33

1.9K 86 10
                                    

"Ma'am Glaiza gusto ka raw kausapin ng ina ni Celine." Sabi sa akin ni Rochelle isa sa mga tauhan ko sa school.

"Okay, papasukin mo Roch." Sagot ko.

Ilang sandali pa ay may isang babae ng pumasok sa office ko. Pero nanlamig ang buo kong katawan nang makita ko kung sino ang babaeng gustong makipag usap sa akin. Abot tenga ang kanyang ngiti nang makita niya akong nakatingin sa kanya.

"Hi babe, its been ages ha? Kung hindi ko nakita ang photos ninyo ni Celine hindi ko alam na ikaw pala ang may ari ng school na to." Sabi ni Mia habang paupo siya.

"Mia?? Anak mo si Celine?" Tanong ko.

"Yes, ganda na anak ko diba? Mana sa Mommy." Pagyayabang niya.

Napangiti ako dahil ganun pa din si Mia kingkoy pa din.

"Kahit konti walang namana si Celine sayo. Pasalamat ka may hitsura ang asawa mo kaya lumaking cute si Celine." Pagbibiro ko.

"Wow ha! Kung makapagsalita ka naman diyan para namang wala tayong nakaraan eh." Nakangiti niyang sagot.

Sakto namang bumukas ang pintuan ng office ko at nakita ko si Rhian na hindi maipinta ang mukha.

"Love? Bakit di mo sinabing susunduin mo ako?" Pautal na tanong ko sa kanya.

"I just want to surprise you pero mukhang ako yata ang nasurprise." Sagot niya habang nakataas ang kilay at palipat lipat ng tingin sa amin ni Mia.

"Ah, its not what you think dear." Rescue ni Mia sa akin.

"Bakit ano ba sa tingin mo ang iniisip ko ngayon?" Sagot ni Rhian habang kitang kita ko na,na nagpipigil siya ng galit dahil lumalaki na ang butas ng kanyang ilong.

"Look, me and Glaiza are good friends. Kasama ko siya dati sa Dubai." Sabi ni Mia.

"Yeah! Alam ko na yan, and alam ko din ang storya ninyong dalawa. So kung wala ka nang bussiness sa asawa ko, pwedi ka nang umalis." Pagtataboy ni Rhian kay Mia.

"Fine!. Glai aalis na ako." Sabi ni Mia habang makikipagbeso sana siya sa akin pero mabilis pa sa alas kwatro si Rhian na nakalapit kay Mia at agad niyang tinapik ang balikat neto.

"You can go now." Sabi ni Rhian.

Napailing nalang si Mia habang nakangiti siyang lumabas ng opisina ko.

Pagkalabas ni Mia ay nakita kong masama ang tingin sa akin ni Rhian.

"Love, please don't give me that look." Sabi ko sabay lapit sa kanya para halikan siya sa labi.

"Bakit ang landi, landi mo Glai?" Inis niyang tanong habang mahina niya akong tinulak para hindi magdikit ang mga labi namin.

"Love naman eh, sila yung malandi hindi ako. Kasalanan ko bang ipinanganak akong pogi?" Nakangiti kong sagot.

"Iba ang pogi sa malandi Glaiza." Sagot niya habang hindi pa rin maipinta ang kanyang mukha.

"Sorry na, umiiwas naman talaga ako sa tukso love. Kaso sila talaga yung pilit na lumalapit sa akin eh." Pagbibiro ko.

"Glai, yung Mia na yon may kasalanan pa yon sa akin. Kaya huwag mo talagang hahayang magkrus ulit ang landas namin. Kung ayaw mong makalbo ko siya." Sagot niya.

Napangiti ako dahil sobrang cute magselos ng asawa ko nakakataba ng puso, kapag alam mong nagseselos sayo ang taong mahal mo.

"Pangiti ngiti ka diyan? Ano naalala mo kung paano kaayo nagkainan nang Mia na yon?" Sabi niya.

"Anong pinagsasabi mo? Hindi ko na nga matandaan ang hitsura nang ano niya kasi sobrang lasing kami that time." Pagbibiro ko.

"At pinoproblema mo pa ngayon dahil hindi mo maalala ang ano niya? Alam mo diko talaga alam kong bakit pa kita tinanggap eh." Sabi niya. Alam ko galit na siya kaya naman niyakap ko siya to calm her.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon