28

1.5K 59 11
                                    

"Kanina ka pa nakasimangot diyan Glaiza ah." Puna sa akin ni Kylie habang nagtitimpla siya ng gatas ni Andrew.

"Sa tingin mo ba bagay sila ni Rhian?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti si Kylie bago nagsalita.

"Nagseselos ka?" Tanong niya sa akin.

"Hindi no, bakit ako magseselos sa lalaking yon? Di hamak naman na mas pogi ako dun." Sagot ko.

"Kung hindi ka nagseselos bakit natanong mo kung bagay ba sila ni Rhian?" Tanong niya.

"Nakakainis lang kasing isipin Ky, parang ang bilis yata ni Rhian makahanap ng ipapalit niya sa akin. Samantalang ako, siya pa din yung gusto kong makasama." Sagot ko.

"Nagseselos ka nga kay Osrich. Alam mo Glai, hayaan mo muna ang asawa mo. Isa pa alam na ni Rhian kung ano ang tamang gawin niya. So kung anuman ang magiging desisyon niya tanggapin mo nalang and move on kung sakaling tatanggapin niya ang pag ibig ni Rich." Mahabang sabi ni Kylie.

Bumuntong hininga muna ako bago ako nagsalita.

"Ky, ipaglalaban ko ang pamilya namin. Hindi ko hahayaang tuluyan kaming masira." Sagot ko.

"Glai, need ninyong dalawa ng space. And bago mo ipaglaban ang pamilya mo unahin mo munang makipag ayos sa parents ni Rhian kasi mukhang sa kanila ka talaga may malaking problema." Sagot ni Ky.

"Hindi ko na kailangang makipag ayos sa mga magulang niya Ky dahil pamilya kami ni Rhian and sila lang ang concern ko." Sagot ko.

"Well, kung yan ang mindset mo huwag ka nang umasa na magkakabalikan kayo kasi sa nakikita ko, parang mas susundin pa ni Rhian ngayon kung anuman ang gusto ng Dad niya kahit na sabihin pa nating mahal ka pa din niya." Sabi ni Ky.

"Sa tingin mo mahal niya pa din ako?" Bigla kong tanong.

"Oo, halata naman masyado eh. The way ka niya titingnan, nandiyan pa yung love niya for you. Siguro need lang muna niya talaga ng space pero hindi ibig sabihin na huwag ka munang magparamdam sa kanya. Suyuin mo din siya para naman maramdaman niyang ayaw mo siyang mawala sayo." Sagot ni Ky.

"And seryoso ako about sa parents niya. Hingin mong muli ang kamay ni Rhian mula sa kanila para naman masabi talaga nila na seryoso kang mabuong muli ang pamilya mo." Dagdag niya.

"Pag iisipan ko yan Ky." Sagot ko.

"Huwag mong pag isipan. Gawin mo." Sabi niya.

Hindi na ako sumagot.

Sa totoo lang masama ang loob ko sa ama ni Rhian dahil sa mga sinasabi niya tungkol sa akin pero hindi ko rin naman masisi ang Dad niya. Concern lang kasi ito sa anak at apo niya.

Nasa gitna ako ng aking pagmuni muni nang biglang tumunog ang aking cellphone. Hindi nakarehistro ang numerong tumatawag kaya naman hindi ko ito sinagot.

Nakaraan ang ilang segundo ay tumawag ulit ito kaya naman sinagot ko na.

"Hello, sino to?" Inis kong tanong.

"Having a bad day babe?" Sagot ng nasa kabilang linya.

"Sino nga to?" Tanong ko ulit.

"Si Mia to. Remember?" Sagot niya.

Nag iisip ako kung sino si Mia at natandaan kong naging kasama ko pala siya sa gig namin dati sa Dubai.

"Oh, Mia, kumusta kana? Nasa Paris ka din ba ngayon?" Tanong ko.

"Yeah, pinapunta kasi ako ng pinsan ko dito kaya sinubukan kong tawagan ang number mo nagbakasaling nandito ka rin and I guess nandito ka nga." Sagot niya.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon