14

1.7K 88 20
                                    

"Nandito ka lang pala lab." Sabi ko habang pumasok ako sa library.

Pero tila hindi ako naririnig ni Rhian.

"Hey, mukhang nadadala ka na diyan sa binabasa mo." Sabi ko habang dinampian ko siya ng halik sa pisngi.

Huminto siya sa pagbabasa at seryosong nakatingin sa akin.

Kinabahan ako dahil alam ko sa hitsura niya ngayon ay galit siya.

"Ma..may problema ba tayo lab?" Tanong ko.

"May hindi ba ako nalalaman tungkol sa inyo ni Klea?" Sagot niya sa tanong ko.

Sunod sunod akong napalunok ng laway habang nakatingin ako sa mga mata niyang nag aapoy na sa galit.

"Bakit dika makasagot? So meron nga kayong tinatago sa akin?" Sabi niya.

"It's not what you think lab." Sagot ko.

"Bakit ano ba sa palagay mo ang iniisip ko ngayon G?" Sabi niya.

Bumuntong hininga ako.

"Okay, siya yung nag aalaga sa akin noon. Siya yung tinutukoy ni Kim." Mahina kong sabi.

Namumula na sa galit si Rhian.

"Bakit hindi mo to sinasabi sa akin noon? O balak mo talagang ilihim to sa akin?" Sabi niya.

"Hindi ko sinasabi sayo kasi ayoko ng magkagulo pa tayo. Isa pa, magkaibigan lang kami hanggang doon lang yun." Sabi ko.

"Huwag mo nga akong niloloko Glai, alam nating dalawa na more than friends ang pagtingin niya sayo." Sabi niya.

"Oo hindi ko idedeny yan pero sinabi ko na sa kanya na mahal kita, sinabi ko na mahal ko ang pamilya ko. At naintindihan naman niya iyon." Sagot ko.

"Two years kayong magkasama sa iisang bahay imposibleng walang nangyari sa inyo! Hindi naman kayo santo pareho para hindi kayo matukso." Malakas na ang boses niya sa mga oras na to.

"Please maniwala ka naman sa akin wala ngang nangyayari sa amin. Magkaiba kami ng kwarto I swear to God." Sabi ko.

"Kung wala nga kayong tinatago pareho bakit hindi mo ito sinabi sa akin noong una?" Tanong niya.

Hindi ko na napigilan ang galit ko. Alam ko hindi niya ako pakikinggan kahit ano pang sasabihin ko ngayon.

"My God Rhian!. Ganyan na ba kababa ang tingin mo sa akin? Na kahit alam kong hindi ko mahal eh gagalawin ko?" Inis kong sabi.

Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Diba gawain mo yan dati Glai? Can you blame me? Kung hindi ako maniniwalang walang nangyari sa inyo? Nakalimutan mo na ba kung ano ka dati?" Galit na galit niyang sabi.

"Dati yon Rhi! And hindi ko idedeny yun. Yes play girl ako noon, user, lahat lahat na! Pero nagbago ako nang dahil sayo.!" Sabi ko.

"Nagbago ka nga ba Glai? O baka naman hanggang salita lang yang pagbabago mo?" Sagot niya.

Nasasaktan ako dahil sa lahat ng tao na susumbat sa akin si Rhian pa.

"Hindi pa ba sapat sayo ang pinagsamahan natin para mapatunayan ko sayo ang sarili ko?" Paiyak na ako sa oras na to.

"Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko Glai. Mahal kita oo pero pakiramdam ko ginagamit mo ang sobrang pagmamahal ko sayo para lang saktan mo ako ng paulit ulit." Sagot niya habang umiiyak.

Lumapit ako sa kanya para yakapin siya.

"No please, hindi totoo yan. Alam mong mahal na mahal kita. Gusto mo kausapin pa natin si Klea para naman maniwala ka na nagsasabi ako ng totoo." Sabi ko habang niyakap ko siya mula sa kanyang likuran.

Patuloy siya sa paghikbi.

"Glai, mahal na mahal kita. Ikaw lang ang nag iisang tao na minahal ko ng ganito. Pero ano isinukli mo? Sakit sa dibdib at sama ng loob." Sabi niya.

"Please hindi totoo yan Rhi, mahal kita naging totoo ako sayo simula noong nangako ako na ikaw lang ang babaeng titingnan at mamahalin ko. Hindi ko yon nakalimutan Rhi." Sabi ko.

"Glai mas mabuti pa sigurong bigyan mo muna ako ng space para makapag isip ng tama. Umalis ka muna sa harapan ko." Sabi niya.

"Pinapalayas mo na ba ako Rhi? Akala ko ba bubuohin nating muli ang pamilya natin? Bakit nahantong nanaman tayo sa ganito?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit nga ba Glai? Sana noong umpisa pa lang sinabi mo na sa akin ang lahat,hindi sana ako magdududa ng ganito. Dalawang taon yun Glai,kaya imposibleng walang nangyayari sa inyo." Sabi niya habang patuloy sa pag iyak.

"Ano pa bang pwerba ang gusto mo para lang maniwala ka na wala ngang nangyari sa amin. Please naman sabihin mo sa akin huwag yung paalisin mo nalang ako basta basta." Pakiusap ko.

"Gusto kong makapag isip Glai at hindi ako makakapag isip ng tama kung nakikita kita." Sabi niya.

"Hindi ako aalis Rhi, huwag kang mag alala doon muna ako sa kwarto ni Prince. Diba sabi ko sayo hinding hindi ko na kayo iiwan." Sagot ko.

"Fine, kung ayaw mong umalis ikaw ang bahala basta huwag mo muna akong kakausapin sa ngayon." Sabi niya.

Hindi ako sumagot at patuloy ko siyang niyayakap. Inaamin ko nagkamali ako dahil naglihim ako sa kanya pero malinis ang konsensya ko na wala talagang nangyayari sa amin ni Klea. Malaki ang respeto ko sa babaeng iyon at higit sa lahat hindi ko kayang pagtaksilan si Rhian. Simula noong ikinasal kami ay hindi na ako nagkaroon ng interest na tumingin sa ibang babae dahil nangako ako na sa kanya lang nakatuon ang atensyon ko.

Pero sa mga sinasabi niya ngayon kailangan kong mapatunayan na totoo ang mga sinasabi ko. Tama si Kim, siya ang lagi naming kasama sa mga panahon na yon siguro naman kung si Kim ang magsasabi kay Rhian ay maniniwala siya dito.

Ano na bang nangyari sa buhay ko ngayon kung kelan naging okay kami ng asawa ko saka naman niya nalaman ang tungkol kay Klea. Alam ko mali talaga ako dahil sa umpisa hindi ako naging totoo sa kanya pero sana naman maintindihan niya na hindi maganda ang unang pagtagpo namin kaya nawala sa isipan ko ang mga nangyari noon, masyado akong nakafocus sa pagbuo ko sa pamilya ko. Hindi ko man lang naisip na malalaman at malalaman din ni Rhian ang totoo.

Pero kahit ano pang pagsisi ang gawin ko ngayon himdi ko na mababago ang lahat. Kailangan ko nalang patunayan sa kanya na hindi ako nagsisinungaling. Kailangan ko si Klea at si Kim sila lang ang makakatulong sa akin ngayon.

A/N:

Saan kayo magdadate ngayong 14? Sa mga single diyan ano ang plano ninyo?haha.. Tulog nalang kayo ng maaga. Peace. Huwag kayong mag aala mga single kasi yang mga taken ngayon ewan ko lang kung aabot ba yang relasyon nila sa susunod na Valentine's Day. Kaya pagbigyan niyo nalang sila sa ngayon.😂😂

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon