18

1.7K 90 11
                                    

Kahapon ko pa hinihintay na umuwi si Glaiza dito sa bahay pero nabigo ako. Kaya naman humingi na ako ng tulong kay Kylie. Hindi ko na talaga kakayanin kapag pati si Glaiza ay mawala sa akin.

Nasa harden ako habang nilapitan ako ni Manang.

"Ma'am dumating na po si Ma'am Glaiza." Sabi sa akin ni Manang.

Pinahiran ko muna ang aking mga luha bago ako humarap sa kanya.

"Sige po, pupuntahan ko na po siya Manang salamat po." Sabi ko sabay tayo at naglakad patungo sa kuwarto ni Prince kung saan si Glaiza natutulog.

Habang binabaybay ko ang daan patungo sa kinaroroonan niya ay walang tigil ang pagtulo ng aking mga luha. Ilang araw na akong ganito. Pero kinakaya ko pa din kahit na parang gusto ko ng sumuko alang ala sa pamilya ko magpakatatag ako.

Nakita kong bukas ang pinto kaya naman pumasok ako at nakita ko si Glaiza na umiiyak habang pinagmasdan niya ang mga larawan ng aming mga anak.

Awang awa ako sa kanya ngayon kung may magagawa lang sana ako pero kagaya niya ay nadudurog din ang aking puso.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya mula sa likuran. Ramdam ko ang sakit at bigat ng kanyang loob ngayon kaya naman ang tanging magagawa ko lang sa ngayon ay ang yakapin siya.

"Please huwag ka nang umiyak. I promise aayusin ko to Glai." Halos bulong ko sa kanya.

Pero hindi siya sumagot, iyak lang siya ng iyak.

"Huwag mo akong iwan Glai, maawa ka sa akin. Mahal na mahal kita." Pakiusap ko sa kanya habang niyakap ko siya ng mahigpit.

"Rhi, ano ng mangyayari sa atin ngayon?" Tanong niya.

"Lalaban tayo Glai, aayusin ko to. Please manatili ka lang sa piling ko para may pagkukunan ako ng lakas para lumaban Glai, ikaw nalang ang natitira kong lakas." Sabi ko habang umiiyak.

"Gustuhin ko mang iwanan ka ng tuluyan dahil galit ako sayo pero aaminin ko hindi ko pala kaya Rhi. Patawarin mo ako sa mga nasabi ko sayo noong nakaraang araw, nadala lang ako ng galit ko. Patawad Rhi." Sabi niya habang niyakap niya ako ng mahigpit.

"Naiintindihan kita Glai, alam ko galit ka lang noong mga oras na yon. Huwag kang mag alala hahanapin ko si Princess nagpatulong na ako sa mga kakilala ko." Sagot ko habang patuloy parin ako sa pagyakap sa kanya.

"Magsimula tayong muli Rhi, gusto ko ipamukha sa ama mo na hindi tayo madaling sirain. Gusto kong ipakita sa kanya na kahit anong mangyari ay solid tayo." Sabi niya.

"Oo Glai, gagawin natin yan. Kaya natin to. Kung nakaya natin ang mga problemang dumating sa atin noon. Alam ko kaya din natin ngayon. Basta walang susuko sa ating dalawa." Sagot ko.

Tumango lang siya habang patuloy niyang pinagmasdan ang mga larawan ng aming mga anak. Sa oras na ito alam kong nangungulila si Glaiza sa mga anak namin dahil ganun din ang naramdaman ko. Pero hindi ko pweding ipakita sa kanya na mahina ako, dapat malakas ako kasi nakikita kong mahina siya ngayon.

Dumaan ang ilang minuto ay ganun lang kami ni Glaiza kapwa nakatingin sa mga larawan ni Princess at Prince habang hawak hawak namin ang kamay ng bawat isa. Pareho kaming pagod at pareho din kaming ayaw sumuko. Ramdam ko ngayon kung gaano ko kamahal si Glaiza at kung gaano ko siya ka kailangan sa buhay namin.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising. Sa unang pagkakataon ay magkatabi ulit kaming natulog at kung iniisip ninyo na may nangyayari sa amin kagabi. Pwes! Mali kayo.(hahaha)..pero seryoso. Sa unang pagkakataon naramdaman kong hindi ako takot matulog dahil alam ko paggising ko sa umaga ay nandiyan pa siya.

"Morning." Nakangiti niyang bati sa akin habang hinalikan ako sa noo.

"Good morning lab." Masigla kong sagot.

"Hilamos ka muna lab para sabay na tayong magkape." Sabi niya habang nakatingin siya sa mga mata ko.

"Sure." Sagot ko at bumangon ako. Alam ko kahit na pinipilit ni Glaiza na magmukhang masaya sa harapan ko pero hindi kayang itago ng kanyang mga mata ang kalungkutang dinadala niya ngayon at nasasaktan ako sa tuwing maiisip ko yon.

Sabay kaming magkape,habang nasa kalagitnaan kami ng aming pagkakape ay biglang nagring ang aking cellphone.

Tiningnan ko kung sino ang tumawag pero hindi ito nakarehistro sa phonebook ko at mukhang overseas ito kaya naman agad ko itong sinagot.

"Hello, sino to?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Hello, Mommy!? Ikaw ba to Mommy?" Sagot sa kabilang linya.

"Princess baby?" Masaya kong sabi. Halos lumundag ang puso ko pagkarinig ko sa boses ni Princess. Agad namang tumingin si Glaiza sa akin kaya naman nakaloudspeaker ako agad.

"Baby, kumusta kana?" Tanong ko.

"Malungkot ako Mommy, kasi namimiss ko kayo ni Mama." Malungkot niyang sagot.

"Princess baby, si Mama ito. Huwag ka nang malungkot okay? Kasama mo naman sila Mamita at Dada mo diba?" Sagot naman ni Glaiza.

"Opo,kasama ko po sila Mama pero sabi ni Dada hindi raw kami uuwi hanggat hindi magiging okay ang lahat. Mama, hindi pa po ba kayo okay ni Mommy?" Tanong niya.

This time naawa ako sa anak ko kasi pati siya naapektuhan sa mga pinaggagawa namin ni Glaiza.

"No baby! Okay na kami ng Mommy mo. Diba love love lang. Sabi mo yan baby diba?" Sagot naman ni Glaiza.

"Opo dapat love love lang,pero kasi Mama inaaway mo si Mommy eh. Huwag ka nang bad Mama para makauwi na ako sa bahay natin." Malungkot niyang sabi.

"Opo anak. Hindi na bad si Mama. Pakisabi kay Dada ha? Mabait na si Mama. Anak huwag ka nang malungkot diyan ha?" Sabi ni Glaiza.

"Mama, masaya naman po dito pero iba pa rin po talaga kapag kasama ko kayo ni Mommy kasi kahit na sa room lang tayo magplay sobrang happy na po ako. Dito po hindi po ako happy masyado Mama. Kasi namimiss ko na kayo ni Mommy." Sagot ni Princess.

Parang dinurog ang puso ko pagkarinig ko sa sinasabi ni Princess.

"Baby, nasaan si Mamita?" Tanong ko.

"Nasa labas po ng room ko si Dada at Mamita Mommy." Sagot niya.

"Nasaan kayo ngayon baby?" Tanong ko ulit.

"Mommy diko po alam pero sabi ni Mamita malapit na po kaming bumalik diyan. May pasalubong po ako sa inyo ni Mama." Sabi niya.

"Wow naman! Kahit wala ka ng pasalubong sa amin baby, basta ang mahalaga ay uuwi ka sa amin ni Mama. Masaya na kami dun." Sagot ko habang pilit kong pinipigilan ang aking mga luha.

"Mommy, uuwi po ako pero promise me po na hindi na kayo mag aaway ni Mama. Kasi malulungkot akp kapag nag aaway kayo ni Mama eh. Ayokong iwan ulit tayo ni Mama,Mommy." Sabi niya.

"Anak, hinding hindi na kayo iiwan ni Mama. Pangako ni Mama yan sayo anak. Basta bumalik kana sa amin ha? Mahal na mahal kayo ni Mama tandaan mo yan." Sagot naman ni Glaiza.

"Mahal na mahal ko din po kayo ni Mommy, Mama. Kaya ayaw ko po mag away kayo kasi malulungkot ako. Mama, love love lang kayo ni Mommy ha? Para pag uwi ko hindi na ako kukunin ni Dada." Sabi niya.

"Pangako anak. Basta mag iingat ka diyan okay? Huwag pasaway sa Dada at Mamita mo okay?" Sabi ni Glaiza.

Pero bigla nalang naputol ang tawag ni Princess. Sinubukan kong tawagan ulit ang number na ginamit niya pero out of reach na ito.

Nagkatitigan kami ni Glaiza na para bang kapwa kami nagtatanong kung ano ang nangyayari pero pareho kaming hindi makapagsalita. Masaya ako na may halong kaba ang aking naramdaman. Kabang hindi ko kayang maipaliwanag. Sana naman makikita pa naming muli ang aming anak. Sana naman walang ibig sabihin ang kabang naramdaman ko sa mga oras na ito.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon