4

2.1K 105 7
                                    

Simula noong lumuwas si Klea ay kakaiba na ang mga kinikilos niya. Napapansin kong parang may gumugulo sa isipan niya. Kagaya nalang ngayon tulala at wala siya sa kanyang sarili habang nagtitempla siya ng kape. Dahan dahan akong humakbang palapit sa kanya nang makita niya ako.

"Glaiza naman, ang ng doctor huwag mong pwersahin ang sarili mo kung gusto mo pa na makakalakad ka pang muli." Galit na sabi niya sa akin.

"Pasensya kana Kle ha kung sobra sobra na ang abalang nagawa ko sayo. Napapansin ko kasi na para wala ka lagi sa sarili mo simula noong lumuwas ka. Pwedi mo namang sabihin sa akin kung anu man yang nagpapagulo sa isipan mo." Sabi ko.

Minamasdan niya akong mabuti.

"Gusto mo talagang malaman?" Tanong niya.

Tumango lang ako.

"Okay dapat lang na malaman mo ito." Sabi niya habang inalalayan niya akong makaupo.

"Noong lumuwas ako at pagbalik ko ay may dala akong kape, alam mo bang nagkita kami ng pamilya mo?" Sabi niya sa akin.

Nanigas ang buo kong katawan pagkarinig ko sa mga sinasabi niya.

"Paano kayo nagkita? Ang daming coffee shop sa city Kle." Lito kong tanong.

"Yun na nga Glai, sa dinami daming coffee shop sa syudad talagang sinadya ng tadhana na pagtagpuin kami ng mag iina mo." Sabi niya.

"Nakilala ka ni Rhian?" Tanong ko sa kanya.

"Oo Glai dahil siya ang unang nakakita sa akin. Nilapitan niya ako. Alam mo bang para ng sasabog ang dibdib ko sa mga panahong iyon? Takot at awa ang nararamdaman ko that time Glai." Sabi niya.

"Natatakot ako dahil baka madulas ako at masabi ko sa kanya ang totoong nangyayari sayo at awa dahil sobrang namimiss kana ng mga anak mo lalo na si Princess." Dagdag niya.

Nangingilid na ang mga luha ko pagkarinig ko sa pangalan ni Princess.

"Glai, huwag mo na silang pahirapan pa. Alam mo bang awang awa ako kay Rhian dahil inako niyang mag isa ang pagpapalaki sa mga anak ninyo na dapat ay kayong dalawa ang magkatuwang." Sabi ni Klea.

"Kle, alam ko ang nararamdaman mo dahil hindi ako manhid. Gustong gusto ko ng magpakita sa pamilya ko alam mo ba yun? Pero pinipigilan ko ang sarili ko. Ayokong humarap sa kanila na isa pa akong inutil gusto ko kapag harapin ko na sila ay naibalik ko na ang dating ako. Yung dating Glaiza na minahal ng pamilya ko." Nakayuko kong sagot.

"Kailan naman ang panahon na yun Glai? Kapag ba hindi mo na makikita amg pamilya mo? Kapag ba sarado na ang isipan ni Rhian na pakinggan ang kwento mo? Kelan Glai? Kapag huli na ang lahat?" Sabi ni Klea.

"Anong ibig mong sabihin? May sinasabi ba si Rhian sayo Kle? Anong mensahe niya para sa akin?" Tanong ko.

"Ang sabi niya kapag nagkrus daw ang landas nating dalawa iparating ko daw sayo na sana nakakatulog ka ng mahimbing tuwing gabi at kung may balak ka pa daw na magpakitang muli sa kanila sana hindi pa daw huli ang lahat dahil kapag nahuli kana hinding hindi mo na makikita ang mga anak mo." Malungkot na sabi ni Klea.

Hindi ko na kayang pigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Mahal na mahal ko sila at alam nila yon.

"Kle, anong dapat kung gawin?" Lito kong tanong.

"Matagal mo ng alam kung ano ang tama at dapat mong gawin Glai. Huwag mong hintayin na sa iba pa malaman ni Rhian ang katotohanan. Maawa ka naman sa mga anak mo. Nangungulila sila sayo ay si Rhian kahit di man niya sabihin sa akin ramdam kong mahal na mahal ka pa din niya sa kabila ng ginawa mo sa kanya." Sabi ni Klea.

"Alam mo bang wala na akong mukhang maiharap sa kanya sa oras na malaman niyang may alam ako kung nasaan ka at kung anong nangyayari sayo. Iniisip mo ba na pwedi niya akong isumpa kapag nalaman niya yon?" Dagdag niya.

"Patawad Kle, patawad kong pati ikaw nadamay sa problema ko." Sabi ko.

"Kaya nga Glai please naman pakinggan mo naman ako. Huwag mo ng palakihin pa ang problema mo. Baka kasi dumating ang panahon ay kamuhian ka ng mga anak mo. Isipin mo din ang asawa mo alam natin pareho na hindi mo siya dapat inistress dahil may sakit siya. Paano nalang Glai kung nagkataon bumalik ang sakit ng asawa mo dahil sa sobrang pag iisip niya sayo. Sinong mag aalaga ng mga anak ninyo? Hindi mo ba naisip yon Glai?" Sabi niya.

"Kle lahat yan naiisip ko pero anong magagawa ko sa ngayon? Bigyan mo ako ng konting panahon para ihanda ang sarili ko. Pangako aayusin ko to. Konting panahon nalang Kle yan lang ang hihilingin ko sayo." Pakiusap ko sa kanya.

"Nasa sayo na yun Glai basta naiparating ko sayo ang mensahe ni Rhian. Kung anu man ang kahihinatnan ng katigasan ng ulo mo sana hindi mo ako sisisihin sa bandang huli dahil hindi lang ito ang unang beses na kinumbinsi kitang magpakita na sa kanila." Sagot niya.

"Huwag kang mag alala hindi kita sisisihin kung sakaling mahuli na ang lahat. Salamat Kle, napakabuti mong tao. Hangad ko lagi ang iyong kaligayahan Kle sana makatagpo kana ng taong magmamahal sayo ng sobra." Sabi ko.

Hindi na siya sumagot. Alam ko kapag tahimik na si Klea ay ayaw na niyang makipag usap pa kaya dahan dahan akong tumayo at nagpaalam ako sa kanya.

"Pasok na muna ako sa loob ng kuwarto Kle." Sabi ko.

Isang tango lang ang isinukli niya.

Habang naglalakad ako patungong kuwarto ay hindi mawala sa isipan ko ang mga sinasabi ni Klea sa akin. Mapride ba akong tao kung ayaw kong harapin ang pamilya ko na ganito ang kalagayan ko? Hindi ba pweding ayaw ko lang na mag alala sila sa akin. Ayaw kong madagdagan pa ang problema ni Rhian kaya amg gusto ko kapag bumalik na ako ay malakas na akong muli hindi lang ang katawan ko kundi pati narin ang kalooban ko.

Ang mga anak ko, hindi sila nawawala sa isipan ko. Walang minuto na hindi ko sila iniisip at walang gabi na hindi sila ipinagdasal dahil sa mga oras na ito yan lang muna ang kaya kong maibigay sa kanila.

Si Rhian alam ko matatag siya pero alam ko din na may hangganan ang katatagan niyang iyon kaya naman sinisikap ko talaga na makakalakad na ako agad. Madami na akong oras na sinayang at ayoko ng dagdagan pa ito.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon