sa lahat. God Bless everyone.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon