26

1.5K 75 14
                                    

Maaga akong nagising kaya naman dahan dahan akong bumangon para hindi ko magising ang mahimbing na natutulog na si Rhian. Ang sarap niyang pagmasdan sa posisyon niya ngayon.

Nang nakatayo na ako ay agad akong nagtungo sa banyo para maghilamos. Nakangiti ako habang pinagmasdan kong mabuti ang aking hitsura sa salamin. Hindi ko lubos maisip na may mangyari sa aming dalawa ni Rhian kagabi ang buong akala ko ay hindi niya ako pagbibigyan pero nagkamali pala ako at dahil dun alam at ramdam kong mahal na mahal niya pa din ako.

Si Rhian ang tipo ng babae na kapag ayaw niya ay ayaw niya talaga. Para akong tanga na abot tenga ang ngiti habang papalabas na ako ng banyo.

Pero laking gulat ko paglabas ko nang makita kong wala na doon si Rhian. Dali dali akong lumabas ng kwarto at saktong nakita ko kung paano siya sinampal ng kanyang ama.

Agad akong tumakbo patungo sa kanila at inawat ko ang Daddy niya.

"Mawalang galang na po Dad pero hindi naman po yata tama ang ginawa niyo kay Rhian. Wala ho kayong karapatan na saktan siya!" Galit kong sabi.

"Manahimik ka! Dahil kung hindi dahil sayo hindi ko masasaktan ang anak ko.!" Sagot ng Daddy niya.

"Rhian, diba nag usap na tayo na aalis kayo ng Pilipinas para magsimulang muli. Tapos ito yung madadatnan ko!? Nag iisip ka pa ba ha?!" Sigaw ng Daddy niya.

"I'm so sorry Dad." Tanging sagot ni Rhian habang hawak hawak niya ang namumula niyang pisngi.

"Hindi mo pa rin ba maintindihan na ginagawa ka lang tanga nang babaeng ito! Kailan ka ba magising sa katotohanang hindi na siya ang dating Glaiza na iniibig mo!" Sabi ng Daddy niya.

"Sir, huwag niyo naman po lasonin ang utak ni Rhian! Ginagawa po namin ito para mabuong muli ang pamilya namin!" Sabi ko.

"Mabuong muli?! Naririnig mo ba ang sarili mo Glaiza?! Hindi na mabubuong muli ang pamilyang winasak mo dahil simula ngayon hindi ko na hahayaang makalapit ka sa anak at apo ko!" Sagot ng Daddy niya.

"Dad please, hayaan mong ayusin ko to. Please Dad." Paki usap ni Rhian.

"No Rhian, ilang beses na kitang pinagbigyan pero lagi mo akong binibigo! Ako na mismo ang magdedesisyon para sa inyo ng apo ko. Tama na yang pagmamahal na yan kasi sa totoo lang ikaw nalang yung nagmahal sa kanya.!" Sabi ng Daddy niya.

"Hindi po totoo yan! Mahal ko ang anak ninyo at lalong lalo na ang anak namin! Huwag po kayong gumawa ng storya para kamuhian ako ni Rhian!" Galit kong sabi.

"Mahal mo ang anak ko Glaiza? Kung mahal mo talaga sila bakit naisipan mong iwanan sila? Dahil ba hindi mo na kayang dalhin ang mga sakit nila? Yan ba ang pagmamahal sayo? Yung iniiwan mo sa ere ang taong sinasabi mong mahal mo dahil pagod kana? Sabihin mo nga Glai kung talaga bang minahal mo ng totoo ang anak ko o inihalintulad mo lang din siya sa mga naging babae mo na ginawa mo lang pampalipas oras? O let me say ginawa mo lang na parausan ang anak ko!" Galit na galit niyang sabi.

"Tama na Dad please?! Tama na! Pagod na ako!" Sigaw ni Rhian habang nakatakip sa kanyang tenga.

Lumapit ako para yakapin siya pero nabigla ako nang itinulak niya ako palayo buti nalang at sa may sofa tumama ang aking ulo.

"Huwag mo akong hawakan! Umalis ka sa harapan ko!" Sigaw niya.

"Rhian, huwag mong sabihing naniniwala ka sa mga sinasabi ng Daddy mo? Akala ko ba okay na tayo?!" Tanong ko habang nanginginig ang buo kong katawan.

"Hindi na tayo magiging okay Glai, tama na. Ihinto na natin ang lahat ng meron tayo! Siguro nga tama si Daddy ginawa mo lang akong parausan at pampalipas oras." Sabi niya.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon