9

1.9K 95 16
                                    

Ilang araw na ang nakaraan simula noong naihatid namin sa huling hantungan si Prince pero halos gabi-gabi ko siyang napapaniginipan. Sobrang sakit itong nangyayari sa akin ngayon. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang patawarin si Glaiza dahil sa totoo lang masaya pa sana kami hanggang ngayon kung hindi lang siya naglayas.

"B, okay ka lang ba?" Pag alalang tanong sa akin ni Bianca.

"Yes B, pipilitin kong magiging ok. Miss na miss ko na ang anak ko B." Sabi ko habang umiiyak.

Niyakap ako ni Bianca.

"Tama na yan. Patahimikin na natin si Prince. Alam natin pareho na hindi siya matatahimik kapag nakikita ka niyang nagkaganyan." Sabi niya.

"Hayaan mo muna akong magluksa B. Dahil masyado pang presko sa utak ko ang mga nangyayari." Sagot ko.

"Okay, kung yan ang gusto mo. Basta huwag lang sumobra ha? Doon lang muna ako sa kwarto ni Princess." Sabi niya bago siya tumayo at naglakad patungo sa kuwarto ni Princess.

"Ma'am pasensya na po pero nagpupumilit po kasi si Ma'am Glaiza na pumasok eh. Mag iiskandalo daw po siya kapag hindi namin siya papasukin." Sabi sa akin ni Manang at paglingon ko ay nasa likuran na nga niya si Glaiza.

Unang tingin ko palang sa kanya ay alam kong nakainum siya.

"Anong ginagawa mo dito sa pamamahay ko?" Galit kong tanong sa kanya.

Ngumiti muna siya bago siya nagsalita.

"Ganyan ka ba bumati ng bisita Rhi? Wow! Napakaformal naman." Sagot niya habang nakangiti.

"Ano pa bang gusto mo Glai? Bakit ka pa bumalik dito ha?!" Inis kong sabi.

"Syempre namiss ko ang asawa at mga anak ko." Sagot niya habang nakatitig siya sa mga labi ko.

"Baka nakalimutan mo wala ka nang asawa at anak." Sabi ko habang pinagmasdan ko siya.

"Namatay lang si Prince pero anak ko pa din siya at buhay na buhay pa siya dito sa puso ko. At ikaw? Kahit ano pang sasabihin mo tungkol sa akin asawa pa din kita kaya may karapatan akong tumuntong dito dahil pamamahay ko din ito." Sagot niya habang pangiti ngiti.

"Ang lakas din ng loob mong sabihin sa akin na asawa mo ako? Baka nakalimutan mo matagal na tayong hiwalay." Sabi ko.

"Rhi, umalis ako oo pero hindi tayo naghiwalay tandaan mo yan. Kaya may karapatan pa din ako sayo." Sabi niya.

And this time ay lumapit siya sa akin at hindi ko siya napigilan ng bigla niya akong hinalikan sa labi. Halik na puno ng poot at galit. Ilang beses ko siyang itinula pero wala akong lakas dahil mas malakas pa siya kesa sa akin. Amoy na amoy ko ang alak sa kanyang hininga.

Nag ipon ako ng lakas para itulak siya and this time napalakas ko ang pagtulak sa kanya at natumba siya dahil na out of balance ang kanyang katawan kaya naman tumama ang kanyang mga paa sa solid na bakal.

Tiningnan ko siya ng masama ngunit nakikita kong parang sobrang nasaktan siya sa ginagawa ko o dahil lang ba iyon sa kalasingan niya. Tatalikuran ko na sana siya ng bigla siyang nagsalita.

"Please tulungan mo akong tumayo. Hindi ko na kayang tumayo." Sabi niya pero sa hindi ako nakinig sa kanya at nagsimula na akong humakbang palayo sa kanya.

"Please Rhian tulungan mo akong tumayo. Hindi pa masyadong magaling ang mga paa ko. Please help me." This time umiiyak na siya.

Bigla akong naawa pagkarinig ko sa mga hikbi niya kaya naman nilingon ko siya at kita ko nga na hindi pa siya nakatayo.

"Pwedi ka na mag artista Glai. You got me." Sabi ko habang inabot ko sa kanya ang aking mga kamay para tulungan siyang tumayo.

"Hindi kita niloloko Rhian, ito ang dahilan kung bakit hindi ako nagpaparamdam sa inyo sa loob ng dalawang taon dahil hindi ako makalakad. Nabangga yung kotse na sinasakyan ko noong time na naglayas ako and same day din nangyari ang aksidente na siyang dahilan ng pansamantala kong pagkalumpo." Sabi niya.

Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya o hindi kaya isa lang ang naisip kong paraan ngayong nakatayo na siya ay paalisin ko na siya sa harapan ko.

"Huwag ka ng mag embento ng storya Glai, now get out! Hindi ka namin kailangan dito kaya umalis kana." Sabi ko.

Nakayuko siya habang dahan dahan niyang inihakbang ang kanyang mga paa pero natumba siya ulit. Mabuti nalang at mabilis ko siyang nahawakan.

"Hindi ko na kayang maglakad. Please bigyan mo muna ako ng ilang minuto para hintayin ko si Ky magpapasundo ako sa kanya." Pakiusap niya.

"Okay baka naman isipin mo napakasama ko na talagang tao. And don't worry ako na ang tatawag sa pinsan mo." Sabi ko habang dinadial ko ang numero ni Ky.

Isang ring lang at sinagot na niya ito.

"Yes Rhi, napatawag ka may problema ba?" Sabi niya sa kabilang linya.

"Ky, nandito ang pinsan mo at ang sabi sunduin mo daw siya kasi hindi niya daw kayang maglakad palabas ng bahay para umuwi diyan sa inyo." Sabi ko.

"What? Natumba ba siya?" Taranta niyang tanong. Hindi agad ako nakasagot dahil ramdam ko na nataranta si Ky.

"Rhi are you still there? Anong nangyari sa kanya?" Pansin ko ang pag alala ng boses niya.

"Naitulak ko kasi siya and tumama ang mga paa niya sa poste dito sa may veranda." Sagot ko.

"My God. Sige salamat sa tawag Rhi papunta na ako diyan." Sagot niya at pinutol na niya ang tawag.

Naiwan akong tulala at nakatingin ako kay Glaiza. Ibig sabihin hindi siya gumagawa ng kwento. Kitang kita ko din na nasasaktan siya kaya kung kanina ay galit na galit ako sa kanya lahat ng galit ko ay bigla nalang naglaho ngayon at hindi ko napigilan ang sarili ko na lapitan siya.

"Hey, are you okay? Bakit ba kasi pabigla bigla kang manghahalik, alam mo namang galit ako sayo." Sabi ko habang hinahawan ko ang mga paa niya. At napansin kong may kakaiba na nga sa mga ito.

"Please don't touch it masakit na masyado Rhi." Sabi niya.

Nalito ako kung alin ang masakit sa kanya kaya nagtanong ako.

"Alin ba ang masakit sayo dito ba na side?" Tanong ko habang itinuro ang left side ng leg niya.

Hindi siya sumagot pero kita ko sa mukha niya na tiniis niya lang ito.

"Please magsalita ka naman. Dadalhin nalang kita sa hospital." Sabi ko.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin ngayon, hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nag alala sa kanya. Hindi ko alam kung bakit natatakot ako sa kalagayan niya. Galit ako sa kanya ramdam ko yon pero bakit bigla nalang naglaho yung galit ko sa kanya ngayon.

"Glai?! " nagbalik ako sa katinuan nang marinig ko ang boses ni Ky.

Dali dali niyang nilapitan ang kanyang pinsan at doon ko lang namalayan may dala pala silang wheelchair at doon nila pinasakay si Glaiza.

Nalilito man ako pero nakuha ko paring magtanong kay Ky.

"Ky, bakit siya nakasakay sa wheelchair? Anong nangyari sa kanya?" Halata sa boses ko na nag alala ako para sa kanya.

"Rhi, ito yung sagot sa mga katanungan mo noon kung bakit nawala siya ng dalawang taon." Tanging sagot ni Ky.

"A..ano ng mangyayari sa kanya ngayon? Saan niyo siya dadalhin?" Tanong ko.

Ngumiti siya ng mapait.

"Don't worry she'll be fine. May theraphist siya at doon namin siya dadalhin sa bahay ko. If gusto mong bumisita sa kanya welcome ka sa bahay ko." Sabi niya.

Nakita kong malungkot na nakatingin si Glaiza sa akin. At heto na naman ang puso ko. Mas lalo akong naawa sa kalagayan niya ngayon. Mas nanaig sa akin ang pagmamahal ko sa kanya kaysa sa galit ko. Oo aaminin ko mahal na mahal ko pa din siya at ngayon ko lang napapatunayan na hindi pala nawala ang pagmamahal ko sa kanya simula noong iniwan niya kami. Siguro pinipilit ko lang sabihin sa sarili ko na hindi ko na siya mahal pero ang totoo wala talaga akong ibang minahal kundi siya.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon