25

1.6K 77 11
                                    

First time naming magkasamang tatlo ngayon papunta sa hospital kung saan kami magpapacheck-up. Habang nasa daan kami ay panay ang sulyap ni Glaiza sa akin. Sa totoo lang kinikilig ako pero hindi ko pinapahalata sa kanya.

"Mommy, Mama after nang check-up natin pwedi ba tayong mamasyal tatlo?" Tanong ni Princess.

"Hmmm, ask your Mommy baby, kasi ako okay lang sa akin. Ewan ko lang sa Mommy mo baka kasi may gagawin pa siyang iba." Sagot ni Glaiza.

"Mommy? Payag ka po ba na mag family bonding po tayo?" Tanong sa akin ni Princess.

"Baby, masama kasi ang pakiramdam ni Mommy eh. Baka naman pwedi sa susunod nalang?" Sagot ko.

Nakita kong malungkot si Princess.

Magsasalita na sana ako nang biglang nagsalita si Glaiza.

"Ganito nalang baby, since masama ang pakiramdam ni Mommy, sasabayan nalang kayo ni Mama sa bahay okay?" Nakangiting sabi ni Glaiza habang nakatingin siya sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang gustong mangyari ni Glaiza. Hindi ko rin alam kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito pero kung ano man ang layunin niya sisiguraduhin kong wala na sa amin ng anak ko ang masasaktan.

"Glai, baka naman bigyan mo muna kami ng privacy ni Princess. Don't get me wrong ha pero gusto ko kasi talagang magpahinga after natin dito." Sabi ko.

Tumango lang siya.

"Pero Mommy, gusto kong makasama si Mama. Sige na Mommy pumayag kanang sumama si Mama sa atin ngayon. Promise po Mommy hindi po kami mag bad ni Mama." Sabi ni Princess habang nagmamakaawa siya ng tingin sa akin.

Hindi ko kayang biguin ang anak ko kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag.

Nakalipas ang ilang oras at nasa bahay na kami. Dumeretso agad ako sa kuwarto habang iniwan ko si Princess at Glaiza sa kuwarto ni Princess. Sa totoo lang ilang araw ng masama ang pakiramdam ko, siguro dahil hindi ako nasanay sa mga gawaing bahay kaya nakaramdam ako ng pananakit ng katawan.

Nanatili akong nakapikit habang nakadapa ako sa kama nang maramdaman kong parang may pumasok sa loob ng kuwarto.

"Rhi? Okay ka lang ba?" Tanong ni Glaiza.

"Yeah. Okay lang ako." Sagot ko ng hindi ko siya tinitingnan.

"Alam mo kung hindi okay sayo na nandito ako, aalis nalang siguro ako." Sabi niya.

"Don't! I mean, please stay, bantayan mo muna si Princess masama lang kasi talaga ang pakiramdam ko." Sagot ko.

Lumapit siya at hinawakan niya ang braso ko.

"May lagnat ka ah. Bakit dimo sinabi kanina sana nabigyan ka ng doctor ng gamot." Sabi niya habang pinipilit niya akong pinapaharap sa kanya.

"Okay lang ako Glai, tubig lang ang katapat neto." Sagot ko.

"Halika nga dito, sandal ka muna diyan kukuha lang ako ng gamot mo. Sana naman sinabi mo sa akin kaagad na may lagnat ka pala." Sabi niya habang naglakad siya papunta sa kinalalagyan ng mga gamot.

"Hindi naman malala ito. Kaya ko naman eh." Sabi ko habang medyo paos na ang aking boses.

"Kaya mo nga, tignan mo nga oh nanginginig kana diyan. Tapos yung boses mo paos na." Sabi niya.

"Huwag mo muna akong sermonan Glai. Masama na nga pakiramdam ko nanenermon ka pa." Reklamo ko.

Inabot niya sa akin ang gamot at tubig.

"Yan, inumin mo yan at magpahinga ka. Ipagluto muna kita." Sagot niya.

"Huwag mo na akong alalahanin Glai, si Princess nalang muna ang alagaan mo. Kaya ko naman ang sarili ko." Sabi ko.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon