10

2.1K 95 13
                                    

Nasa harapan ako ngayon ng gate ni Ky dahil hindi ako mapakali hanggat hindi ko nalalaman ang kondisyon ni Glaiza. Kahit na malaki ang sama ng loob ko sa kanya pero mas nanaig pa din talaga ang pagmamahal ko para sa kanya.

Nagdoorbell ako at ilang saglit lang ay bumukas na ang gate.

"Magandang araw po Ma'am Rhian." Bati sa akin ni Aleng Cris.

"Magandang araw din po. Bibisitahin ko po sana si Glaiza?" Sabi ko kay Aleng Cris.

"Naku tiyak matutuwa po si Ma'am Glaiza nito. Halika ka Ma'am pasok po kayo." Masayang sabi ng Ale at inihatid niya ako sa kwarto ni Glaiza.

"Katukin niyo lang po Ma'am. Nasa loob lang po yan siya hindi naman kasi yan madalas lumabas sa kwarto na yan." Sabi niya.

"Sige po ako na po ang bahala. Maraming salamat po sa paghatid sa akin." Sabi ko.

"Walang anuman po Ma'am. Mauna na po ako Ma'am." Paalam ng Ale at naglakad na siya pabalik sa kung saan man siya nanggaling kanina.

Kinapa ko ang aking dibdib. Handa na ba akong kausapin siya? Tanong ko sa aking sarili.

Lumapit ako sa may pintuan at kumatok.

"Manang diba sabi ko sayo gusto kong mapag isa!" Sabi niya na tila ba mainit ang ulo.

Kumatok ako ulit pero hindi ako nagsasita.

"Ano ba Manang! Nananadya ka ba? Sabi ko naman sayo na gusto kong..." hindi na nila natuloy ang kanyang sasabihin ng makita niya kung sino ang nasa harapan niya ngayon.

"Rhian? A..anong ginagawa mo dito?" Tanong niya na halatang hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita.

"Ganyan ka ba bumati ng bisita? Napakaformal naman." Sagot ko habang nakangiti.

"Pa..pasok ka." Sabi niya at pumasok ako sa loob ng kwarto niya samantalang nakasunod naman siya sa akin sakay sa kanyang wheelchair.

Umupo ako sa gilid ng kanyang kama habang inikot ko ang aking paningin sa kabuoan ng kanyang kwarto.

"Kumusta kana Glai?" Tanong ko.

"Heto inutil na." Sagot niya habang iniiwas niya sa akin ang kanyang tingin.

Nakaramdam ako ng awa sa kanya.

"Ano pala ang sabi ng therapist mo? Makakalakad ka pang muli diba?" Paninigurado ko.

"Oo kapag makikipag cooperate daw ako sa kanya. Pero nawalan na ako ng gana Rhi. Kasi kahit na makakalakad pa akong muli malabo ng mabuo ang pamilya ko. Kaya ano pang rason ko para magsumikap ako para makalakad pang muli." Malungkot niyang sabi.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kanyang mga kamay.

"Huwag ka ngang ganyan. Dapat nga magpagaling ka kung gusto mo talagang mabuong muli ang pamilya mo. Sa tingin mo bakit ako narito ngayon?" Sagot ko.

Tumingin siya sa akin na may ningning ang kanyang mga mata.

"Anong ibig mong sabihin Rhi?" Tanong niya.

"Hindi pa ba malinaw sayo na sa kabila ng lahat ay hindi pa rin kita kayang tiisin? Kasi ikaw eh lintik ka bakit sobrang lakas mo sa akin? Yung kahit galit na galit na ako sayo pero kapag nakikita kitang ganyan mas nanaig pa din ang pagmamahal ko sayo." Pag amin ko.

"To..too ba yang sinasabi mo Rhi?" Tanong niya habang hinahawakan niya ang mga kamay ko.

Tumango ako bago ako nagsalita.

"Patawarin mo ako Glai sa mga nagawa ko sayo noon sa chapel. Talagang sarado ang puso at isipan ko that time. Hindi ko kasi talaga alam ang totoong nangyari sayo." Sabi ko habang pinagmasdan ko siyang mabuti.

Nagababadya na ang kanyang mga luha at any time ay tutulo na ito kaya naman tumayo ako at niyakap ko siya ng mahigpit.

At nang magdikit ang aming mga balat ay bumabalik sa akin ang pakiramdam ko noon kapag kayakap ko siya. Yung pakiramdam mo ay safe ka sa piling niya. Yung ramdam mong nabubuo kang muli kahit na sa simpleng yakap lang niya. At higit sa lahat pakiramdam ko unti unti akong nabuhay. Ngayon ko lang narealize na si Glaiza pala talaga ang nag iisang tao na magpaparamdam sa akin ng ganito.

Umiiyak na si Glaiza ngayon habang mahigpit niya akong niyayakap.

"Sshhh..tama na yan. Basta mangako ka sa akin ngayon. Sundin mo kung ano ang sinasabi sayo ng therapist mo ha? Kung gusto mo pa kaming makasama ng anak mo. Sikapin mong makalakad ka ulit dahil ayoko ng asawang lumpo." Pagbibiro ko sa kanya.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap niya ako.

"Magsisikap akong makalakad muli alang ala sa inyo ni Princess. Mahal na mahal kita Rhi maniwala ka man sa akin o hindi. Ikaw lang ang babaeng minahal ko buong buhay ko." Sabi niya habang patuloy sa pag agos ang kanyang mga luha.

Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na hindi maiyak.

"Alam mo din na mahal kita Glai, at hindi ko na yata kayang magmahal pa ng iba. Ikaw lang ang laging sinisigaw netong puso ko. Kung sana hindi mo pinairal ang pride mo noon di sana naalagaan kita at di sana nawala sa buhay natin ang si Prince." Sumbat ko sa kanya habang patuloy ako sa pag iyak.

"Alam ko kasalanan ko ang lahat at sa totoo lang hanggang ngayon inuusig pa rin ako ng aking konsensya pero kahit na ano pang gagawin ko Rhi hindi ko na maibalik ang buhay ng anak natin. Kailangan nating ipagpatuloy ang ating buhay alang alang sa isa pa nating anak. Kaya sana matanggap mo akong muli." Sabi niya habang hinahalikan niya ang aking mga kamay.

Puno ng kalungkutan at puno ng pagsisisi ang naririnig ko sa boses ni Glaiza kaya naman mas lalo akong naawa sa kanya. Hindi lang siya ang dapat sisihin sa pagkawala ni Prince dahil hindi naman siya ang lagi niyang kasama. Kaya siguro madali kong napatawad si Glaiza kasi ako, sarili ko din dapat masisi dahil masyado akong self centered akala ko ako lang yung naaapektuhan, akala ko ako lang yung nasasaktan pero nagkamali pala ako dahil doble pala ang naramdamang sakit ni Prince.

Nagkatinginan kami ni Glai at pareho kaming umiiyak. Ganito pala ang pakiramdam kapag nagpatawad ka. Yunh dating bigat ng dibdib na nararamdaman ko ay unti unti ng nawawala. Yung dating galit na nadarama ko para sa kanya ay napalitan ng pagka awa. At kung gaano ako kamuhi sa kanya noon ngayon napatunayan kong mahal na mahal ko pa pala talaga siya. Andiyan lang talaga ang pagmamahal ko sa kanya. Natatabunan lang ng galit.

Pero ngayong pinatawad ko na siya ramdam na ramdam ko ulit kung gaano ko siya kamahal at kakailangan. Siya lang ang nais kong makasama kong muli dahil siya ang asawa ko.

Oo nagkamali siya pero alam kong pinagsisihan niya ang lahat ng nangyayari sa amin ngayon. Alam ko kahit hindi man niya sabihin ay nangangarap siya na kung pwedi lang sana siyang bumalik sa nakaraan para lang maitama niya ang mga pagkakamaling nagawa niya.

Hindi pa huli ang lahat. Kaya pa naming buohin muli ang pamilya namin at alam ko yan ang gustong mangyari ni Prince. Wala kaming mararating kapag patuloy kaming magsasakitan. Tapos na ang yugtong iyon. Kaya naman ngayon gusto kong magsimulang muli. Gusto kong bigyan ng huling pagkakataon si Glaiza para mabuo kaming muli.

Gagawin ko to hindi dahil mahal ko siya kundi gagawin ko ito dahil ayoko ng mawalan pa ng isa pang anak. Alam kong kailangan ni Princess ang Mama niya alam kong si Glaiza lang ang makakatulong kay Princess lalo na ngayong nag iba na ang ugali niya simula noong pumanaw si Prince. Ang dating Princess na makulit ay halos hindi na nagsasalita at halos lahat ng taong lumapit sa kanya ay itinataboy niya.

A/N:

Sorry po sa mga typos..goodnight guys! Love you all.God Bless.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon