17

1.7K 70 19
                                    

Dahil sa sinabi ni Glaiza kagabi ay hindi ko maiwasan ang hindi magduda kaya naman maaga akong gumising para puntahan si Princess sa bahay ng lolo at lola niya. Nakapagtataka din kasi na hindi siya tumawag kagabi.

Nasa harapan na ako ng gate. Ilang beses akong bumusina bago pa binuksan ang gate.

Pagkapark ko ay agad akong bumaba. Sakto namang sinalubong ako ni Aleng Celsa.

"Magandang umaga po senyorita. Wala po dito sila sir." Sabi niya.

Para akong lalagnatin sa narinig ko.

"Ho? Nasaan po sila?" Tanong ko.

"Maaga po silang umalis kanina senyorita mga bandang 2am po. Wala pong pasabi kong saan sila pupunta eh." Sabi ng Ale.

"Ka..kasama ba nila ang anak ko?" Tanong ko.

"Opo. Ayaw nga po ni Princess na sumama kasi hahanapin daw ninyo siya. Ang sabi naman si sir magkikita lang daw kayo sa airport." Sagot ni Aleng Celsa.

Nanginginig ako buo kong katawan. Para akong mawawalan ng lakas. Nanghihina ang aking mga tuhod dahil tama nga ang hinala ni Glaiza. Bakit hindi ko man lang naisip yon? Ano ng gagawin ko ngayon. At higit sa lahat paano ko haharapin si Glaiza ngayon?

"Okay ka lang ba senyorita?" Tanong ni Aleng Celsa.

"Hi..hindi po ako okay, dahil niloko ako ni Mommy at Daddy." Mangiyak ngiyak kong sabi.

"Hindi po ninyo alam na aalis sila sir?" Taka niyang tanong.

Umiling ako habang nagsimula ng pumatak ang aking mga luha.

"Naku! Wala pong pasabi si sir kung kailan sila babalik dito senyorita. Basta ang sabi ni Ma'am medyo matagal daw sila doon." Kwento ng Ale.

Bumalik ako sa aking sasakyan at agad ko itong pinaharurot pabalik ng bahay. Alam ko magagalit si Glaiza sa akin ngayon pero haharapin ko ang galit niya dahil kasalanan ko naman talaga yon.

Ilang minuto lang ay nakabalik na ako sa bahay at agad kong nakita si Glaiza na nasa veranda habang nakatanaw sa malayo.

Pagbaba ko sa kotse ay agad akong naglakad palapit sa kanya.

"G..Glai.." mahina kong sabi.

Tiningnan niya ako na para bang alam na niya ang sasabihin ko.

"Tama ba ang hinala ko Rhi? Kaya ganyan ang hitsura mo ngayon?" Tanong niya na medyo pumiyok na ang kanyang boses.

"I'm sorry.!" Tanging nasambit ko habang lumuhod ako sa harapan niya.

"Hindi ko alam na magagawa ni Daddy to sa akin, ang buong akala ko ay concern lang siya kay Princess kaya mas gusto niyang doon na muna siya titira pero hindi ko alam na inilayo na nila ito sa atin ng tuluyan." Dagdag ko habang umiiyak.

"Ngayon, sabihin mo sa akin kung anong plano mo? Sabagay mga magulang ko naman yon eh. Siguro naman hindi nila pababayaan ang anak ko." Sabi niya habang seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Susubukan kong tawagan sina Tito baka sakaling alam nila kung nasaan sila Mommy ngayon." Sagot ko.

"Huwag na Rhi. Kahit naman alam ng mga tito mo ang kinaroroonan ng mga magulang mo hindi rin naman yon magsasalita. Kilalang kilala ko ang pamilya mo Rhian. Masakit lang para sa akin na inilayo nila sa akin ang anak ko. Ako yung naghirap nun eh. Tapos ngayon tatanggalan ako ng karapatan sa kanya ang malala pa hindi ko na siya makikita." Sabi niya habang pinipigilan ang galit.

"Glai please huwag ka namang ganyan. Alam ko galit ka sa akin please patawarin mo ako." Paki usap ko.

"Pilit kong binubuo ang pamilya ko dahil mahal ko kayo ng mga anak ko Rhian. Pero sa ginawang ito ng mga magulang mo. Hindi ko na kayang pakisamahan ka. Ayoko na! Pagod na ako!" Galit niyang sabi.

"Huwag mong gawin sa akin to Glaiza please! Ikaw nalang ang natitira para sa akin. Ngayon kita mas kailangan Glai. Maawa ka sa akin." Halos mapaos na ako sa pakiusap sa kanya.

"I'm so sorry Rhian pero pagod na ako. Kapag ikaw ba sa kalagayan ko hindi ka ba mapapagod? Diba nakakapagod ng lumaban lalo na't pilit sinisira ang pilit mong binubuo?" Sabi niya.

"Glai, hindi ko kaya na pati ikaw ay mawawala na din sa akin. Aayusin ko to. Please bigyan mo naman ako ng panahon para maayos ko to." Sagot ko.

"Wala ka nang dapat ayusin Rhi dahil matagal na tayong sira!!pamilya mo ang makakalaban mo kapag pinipilit mo na magkaayos pa tayo.! Alam ko naman na malaki ang galit sa akin ng ama mo dahil sa nangyari kay Prince! Pero sana naman inisip din nila na hindi lang ako ang dapat sisisihin sa pagkawala ng apo nila dahil ikaw naman talaga ang nakakasama nila araw araw!" Sigaw ni Glaiza sa akin.

Unang beses kong nakitang galit na galit si Glaiza sa akin. Nakaramdam ako ng takot sa kanya ngayon sa totoo lang pero pilit ko itong winawaglit sa isipan ko.

"Glaiza naman of all people ikaw pa ang nanumbat sa akin ng ganyan?! Bakit Glai? Ginusto ko ba ang mamatayan ng anak? Kung alam mo lang na mas gugustuhin ko pang ako yung mawala kesa sa anak natin! Pero pilit akong lumalaban dahil ayokong maulila si Princess! Sa lahat ng problemang idinulot mo sa akin Glai, tiniis ko ang lahat ng iyon dahil ayokong mawasak ang pamilyang pinaghirapang nating buohin!" Sigaw ko din sa kanya.

"Matagal na tayong wasak Rhian!! Hindi mo ba nakikita?? Kasabay ng pagkamatay ni Prince ay ang tuluyang pagkawasak ng pamilya natin dahil sa pakikialam ng mga magulang mo!! Pamilya natin to! Sana naman labas na sila kung ano mang hindi natin pagkakaunawaan. Sana hindi sila nakialam di sana tayo magkakagulo ng ganito ngayon." Sabi niya.

"Ang dali dali sayong sabihin ang ganyan! Palibhasa ikaw yung nawala ng ilang taon! Samantalang ako??! Ako yung nagpakahirap, ako yung tumatayon ama at ina ng mga anak natin samantalang ikaw?? Nagpakasarap ka sa buhay mo.!!" Galit kong sabi.

"Yan! Diyan ka magaling! Total sinabi mo namang nagpakasarap ako sa buhay ko diba? Pwes! Gagawin ko yan ngayon! Para naman maging makatotohanan na ang mga hinala mo noon. Kung ano yung pagkakilala mo sa akin noon Rhian tandaan mo ibabalik ko yun. Yung dating Glaiza na kaliwa't kanan ang babae yung Glaiza na walang pakialam sa ibang tao! Total lagi mo naman ipinapamukha sa akin yun eh. So totohanin ko na." Sabi niya.

"Glai, please maawa ka naman sa akin. Huwag mo nang dagdagan ang bigat ng dinadala ko. Alam ko kasalanan ko dahil pinagdududahan kita pero ngayong nilinaw na ni Klea sa akin ang lahat hinding hindi na ako magdududa sayo. Patawarin mo na ako Glai." Pakiusap ko sa kanya.

"Huli na ang lahat Rhian. Wala ng saysay kung magsasama pa tayo ngayong may lamat na ang relasyon natin. Mas mabuti pang itigil na natin to. Pagod na din akong magpaliwanag sayo kahit wala naman akong gingawang masama. Huwag kang mag alala. Ako yung aalis sa pamamahay na to. Maraming salamat sa  mga panahong inilaan mo para sa akin at patawad kong sama lang ng loob ang idinulot ko sayo." Sabi niya at tuluyan na niya akong tinalikuran.

Alam ko seryoso si Glaiza sa pakikipaghiwalay sa akin. Masakit sobrang sakit dahil sa ikalawang pagkakataon ay iiwan niya ulit ako. Mas masakit pa ito ngayon dahil mag isa ko nalang haharapin ang buhay. Mahal ko si Glaiza pero ayoko na ding pigilan siya. Ayoko nang magpakababa pang lalo para lang sa kanya. Dahil kung talagang mahal niya ako ay hindi niya ako susukuan pero heto siya aalis nanamang muli. Isa lang ang ibig sabihin nun. Hindi niya talaga ako minahal kagaya ng pagmamahal ko sa kanya.

Mag isa nalang ako ngayon at mag isa ko nalang din hahanapin ang anak ko. Sana makaya ko ang lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon