29

1.4K 58 18
                                    

"Kumusta naman kayo ni Rich, Rhian?" Tanong ni Daddy habang nagkakape siya.

"Mabuti naman Dad." Sagot ko.

"Yan, ganyan ang gusto kong marinig na sagot mula sayo. Sana hindi mo ako bibiguin this time. Wala kanang mapapala sa dati mong asawa kaya makinig ka nalang sa akin." Sagot niya habang nakatingin siya sa akin.

"Dad, pwedi naman sigurong magkaibigan lang kami ni Rich. Ayoko kasing gamitin siya laban kay Glaiza." Sagot ko.

"Sino bang nagsasabi na gagamitin mo siya? Kapag napawalang bisa na ang kasal ninyo ng babaeng yon. Magpapakasal ka sa kanya." Sabi ni Dad.

"Daddy, matanda na ako! Hayaan mo namang magdesisyon ako para sa sarili ko." Sagot ko.

"Pinabayaan kitang magdesisyon para sa sarili mo noon, pero anong nangyari? Naging miserable ang buhay ninyo ng apo ko!" Sabi niya.

"Dad, ang problema namin ni Glaiza noon kayang kaya pa namin yung ayusin kaso pinakialaman mo kami. Bakit ba hanggang ngayon Dad lagi mo nalang pinakikialaman ang buhay ko?" Inis kong sagot.

"Dahan dahan ka sa pananalita mo Rhian! Wala akong ibang gusto kundi ang mapabuti kayo ng apo ko, tapos sasagutin mo ako ng ganyan?" Sabi niya.

"Hindi ako si Uno Dad na sunod sunuran sa mga desisyon mo! Malaki ang respeto at pagmamahal ko sayo dahil ama kita pero kapag ipilit mo sa akin na magpakasal ako sa taong hindi ko mahal. Mas mabuti pa sigurong magkalimutan nalang tayo." Sabi ko.

"Ang lakas naman ng loob mo para sabihin sa akin yan Rhian, baka nakalimutan mo na wala ka ngayon kung hindi dahil sa amin. Kaya wala kang karapatan para suwayin kung anuman ang gusto ko para sayo!" Sabi niya habang kitang kita ko ang mga ugat niya sa leeg. Alam ko galit na galit na siya sa akin ngayon.

"Anong klaseng ama kayo? Bakit hindi ninyo kayang intindihin ang sitwasyon ko?" Maluha luha kong sabi.

Tumayo si Daddy at nagsalita.

"Ginagawa ko ang lahat ng ito para sa ikakabuti ninyo ng apo ko. Tapos ngayon parang ako pa ang masama? Mahal ko kayo na apo ko kaya ayokong nakikita kayong nasasaktan dahil sa babaeng yon." Sabi ni Dad na medyo naghahabol na ng hininga.

"Mahal ko din kayo ni Mom pero sobra na ang ginagawa ninyo sa akin! Sakal na sakal na ako eh. Hindi na ako makahinga dahil pareho ko kayong mahal ni Glaiza." Umiiyak na ako this time.

Pero nabigla ako nang biglang natumba si Daddy sa kinatatayuan niya.

"Dad! Anong nangyari! Help!" Sigaw ko at agad naman nagsidatingan ang mga body guards niya.

"Dalhin natin siya sa hospital." Sabi ko sa isa sa mga unipormadong nakatayo.

Dali dali nilang binuhat si Daddy habang naghalong kaba at pagsisisi ang naramdaman ko ngayon.

Habang nasa sasakyan kami ay panay ang dasal ko na sana walang masamang mangyari kay Daddy dahil hindi ko mapatawad ang sarili ko kapag may mangyari sa kanya.

Pagdating namin sa hospital ay agad siyang inasikaso ng mga doctor. Ilang minuto lang din ang nakalipas nang makita ko si Osrich na papalapit sa akin.

Niyakap ko siya dahil para na akong matutumba, at sa kanya ko ibinuhos ang mga luhang kanina pa umaagos.

"Anong nangyari Rhi? Bakit isinugod sa hospital si tito?" Pag alala niyang tanong.

"Hindi ko sinasadyang sagutin siya. I'm so sorry." Tanging sagot ko.

"Shhh..tama na yan. Magiging okay din siya." Sagot ni Rich habang hinahagod niya ang aking likuran.

"Mahal ko si Daddy at ayokong may masamang mangyayari sa kanya." Sabi ko.

"Walang masamang mangyari kay tito okay? Kaya tama na yan. Ipahinga mo muna ang utak mo." Sabi niya.

Isinubsob ko ang aking mukha sa dibdib ni Rich habang nagpipigil ako ng iyak.

Narinig ko namang bumukas ang pintuan ng ER kaya agad akong umayos.

Lumabas ang isa sa mga doctor na nag asikaso kay Dad.

"Doc, how's my Dad?" Tanong ko.

"Sorry Miss Howell but your Dad is suffering from brain attack that causes him soon in trouble of speaking and difficulty in walking." Sagot ng doctor.

"What? No, it can't be happen to him." Sabi ko habang umiiling.

"Brain attack can happen to everyone specially to those person who have history of stroke. And your Dad is one of them, maybe he is too busy to pay attention to himself." Sabi ng doctor.

"What will happen to him?" Tanong ko.

"Honestly answer Ma'am he can't walk without someone who can guide him and he can't speak clearly." Sagot ng doctor.

Umiiyak ako dahil naguilty ako sa nangyari kay Dad. Ano nang gagawin ko ngayon? Paano ko ito sasabihin kay Mommy at ang company ni Dad, sino na ang magdadala neto.

"Rhi, tama na yan. Halika puntahan natin si tito." Sabi ni Rich.

Tumango ako at sabay kaming pumasok sa room na kinaroroonan ni Dad. Pagpasok ko ang nakita kong nakapikit ang mga mata ni Daddy at ang mukha niya ang medyo nag iba.

"Dad, I'm so sorry." Umiyak ako habang hinahawakan ko ang kanyang mga kamay.

"Tito, pagaling po kayo." Sabi naman ni Rich.

"Dad, lumaban ka ha? Aalagaan kita Dad. Pangako susundin ko kung anuman ang gusto mo." Sabi ko.

Pero nanatili pa ding nakapikit ang mga mata ni Daddy. Sobrang bigat ng dibdib ko dahil sa nangyari sa kanya. Kung alam ko lang na aatakehin siya hindi na sana ako sumagot sagot pa sa kanya kanina.

"Rhi, tama na yan. Magiging okay din ang lahat. Lagi mong tatandaan nandito lang ako para sayo." Sabi ni Rich.

"Rich, kapag napawalang bisa na ang kasal namin ni Glaiza ay papakasal ako sayo." Sabi ko sa kanya.

Nakita kong nabigla siya sa mga sinasabi ko.

"Hey, ano ba yang pinagsasabi mo? Papakasal ka sa akin? Hindi mo pa nga tinanggap ang pag ibig ko para sayo." Sagot niya.

"Gusto kasi ni Dad na ikaw yung papakasalan ko bago pa siya inatake kaya susundin ko ang kagustuhan niya." Sagot ko.

"Rhian, huwag. Hindi ako papayag ng ganun. Papakasalan mo lang ako dahil yan ang kagustuhan ng Daddy mo? Papakasal ka sa akin para mabawasan ang konsensya diyan sa puso mo? Ganun ba ang gusto mo?" Tanong niya sa akin.

"Ayoko ng ganun Rhi, gusto ko kapag magpapakasal ka sa akin ,yon ay dahil mahal mo ako, hindi dahil sa konsensya mo. Kasi hindi ko kayang makisama sa isang tao na ako lang ang nagmamahal." Dagdag niya.

Hindi ako sumagot. Tinamaan ako sa mga sinasabi ni Osrich.

"Rhi, alam kong magulo pa ang utak mo ngayon. So pahinga ka nalang muna, ako na ang bahalang tumawag kay tita. Relax your mind masyado ka nang madaming iniisip kaya hindi kana makapag isip ng tama." Dagdag niyang sabi.

"Here, higa ka muna dito. Ako na muna ang magbabantay kay tito." Sabi niya habang inalalayan niya akong humiga sa sofabed na nasa loob ng room ni Dad.

Ipinikit ko ang aking mga mata dahil ramdam kong pagod na pagod na ang mga ito kakaiyak ko simula kanina.

Naririnig ko pa ang beep ng machine na nakalagay sa katawan ni Dad hanggang sa unti unti itong nawawala sa pandinig ko at diko namalayan na tuluyan na pala akong nakatulog.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon