8

1.9K 85 4
                                    

"Maawa po kayo sa akin Dad papasukin po ninyo ako! Gusto ko pong makita ang anak ko sa huling pagkakataon.!" Halos lumuhod na ako sa harapan ng Daddy ni Rhian para lang papasukin nila ako sa loob ng chapel kung saan nakaburol si Prince.

"May anak ka pa pala Glaiza? Ang kapal naman ng mukha mong pumunta pa dito. Bakit kung papasukin ba kita ay kaya mong buhaying muli ang apo ko?! Kung sasabihin mong oo sige pumasok ka! Pero hindi eh! Kahit ilang balde pa ng luha ang lumabas diyan sa mga mata mo wala ng magagawa yang pag iyak iyak mo na yan! Hindi ako naki alam sa problema ninyo ng anak ko noon pero ngayon? Hindi lang si Prince ang mawawala sayo. Pinagkatiwalaan kita dahil nakita ko sayo noon na matino kang tao pero hindi pa pala talaga kita lubos na kilala." Galit na galit na sabi ng ama ni Rhian.

"Dad, kahit sandali lang please nagmamakaawa ako sayo. Gusto ko lang makita at mayakap si Prince." Paki usap ko habang nakaluhod sa harapan niya.

"Umalis kana!! Bumalik ka na kung saan ka man nanggaling dahil kahit ano pang gawin mong pagmamakaawa ay wala kang makukuha ni katiting na awa mula sa akin. Huwag na huwag ninyong papasukin ang babaeng yan dahil kapag nakapasok yan sa loob ay malilintikan kayo sa akin!!" Bilin niya sa mga tauhan niya bago siya pumasok pabalik sa loob ng chapel.

"Dad, please maawa naman kayo sa akin!" Sigaw ko habang umiiyak pero tila wala na siyang naririnig.

Pang apat na araw na ngayon ng lamay ni Prince pero ni minsan ay hindi pa ako nakapasok sa loob. Simula noong naki usap ako sa ama niya ay hindi ko na rin nakikitang lumabas pang muli si Daddy. Mahigpit ang mga bantay kaya naman wala talaga akong pag asa na makapasok upang masilayan ko sa huling pagkakataon ang anak ko.

Araw araw akong umiiyak. Kagaya nalang ngayon nandito ulit ako sa labas, naghihintay kung sino ang pwedi kong kausapin para makapasok ako. At hindi ko inaasahan na makikita ko si Rhian. Agad akong tumakbo patungo sa kanya.

"Rhiaaan! Mabuti naman at lumabas ka. Ikaw nalang ang pag asa ko para makapsok ako sa loob." Mangiyak ngiyak kong sabi habang hinahawakan ko ang mga kamay niya.

"Bitawan mo ako!! Sa tingin mo ba makikita mo pa ang anak mo ha?!? Natiis mo ngang hindi siya makita sa loob ng dalawang taon tapos ngayon aarte ka ng ganyan!? Umalis kana lang Glai dahil kahit ano pang pagmamakaawa ang gawin mo hinding hindi ako maawa sayo." Galit na galit niyang sabi habang inalis niya ng pwersahan ang mga kamay ko sa kamay niya.

"Rhian anak ko din si Prince!! Please naman itabi mo muna ang galit mo sa akin ngayon, may karapatan akong makita ang anak ko!!" Sabi ko.

"Anak? Karapatan? Nagpapatawa ka ba? Matagal ka ng walang karapatan sa mga anak ko Glai! Kaya huwag mong gamitin sa akin ang karapatan mo dahil tinanggal mo na yun simula noong iniwan mo kami.!" Galit niyang sabi.

Lumuhod ako para lang kaawaan niya pero wala paring nangyari. Nagkataon naman na lumabas si Kylie. At agad niya akong nilapitan nang makita niya akong nakaluhod.

"My God Glaiza! Ano yang ginagawa mo? Tumayo ka nga diyan." Sabi niya habang inalalayan niya akong tumayo.

"Ky, ilayo mo na ang pinsan mo dito habang kaya ko pang pigilan ang sarili ko at huwag mo na siyang pabalikin pa dahil hinding hindi na niya makikita ang anak niya kahit na lumuha pa siya ng dugo!" Galit na sabi ni Rhian.

"Pasensya kana Rhi, don't worry ako ng bahala sa kanya. Lets go Glai. Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo." Sabi ni Kylie.

Habang nasa loob kami ng sasakyan ay hindi parin ako tumigil sa pag iyak.

"Glai, diba sinabihan na kita na huwag ka ng pumunta pa sa chapel dahil hindi ka talaga makakapasok. Galit na galit sayo ang mga magulang ni Rhian at hindi mo sila masisisi kung bakit sila nagkaganyan sayo." Panenermon ni Ky.

"Ky, anak ko ang pinag uusapan dito ilang beses man nila akong itaboy babalik at babalik pa din ako,ganun ko kamahal ang anak ko Ky." Sagot ko.

"Sana inisip mo yan noong mga panahong buhay na buhay pa si Prince. Ilang beses kitang pinagsabihan na magpakita kana sa pamilya mo bago pa mahuli ang lahat pero nakinig ka ba sa akin? Hindi diba? Sana naman this time makinig ka naman Glai! Hayaan mo namang magluksa ang pamilya ni Rhian. Igalang mo naman ang desisyon nila. Alam mong mas lalo lang silang masasaktan kapag nakikita ka nila. Kasi sa totoo lang ikaw naman talaga ang dahilan kung bakit naisip yun ng anak mo." Inis na sabi ni Ky.

Buong buhay ko ngayon lang ako nakarinig ng hindi kaaya ayang salita mula sa kanya kaya naman alam ko na pati siya ay nagagalit sa akin.

"Wala na ba akong karapatang masilayan si Prince kahit sandali lang? Kahit isang minuto lang sana Ky konting oras lang ang hinihiling ko. Mahirap bang ibigay yon sa akin?" Iyak kong sabi.

"Manhid ka ba? Hindi mo ba naramdaman na kinasusuklaman ka nila? Dahil nawalan sila ng apo at anak dahil sayo! Dahil sa lintik na pride mo nawalan ka ng anak! Lintik na pride na yan Glai! Kung sana noon pa nakinig ka sa mga sinasabi ko sayo di sana nabuo mo na ang pamilya mo!! Ngayon sabihin mo nga sa akin kung paano mo pa mabubuong muli ang pamilya mo ngayong nawalan kana ng anak! Paano mo pa malalapitan si Rhian ngayong suklam na suklam siya sayo! Hindi lang si Prince ang mawawala sayo Glai kundi pati na rin si Princess! Kasi pagkatapos ng nangyari sigurado akong ilalayo nila si Princess sayo.! Galit na si Kylie ngayon.

"Bakit Ky? Ako lang ba ang dapat sisihin sa nangyari sa anak ko? Si Rhian, kasa kasama niya ang mga anak namin araw araw pero bakit hindi man lang niya napapansin na nahihirapan na pala si Prince. Kasi masyado siyang focus sa sarili niya. Nakalimutan niyang may mga anak siya. Dapat sinisisi mo rin si Rhian kasi may pagkukulang din naman siya!" Sagot ko.

"May lakas ka pa ng loob para sisihin si Rhian? Bakit sa tingin mo ba hindi siya naguiguilty sa nangyari sa anak niya? Sa tingin mo ba nakakatulog siya ng maayos? My God Glai! Kung makikita mo lang siya kung paano niya sinisisi ang sarili niya. Halos hindi na nga siya umalis sa chapel dahil ayaw niyang iwan ang labi ng anak ninyo. Tapos ikaw? Ganyan sasabihin mo? Apektado din ba pati utak mo at nagkaganyan ka." Sabi niya.

Hindi na ako umimik dahil alam ko galit na si Kylie. Bakit ngayon pa nangyari ang lahat ng ito. Bakit kung kailan buo na ang loob ko para buohin muli ang pamilya ko ay saka naman ako nawalan ng anak. Sa halip na magka ayos kami ni Rhian tila yata mag lalo pa kaming magkakagulo. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ngayon. Di sana ako umalis noon. Sana masayang masaya kami hanggang ngayon.

Isang maling desisyon na nagpapagulong lalo sa buhay ko. Masaya na sana kami noon eh. Pero bakit ko nga ba nagawa yon? Mahal ko naman si Rhian. Wala akong ibang babaeng minahal kundi siya lang pero nagawa ko pa ding umalis noon ng dahil lang sa galit. Kinain na ako ng galit noon kaya ko nagawang maglayas at heto na ang bunga ng pagkakamali ko sa nakaraan. Ang masakit na bunga na habang buhay kong dadalhin. Sana isa lang itong masamang panaginip pero hindi. Dilat na dilat ang mga mata ko. Totoong nangyayari kaya masakit man wala na akong magagaws kundi ang tanggapin at harapin ang bawat araw na wala na siya. Kailangan kong tumayo at lumaban para sa kanilang dalawa. Gagawin ko ang lahat para makuha kong muli ang loob ni Rhian dahil pamilya ko sila. Asawa ko siya at higit sa lahat mahal na mahal ko pa din siya.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon