21

1.5K 70 14
                                    

"Yan na nga ba ang sinasabi ko sayo noon Rhian. Diba sabi ko siguraduhin mong hindi na kayo ulit iiwanan nang asawa mo. Pero ipinagtanggol mo pa siya diba? So ano na ngayon?" Galit na sabi ni Daddy.

"Dad, hayaan nalang po natin siya. May sarili siyang buhay at huwag nating ipagkait sa kanya ang mamuhay siya ng tahimik." Sagot ko.

"Ganun lang kadali para sayo ang sabihin sa amin na hayaan nalang ang magaling mong asawa na magpakasingle habang kayo na anak mo nagdurusa?" Sabi ni Daddy.

"Please Dad, nakikiusap ako sa inyo huwag ninyong galawin si Glaiza. Aalis kami ni Princess dito. Magpakalayo layo kami para wala na siyang mabalitaan pa tungkol sa amin." Sabi ko.

"Ayusin mo ang sarili mo Rhian. Ipakita mo sa kanya na isang malaking pagkakamali ang ginawa niyang pang iwan sa inyo ng apo ko. Gusto kong mamuhay kayo ng normal ni Princess kaya paki usap ko sayo kalimutan mo na ang babaeng iyon." Sabi ni Daddy.

Tumango lang ako. Alam kong nag aalala si Daddy sa amin ni Princess kaya ganun nalang ang galit niya kay Glaiza. Dati tandang tanda ko pa kung paano gustong gusto ni Dad si Glai dahil sa ugali niya. Pero habang tumatagal unti unting lumalabas ang tunay na ugali niya. Habang tumatagal parang hindi ko na siya kilala kaya naman ganun nalang ang pagkadismaya ni Dad. Dahil ang buong akala niya ang nakatagpo na ako ng taong tanggap ang buong pagkatao ko. Yun pala, isa din pala siya sa mga taong manghuhusga sa akin.

Nakalipas ang ilang araw ay naisipan kong magpunta sa puntod ng anak ko. Hindi ko nalang isinama si Princess dahil gusto kong mapag isa.

Pagdating ko sa sementeryo ay naglakad ako patungo sa puntod ni Prince. Pagdating ko ay may napansin akong isang bulaklak at bagong sindi pa lamang na kandila. Hindi na ako naglaan ng oras para hanapin kung sino man ang naunang dumalaw sa akin sa puntod ni Prince dahil alam kong si Glaiza iyon.

"Prince baby, baka ito na ang huling dalaw ni Mommy sayo ha? Aalis muna kami ni bunso anak. Kailangan muna naming huminga." Sabi ko habang nagbabadya nang tumulo ang aking mga luha.

"Gabayan mo kami ng kapatid mo anak ha? Miss na miss kana ni Mommy. Huwag kang magtampo sa amin ni bunso kung hindi ka namin madalaw. Pangaka pagbalik namin unang una ka naming pupuntahan." Dagdag kong sabi habang pinapahiran ko ang aking mga luha.

Nagsindi ako ng kandila at nag alay ako ng dasal para sa anak ko. Pagkatapos ay naglakad na ako pabalik sa kinaroroonan ng aking sasakyan nang may mga kamay na biglang pumigil sa akin.

Nilingon ko ito at tama nga ang hinala ko. Nandito din si Glaiza. Nang magtama ang aming paningin ay nakikita ko na nababalot ng lungkot ang kanyang mga mata.

"Aalis kayo ng anak ko?" Tanong niya.

"Binigyan mo kami ng rason para umalis Glai." Sagot ko.

"Wala kang karapatang ilayo sa akin si Princess." Galit niyang sabi.

Ngumiti ako at hinarap ko siya.

"Huwag mong banggitin sa harapan ko ang salitang karapatan dahil ikaw ang unang nagtanggal ng karapatan mo para sa anak mo." Sagot ko.

"Inasikaso ko pa ang mga papeles Rhian. Gusto ko sa akin mapunta ang kustodiya ng bata dahil incapable ka para mag alaga sa kanya." Sabi niya.

Isang malakas na sampal ang natamo niya mula sa akin.

"Hindi pa ba sapat sayo ang ginawa mong pang iwan sa amin? Ngayon gusto mong kunin sa akin ang anak ko?" Galit kong sabi.

"Ginawa ko lang ang alam kong tama Rhian! Huwag na nga tayong maglokohan dito. Alam nating pareho na hindi mo kayang alagaan ang anak natin." Sigaw niya.

"Ngayon mo pa sinasabi sa akin na hindi kp kayang alagaan ang anak natin? Bakit noong nawala ka sino ba ang nag aalaga sa mga anak natin Glai? Diba ako?" Galit ko ding sagot.

"Oo ikaw nga pero anong nangyari kay Prince? Sige nga sabihin mo sa akin kung naalagaan mo ba ng mabuti yung mga anak natin. Sabihin mo sa akin kung nasaan si Prince ngayon? At sabihin mo din sa akin kung anong nangyari kay Princess dahil sa pangangalaga mo!" Sabi niya.

"Pwedi ba Glaiza huwag mo namang ipamukha sa akin na napakasama kong ina. Huwag mo naman akong tratuhin ng ganito Glai. Nirespeto ko ang desisyon mo. Pero sana naman hayaan mo na si Princess sa akin Glai." Maluha luha kong sabi.

"Hayaan na nalang natin na ang korte ang magdesisyon tungkol sa mga bagay na yan Rhian. Sapat ng malaman mo na kukunin ko sa pangangalaga mo si Princess dahil hindi ko na talaga kakayanin pa kapag pati si Princess ay mawala sa akin." Sabi niya.

"Hindi ko alam kong bakit mo ginawa sa akin to. Hindi ko alam kung bakit galit na galit ka sa akin na kung tutuusin ay wala akong natatandaan na may nagawa akong kasalanan sayo. Sana lang Glai huwag mo naman akong ibaon lalo sa putikan. Nahihirapan na ako kung alam mo lang." Sabi ko.

"Yon na nga eh. Para hindi kana mahirapan pa. Ibigay mo na si Princess sa akin. Dahil ako ang mas may karapatan sa kanya." Sabi niya.

"Mapupunta lang sayo ang pangangalaga kay Princess kapag patay na ako Glai. Now kung gusto mong mapunta na sayo si Princess. Patayin mo na ako. Para na rin tuluyan ka nang maging malaya." Sabi ko.

"Hindi ako kagaya mo na mamamatay tao. Hindi ako kagaya mo na kayang patayin ang sariling anak." Sabi niya.

Nag init ang mukha ko dahil sa galit.

"Ano pang masasakit na salita ang gusto mong ibato sa akin ha? Baliw ako? Mamamatay tao? Ano pa?! Bakit ka ba nagkaganyan Glaiza? Alam mo hindi na kita kilala." Sigaw ko.

"Huwag mo akong sigawan dahil hindi ako bingi Rhian. Kung ayaw mong makarinig ng masasakit na salita, ibigay mo na sa akin si Princess." Sabi niya.

"Sabi mo sa korte nalang tayo magkita diba? Sige, hihintayin kong ang korte ang magdesisyon tungkol diyan sa gusto mo Glai. Dahil ito lang ang sasabihin ko sayo. Ipaglalaban ko ang karapatan ko sa anak ko." Sabi ko.

"Maawa ka naman sa anak mo Rhian. Hindi pa ba sapat sayo na namana niya ang kabaliwan niya sayo? Sa halip na ilayo mo siya sa impluwensya mo. Mas gusto mo pa yatang dalawa kayong mapunta sa Mental.!" Sabi niya.

"Hindi ako baliw!" Mangiyak ngiyak kong sabi.

"Isa kang baliw! Tanggapin mo nalang ang katotohanang baliw ka." Sabi niya.

"No, hindi ako papaapekto sayo! Hindi ako baliw." Sabi ko.

Ngumiti siya ng mapait. Sabay sabi sa akin.

"Baliw ka. Isa kang baliw na mamatay tao. Dahil sayo nawalan ako ng anak." Sabi niya.

Umupo ako dahil para akong dinaganan ng buong mundo. Habang kitang kita ko kung paano ako iniwan ni Glaiza.

Habang naglakad siya papalayo sa akin ay hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung ano ba ang naging kasalanan ko sa kanya para gawin niya sa akin ang lahat ng ito ngayon. Pero kahit anong pilit kong alalahanin kung ano man anv nagawa ko na posible niyang ikagalit sa akin ng sobra ay wala talaga akong matandaan.

Ito na ba ang kapalit ng lahat ng kasiyahan namin noon? Ito na ba ang kapalit ng pagmamahal na inialay niya sa akin noon? Bakit parang suklam na suklam siya sa akin ngayon? Ibang Glaiza na ang nakaharap ko kanina. Hindi ko na talaga siya kilala.

Isang malaking palaisipan sa akin ngayon kung bakit bigla nalang nag iba ang pakikitungo niya sa akin. Ang dating mapagmahal na Glaiza ay nawala na at ngayon ang pumalit ay ang walang pusong Glaiza. Isang mapangmata, at mapanakit na Glaiza. Hanggang kailan ko kaya kakayanin lahat ng ito? Sana may sapat pa akong lakas ng loob para lumaban alang alang kay Princess.

Glai, sana bumalik kana sa dating ikaw. Bulong ko sa hangin.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon